Chapter 4

44 1 1
                                    


Chapter 4

Isang batang babae ang hindi masyadong nakakalabas sa mansyon na tinitirhan nito dahil sa mahigpit na pagbibigay ng kaniyang ama ng training sa iba't-ibang klase ng sports.

Ayon sa kaniyang ama. Isa itong magiging asset niya pag dating ng araw.

Sa araw na iyon ay matinding training sa archery at darts  ang pinagkakaabalahan niya. Madaming pagkakamali ang unang bumungad sa training pero dahil strikto ang nagtuturo sakanya ay natatakot siya na baka lalo itong magalit kaya todo ito sa konsentrasyon hanggang sa unti-unti ay namamaster na niya ito.

Mabilis lumipas ang oras at hapon na kaya palabas na siya sa training room na halos hindi na makalakad ng maayos dahil sa parang nagkalasog-lasog na nitong katawan lalong-lalo na ang mga braso nito.

Napagpasyahan niyang tumambay sa swimming pool sa likod ng bahay nila para makapagpahinga ngunit ilang minuto lang ay may napansin siyang batang lalaki ang umaakyat sa matayog na puno.

Nagtaka siya kung bakit ito umaakyat ngunit nang makita niya ang nasabit na saranggola sa puno ay napagtanto niya na ito ang dahilan kaya nagmadali itong lumabas at inakyat ang pagkataas-taas na bakod na nakapalibot sa bahay nila.

"Kailangan mo ba ng tulong?" Tanong ng batang babae sa batang lalaki. Ngunit dahil hindi ito inaasahan ng batang lalaki ay nalaglag siya sa gulat dahil sa paglitaw nalang ng babae sa kung saan.

Napangiwi ang batang lalaki sa sakit at tinignan niya ang batang babae ng masama ngunit sinuklian lang siya ng nakalahad na kamay habang nakangiti. Inabot naman ito ng lalaki.

"Yeah. My kite was trapped there and I can't get it because obviously I can't climb." Nahihiyang sabi nito sa babae sabay turo sa kinaroroonan ng saranggola.

Mabalis inakyat ng batang babae ang puno at kinuha ito. Madali lang sakanya ito dahil isa ito sa bonus na training niya. Hindi niya namalayan na parang wala na sakanya ang sakit sa katawan. Parang naging isa itong magic dahil sa pagkawala.

Isinawalang bahala na lamang niya ito at nakangiting iniabot niya ang saranggola sa batang lalaki na malapad na ang ngiti.

"Bestfriend?" Suddenly asked by the boy that made the girl stood there like a stone. Madami ang nakakasalamuha niya sa kanyang paaralan but not to the point na makikipag best friend sila rito kaya the girl was taken aback.

Pero hindi niya maintindihan ang sarili dahil tumango nalang ito at malapad na ngumiti sa lalaki dahil sa unang pagkakataon may nahanap na siya bilang best friend.

Entering The ExitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon