"Sa dinami rami ng tao sa mundo, hindi ko alam kung paano naging ikaw. Nung una palang na makita kita, nagbago na ang buhay ko. Hindi ko din masabi kung paano, pero alam ko na ikaw ang dahilan nito. Araw-araw akong gigising ng may ngiti sa labi dahil alam kong andyan ka. Ikaw ang naging sandalan ko lalo na kapag kailangan ko ng karamay. Bigla nalang din dumating sa punto na ikaw pa mismo ang unang umamin saatin.
Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng mga oras na iyon. Yung tipong tumatalon sa tuwa yung puso ko tapos ayaw na kumalma. Dahil sayo naramdaman ko ulit yun. Ikaw ang laging dahilan ng pag-saya ko. Kaya naman gusto kong sumaya ka, sumaya tayong dalawa. Pero hindi ko alam kung paano pasasayahin ang sarili ko. Ngayon na malapit ka nang ikasal, masasabi ko ngang tama ang hinala ko. Na kayo talaga ng kaibigan ko ang para sa isa't-isa. Kaya Mico, pinapalaya na kita"
Yan nalang ang mga masasabi ko sa isip ko na dapat ay para talaga sayo. Ang gusto natin ay ang sumaya tayong dalawa ngunit ikaw lang ata ang kayang makagawa.
Ang hirap tumayo sa likod ninyong dalawa, habang iniisip ko na tumatakbo na ang oras at habang tumatagal, magiging ganap na din kayong mag-asawa.
"Mico, tinatanggap mo ba si Irene, bilang iyong asawa sa hirap at ginhawa?" tanong ng pari na nagkakasal sainyo ng matalik kong kaibigan.
"Yes I do father." sagot mo naman sa tanong nito at naging dahilan upang ngumiti ang mga taong andirito sa simbahan.Tila lahat sila ay masaya ngunit andito ako nagluluksa. Nagdurusa ako dahil nakikita ko ang taong mahal ko na ikinakasal sa kaibigan kong naging dahilan upang magkakilala kami.
Nagulat ako sa pag tahimik ng lahat at muling pag-tatanong ng pari...
"Irene, tinatanggap mo ba si Mico sa pagiging iyong kabiyak, hanggang sa buhay na walang hanggan?" nagulat ako sa biglaan mong pag-lingon saakin at sa pag-ngiti mo.
"Opo Father." dahil sa sinabi mong iyon, muling nagtanong ang pari kung mayroon daw bang gustong tumutol sa kasal. Gustuhin ko mang tumutol, hindi ko ito magagawa dahil pareho silang importante sa buhay ko at gusto kong pareho silang maging masaya sa hirap man at ginhawa.Binigyan na kayo ng senyales ng pari upang gawin ang unang halik ninyo bilang mag-asawa. Lahat ng tao ay gusto itong masaksihan, hindi tulad ko na gugustuhin nalang na pumikit upang makaiwas sa pagtulo ng luha galing sa aking mata.
Nagulat ako sa muling pagsigaw ng mga tao sa paligid ko. Isa lang ang ibig sabihin nito, kasal na nga kayong dalawa at wala akong ibang magagawa kundi ang sabayan sila sa pag-palakpakan.
Kasal na nga ang taong matagal ko nang minamahal. Kasal na siya sa kaibigan kong mas matagal ko pang kilala kesa sakanya. Magiging masaya kaya silang magkasama, o dapat lang na kaming dalawa talaga ang magsama?
Andito lang ako palagi para sainyong dalawa. Mahal na mahal ko kayong dalawa at balang araw ay magiging masaya rin ako.
BINABASA MO ANG
Love at first Catch
RomanceThis story is about a girl named Lexi and a boy named Ace. They met in a not so particular scene like any lovers do, will destiny make a way for them to love each other or make a way for them to hate theirselves more...