Chapter 12

7 0 0
                                    

Like

Bukas na gaganapin ang birthday ko kaya ngayong araw ay yayayain ko si Rorelin para mag pa-body spa at window shop na rin. Ayoko naman na magmukha akong haggard at brokenhearted dahil rejected ako. Baka sakaling mapawi itong nararamdaman ko kung magbibigay muna ko ng oras para sa sarili ko. Magliliwaliw muna ako ngayon kasama ang kaibigan ko.

I called Rorelin about my plans for today kaso di raw sya pwede e weekends naman ngayon.

"Don't tell me na nag-aaral ka huh?" tanong ko kay Rors sa kabilang linya.

Humalakhak sya. "Mind your own business. Magkikita naman tayo bukas e. I just need to fix these things kaya di ako makakasama. You know family problem..." she sighed.

I pouted. "Okay. I hope maayos mo 'yan."

"Sure! Miss me so much huh?" she giggled.

I rolled my eyes.

Sa huli ang kasama ko ay ang dalawa kong lokong magpinsan. Di ko alam kung makakapagrelax ako ng bongga o mai-stress kasama sila.

"Anong gusto mong unahin, Alli? Spa o shopping?" mapang asar na tanong ni Jayden.

Humalakhak naman si Casper, "Pwedeng kumain na muna tayo?"

Di ko na napigilang umirap. Nilingon ko sila at umismid. Mga nakangiti naman ang mga loko.

"Spa dahil ngayon pa lang naaasar na ako sa inyo!"

Lumapit sila sa akin at saka ko inakbayan. Si Jaydey ay nasa kanan ko at sa kaliwa naman ay si Casper.

"As you wish..." si Jayden.

Balak ko sana na matulog sa spa kaso ang mga malalandi kong pinsan puro kalandian ang inatupag.

"Miss, ang lambot naman ng kamay mo. Bagay na bagay sa lalaking laging pagod..." banat ni Jayden sa nagmamasahe sa kanya.

Malandi namang tumawa 'yong babae. Easy girl. "Gano'n ba, Sir?"

"Oo haplos mo pa lang nanlalambot na ako..."

Tangina ang harot!

"Hindi ba tinitigasan, Jayden?" pang aasar ko na ikinapula ng pisngi ng babae kaya napahalakhak ako.

"Shut up, Alli. Mag relax ka lang dyan..." medyos inis na sagot ni Jayden.

Di ko mapigilang tumawa. "Ayaw mo no'n tinutulungan kita sa mga banat mo? Straight to the point na nga e. Diba, Miss?

Tinignan ko si Jayden na nangingiti na rin.

"A-Ano... p-po, Ma'am?" nauutal na tanong ng babae.

Tinaasan ko sya ng kilay kaya nataranta.

"O-Opo... M-Matigas na p-po..."

Humagalpak na ako sa tawa habang matalim akong tinitigan ni Jayden. Got you!

No'ng nagpapa foot spa at pedicure kami ay naglaro ako ng games sa phone ko ng umeksena naman ang isa ko ring malanding pinsan.

"Miss, hindi ka nababagay sa ganitong lugar. Maganda at makinis ka." nakangising sabi ni Casper sa naggagawa ng service nya.

Nahihiyang nilagay no'ng babae 'yong takas na buhok sa likod ng tenga nya at saka namula ang pisngi.

I rolled my eyes for the nth time. What a flirt!

"Oo nga, Miss. Bagay ka sa bahay ng pinsan kong 'yan!" nagmamalaking sabi kaya naman nagulat si Casper pero mukhang natuwa rin sa sinabi ko.

"See?" ani Casper sa babae.

Too Young to Love You (Young Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon