Chapter 22: Isla

752 45 10
                                    

Quence's Point of View

   KANINA maaliwalas pa ang panahon at ngayon naman bahagya ng pumapatak ang ulan dahilan para may maboung hamog sa salamin ng sasakyan namin. Halos dalawang oras na din akong nakaupo rito at hindi umiimik. Ganon din si mommy na nararamdaman kong sumusulyap sakin paminsan-minsan. Gusto kong bumuntonghininga pero hindi ko na ginawa, baka mapansin niya iyon. Ipinikit ko na lamang ang mga mata at baka sakaling makalimutan ko ang mga nangyayari ngayon.

Naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa balikat ko. Dalawang beses pa iyong ginawa kaya nagmulat ako ng mga mata, bumungad sakin ang mukha ni mommy at pilit siyang ngumiti.

"Wake up, we're almost there." Aniya.

Agad akong umayos ng pagkakaupo at tinanggal ang seatbelt sa katawan. Nag-inat lang ako saglit, inayos ang nagulong buhok at tiningnan ang hitsura sa rearview mirror. Nang maaayos na ako sumunod ako kay mommy na nakababa na. Doon ko lang napansin na nasa pier kami. Sa sakayan ng mga barko.

"Get your things, baka maubusan tayo ng ticket." She said before walking towards the backseat. Binuksan niya iyon at kinuha ang dalang duffle bag na kulay pink. Ibinigay niya iyon sakin kaya dinala ko, narito ang ilan kong mga damit at tanging ito lang ang nadala ko kanina nang biglaan kaming mag-impake. Nang makuha niya ang itim na duffle bag hinawakan niya ako sa kamay at hinila papunta sa pilahan ng mga ticket. Nilingon ko pa ang sasakyan namin, sigurado akong susunod samin si mang Dino at kukunin ang sasakyan.

Kumakalam na ang sikmura ko, nagugutom na ako. Hindi ko lang iyon masabi kay mommy dahil nasa pilahan kami. Nang makakuha ng ticket para saming dalawa dumiretso na naman kami papasok ng barko. Wala pa rin kaming imikan hanggangg sa makarating kami sa pinaka-topdeck non. Ang init ng araw at ang malamig na ihip hangin ang nagsasabing hapon na, ibigsabihin matagal pala akong nakatulog kanina sa byahe.

"Mom," I called her out.

May mga upuan sa gitna kaya doon namin napiling magpahinga. Tiningnan niya ako at bakas sa mukha niya ang pagod at pagkabahala.

"I'm really starving, matagal pa ba tayo?"

"I'll buy foods. Dito ka lang, huwag kang aalis." Iyon lang ang sinabi niya at agad na tumayo para maghanap ng pagkain.

Gusto ko sana siyang pigilan at ayaw kong magpaiwan pero tuluyan na siyang nakalayo. Naiwan sa tabi ko ang duffle bag na dala niya habang hawak ko pa rin ang duffle bag ko. Doon na ako napabuntonghininga at pinakawalan ang hangin na kanina ko pa pinipigilan. Ngunit hindi pa rin nawawala ang mabigat na batong nakadagan sa dibdib ko. Ang bilis ng pangyayari, siguro nagpanic lang din si mommy kaya niya 'to ginawa, siguro kong hindi ako nakipag-usap kay daddy kaninang umaga baka hindi kami biglaang umalis.

I closed my eyes as I remembered what had happened this morning.

"Princess." It was him again, dad.

Naupo ako sa kaharap niyang upuan at tiningnan siya. Kung paano niya nakuha ang number ko, hindi ko alam. Ilang araw na ding nakakatanggap ako ng mensahe at tawag galing sa kaniya, hindi ko lang pinapansin at ngayon ko lang siya pinagbigyan.

"Thank you for coming." Puno ng sensiredad niyang saad.

Ito ang pinakamalapit na café sa school kaya dito ko napiling makipagkita sa kaniya. Gusto niya akong makausap at balak niyang sa personal sabihin ang mga gusto niyang sabihin. Hindi ko din alam kung ano ang nagtulak sakin para pagbigyan siya gayong umaalab pa rin ang galit ko para sa kaniya.

Say No And I'll Kiss You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon