Kabanata 9

26 8 24
                                    

Emera Ball

"Wag ka na pumunta" -Coreen

"Mag-tiwala ka nalang samin wag ka na pumunta" -Kenzie

"Mabobored ka rin dun" -Sandra

"Wag ka na pumunta, pramis boring lang" -Monica

Nag-sasabay sabay na sila sa pag-pilit saakin na wag pumunta mamaya.

"Trina wag ka na pumunta" -Isaac

"Sayaw sayaw lang dun" -Oreo

"Oo nga! at tsaka wala ka kasama" -Kiel

"Mabibitter ka lang dun" -Lucas

Pare-pareho sila ng opinyon na wag na ako'ng pumunta.

"Pupunta ako, kailangan buo tayo, magagalit si Mrs. Galves kapag wala na nga si Chester tas kulang pa"

Nag-tinginan sila at nag-sabay-sabay na uli sa pag-sabi na wag na ako'ng pumunta.

Besides may bar counter dun, iinom nalang ako!

"Sumayaw lang kayo, kaya ko na mag-isa" sabi ko bago humiwalay sakanila.

Madali ko silang mahahanap dahil pareho ko sila ng kulay ng gown, ang buong student council ay naka-emerald green na gown at black suit na may emerald green na necktie naman sa boys.

Dire-diretso ako sa bar ng walang kain.

"Ma'am mamaya pa po kami mamimigay ng drinks" sabi ng bartender kaya umupo nalang ako sa table ng SCO.

Naka-upo kami ng buong tropa at ng iba pa na officer, si Chester lang ang kulang.

Self! don't cry! you're strong diba?! ipakita mo sa sarili mo!

Sugat di mo iniiyakan tas ung lalaki na yun iiyakan mo.

"For our opening remarks let us call on Chester Dawn"

Sasabihin na sana namin na wala si Chester ngunit lumabas siya bigla ng backstage....kasama si Hailey.

Napaiwas ng tingin sakin ung mga kaibigan ko ng mapalingon ako sakanila.

Ito ba ang rason bakit ayaw nila ako na papuntahin?

"Goodevening Emeralds! shout out to my team mates last retreat! woohoo panalo tayo!"

Ansaya niya tignan kasama si Hailey duon.

"Sa tingin ko dapat mo na makita 'to" sabi ni Lucas at inilapit ang phone niya sakin.

Picture ni Hailey at Chester na may caption na "my date helped me pick out a ball gown for tonights emera ball, aww so sweet"

Napa-lunok ako saka ko ibinalik ang cellphone kay Lucas.

"Akala ko ba aalis ung gago'ng yan? bat andito?" natatawa ko na tanong habang lumuluha ang mga mata ko.

"Bar lang" tumayo ako at dumire-diretso sa bar area ng venue.

"Hard" sabi ko kay kuyang bartender.

1.

2..

3...

4....

Ah basta hindi ko na mabilang.

Naka-ilang inom na ako habang nakatingin kay Hailey at Chester na sumasayaw sa gitna.

"Ako dapat yun eh" sabi ko at tuloy-tuloy na humikbi.

"Miss, okey ka lang?" tanong ni kuya'ng bartender.

"Ikaw! Sa tingin mo okey ako?!" sabi ko habang pagewang gewang ang mga kamay ko.

"Hindi" alam naman pala niya tinatanong niya pa.

"Upo dito" sabi ko at iminuestra ang upuan sa tabi ko.

"Kita mo yon?*tango*ex ko yan! kaninang madaling araw lang kami nag-break"

Natigil ako sa pag-kkwento ng mag-abot siya ng panyo sakin.

Parang dati lang ako nagbibigay ng panyo ah!

"wag ka'ng mag-alala malinis yan" sabi niya napa-iling lang ako ng kinuha ko ang panyo at pinunasan ang luha ko.

"Ansakit sakit lang! ung minahal ko ng mahigit apat na taon, iniwan ako ng ganon ganon lang, at ngayon masaya ng kasayawan ang ibang babae! T*ng*na ako dapat yan eh! Masaya naman kami eh, kaso dumating siya. Siguro ganon nalang yun kahit ilang taon na kayo nung karelasyon mo, pag-may bago wala ka ng magagawa may bago na eh. Kaso sabi niya magtiwala ako, ako naman si tanga, nag-tiwala. sabi niya kasi babalikan niya ako. Yan ba ung babalik? sabihin mo sakin"

"Siguro sayang ung luha sa lalaki na yan. Pero masisisi mo ba ako kung limang taon na siya lang ung laman ng puso ko. tatlong taon akong naguluhan kung may gusto ba ako sakanya. Dalawang taon ako'ng naghintay ng crush back, at tatlong taon naman ng maging kami, tas ganito ang pala kahahantungan? b*llsh*t"

Ibabato ko sana ang shot glass na hawak ko ng pigilan niya ako.

"Salamat sa pakikinig, paumanhin naman sa abala. Alis na 'ko" sabi ko at nag-lakad na paalis.

Hindi niya ako hinabol at hinayaan niya nalang ako na lumayo.

"Ms. Lee ano'ng nangyare sayo?" tanong ni Mrs. Galvez na naka-salubong ko pa.

"Wala to ma'am, Dun lang po ako ah" siguro namumungay ang mata ko kaya halata'ng halata na lasing nga ako.

Maka-pag-cr na nga muna.

Nag-hihilamos ako ng may maramdaman ako na pumasok sa cr.

Inangat ko ang mukha ko ng ramdam ko na wala na lahat ng make-up sa mukha ko.

Nagulat ako ng makita si Hailey.

"Masaya ka na ba? nakuha mo na siya?" tanong ko.

"Hindi pa, hindi ka pa patay eh" sabi nito saka pinukpok ang ulo ko ng baril.

Umikot ang paningin ko at nag-karon ng matinis na tunog sa tenga ko.

Sa isa pa na hampas niya at tuluyan na akong tumumba at nawalan ng malay.

HIDDEN AFFECTION 1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon