Kabanata 01

0 0 0
                                    

"GOOD MORNING, EVERYONE-"

"Afternoon na uy!" Hindi pa man sya gaanong nagsisimula sa intro ay may pumatlang na sa sinasabi nya. Lahat ng kaklase nya ay nagtawanan dahil dito. Bahagya namang namula ang mukha nya sa pagkapahiya.

"Good afternoon rather." Natawa narin sya sa sariling pagkakamali. Dahil doon ay nawala ang tension na naramdaman nya kani-kanina lang. Masyado syang kinabahan nakalimutan tuloy nyang alas-dos pala ang klase nya.

Inayos nya ang toque blanche sa ulo, at hinanda ang ngiti para sa kanyang nag-aabang na audiences.

"Welcome to your favorite cooking show!"

"Today is a very special day." Nakita nya ang pagsimangot ng ilan sa mga kaklase nya sa sinabi nya. Natawa sya ng makita ang itim na shirts na suot ng mga ito.

"Of course for those ones who are already committed. May exception parin naman." Pagbawi nya sa naunang sinabi. "A special day like today deserves a special treat."

Sa isang subject nila ay kailangan nilang gumawa ng variety show na naayon sa kursong kinukuha nila. Lima silang magkagrupo, nga lang ay isa lang ang kailangan na host para sa show na iyon at nagkataong sya ang nakabunot ng role na iyon sa ginawa nilang drawing straws. Ang iba sa kanila ay staffs at cameraman ang nakuhang role.

“Today I am going to be teaching you how to cook a fantastic meal. Its quick and very easy but very romantic. With this as the main ingredient.” Itinaas nya ang hawak na itlog. “Our dish is the most simple yet most delicious, nutritious, grandacious breakfast of all time.

“Omirice. Walang mag a-violent reaction ah.” Inunahan nya na ang mga pang-aasar ng mga kaklase nya, alam nya kasing mare-react ang mga dish nila.

Muli ay nagtawanan ang mga kaklase nila. Alam nyang napakasimple ng naisip nilang lutuin para sa isang cooking show. Bilang scriptwriter din ay omelette lang ang naging resulta ng brain-storming nya na tutugma sa naisip nilang tema, kahit wala man iyong koneksyon sa araw ng mga puso. Dahil konti lang din ang nakalaan na oras para sa practice nila bilang second presenter kaya sumang-ayon narin ang lahat sa suggestion nya.

“Of course, we will be needing several ingredients. Mainly, the eggs.” Inilabas nya ang mula sa ilalim ng mesa ang isang bowl na may lamang dalawang itlog at ipinatong ito sa mesa. “Chicken.” Sunod nyang inilagay ang isang bowl ng shredded chicken na sinundan pa ng iba't-iba pang panrikado.

“Nakikita kong marami sa inyo ang nakapula.” Ang tinutukoy nya ang color-code ng mga damit ng estudyante para sa espesyal na araw na iyon. Valentine's day. Karamihan sa population ng school ay naka-pula kung saan ang ibig sabihin ay inlove, ang iba ay naka-puti na ang ibig sabihin naman ay NBSB, at itim na nagpapakita ng pagkasawi sa pag-ibig. Sya lang ang bukod tanging naka-orange na ang ibig sabihin sa kanya'y moving on. Sinadya nya talagang magsuot noon para sa cooking show nila na pinamagatang 'My Bittersweet Valentine's Cooking Show'.

Nahihiya man sya sa ginagawa pero wala naman syang choice dahil matagal nilang pinaghandaan ang araw na iyon.

For a second ay sumagi sa isip nya ang pagsisisi sa gagawin. For the sake of grade Iris, ayaw mo naman siguro i-drop uli ang subject na to? Sa naisip ay lumakas ang loob nya. Nauna nya ng i-drop ang subject na iyon noong second year sya dahil biglang nag-conflict ito sa isang subject nya na requisite ng major nya sa susunod na semester. Hindi nya narin ito napagtuunan ng pansin pagkatapos. Kaklase mo lang rin naman ang makakakita. Fighting!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Viral LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon