Chapter VI

118 49 57
                                    

Hinawi ko ang makapal na kurtina at dumungaw sa bintana. Nagawa pa ring pumasok ng ginaw mula sa labas, habang sa kalayuan ay kasisikat lang ng araw sa ibabaw ng mga punongkahoy. Sa ibaba, wala pang senyales na gising na ang mga tao rito sa bahay.

Kinuha ang overall coat ko na nakasakbit sa rack saka dahan-dahang pinihit ang doorknob. Maingat akong nagtungo pababa ng hagdan, ang mga yapak ko magaan at sinikap na walang tunog na malikha. Pumasok ako sa kusina at kunwari iinom ng tubig, pero pasimple lang sumilip sa sala.

Sa isang manipis na mattress nakatalukbong si Renata ng kumot at nakapikit pa rin ang mga mata. Nang matiyak kong mahimbing pa rin siyang natutulog, binuksan ko ang likurang pinto ng bahay saka lumabas.

Pumasok ako sa gubat at sinubukang tandaan ang eksaktong daan patungong sapa. Umasa akong makikita ko si Edmund. Hindi ako nabigo.

Nakaupo't nakasandal ito sa punongkahoy, merong tinanaw sa malayo. Naningkit ang mga mata niya at napatayo nang lumabas ako mula sa mga halaman. Suot pa rin niya ang damit niya kahapon. Sa malapitan, nakita kong mapupungay pa rin ang mga mata niya na tila kagigising lang.

"Dito ka ba natulog?" tanong ko na nag-alala. Gusto kong ipalupot sa leeg niya ang scarf ko kasi namutla siya sa ginaw.

"Sabik ka talagang makita ako, ano, at hindi ka makapaghintay." Tumingin ito sandali sa likuran ko at napasimangot. "Hindi ka pa rin natututo. Nagpaalam ka ba kay Renata na pupunta ka rito nang mag-isa lang?"

"Lahat ba ng bagay dapat ipaalam kay Renata?" Sinuri ko ang kanyang mukha. Tiyak akong meron siyang tinago sa asar niya. "Makonsiyensya ka kasi dahil sa'yo hindi ako nakatulog nang maayos kagabi."

Sinipat niya ang hitsura ko bago kinuha ang kamay ko. "Sama ka sa 'kin. Do'n tayo sa cottage."

Hinila niya ako, siya nauna lang ng ilang hakbang mula sa akin. Akala ko napuntahan ko na ang kabuuan ng gubat, pero dinala ako ni Edmund sa isang bahagi nito na hindi pamilyar. Ipinaubaya ko sa kanya ang nilalakaran namin habang nilinga ko ang tingin ko sa mga out-grown na sanga. Muntik na akong mapatid sa isang malaking ugat.

Kalaunan ay natanaw ko ang cottage na sinasabi Edmund. Hindi ko nagawang pagmasdan ang kabuuan nito dahil hinila niya agad ako papasok rito.

Pinaupo niya ako sa isang leather chair. Napalinga ako sa mga nakasakbit na frame sa pader, bago ibinalik ang tingin ko kay Edmund. Kasisira lang niya ng pinto sa likuran niya.

"Nawe-weirduhan na ako sa kilos mo, Ed." Humakbang ako sa bintana at akmang hawiin ang kurtina pero pinigilan niya ang braso ko.

"Wala kang idea sa sakit ng ulo na binigay mo sa akin. And I'm already suffering from a migraine." Minasahe niya ang kanyang batok saka hinubad ang kanyang tweed jacket.

Sumimangot ako. "Sino ba kasing nagsabi sa'yo na doon ka matulog sa labas? Paano ka kung natuklaw ng ahas o nakapulmonya?" Gusto kong hipuin ang noo nito dahil namumuo na ang pawis nito.

"Sumakit lang lalo ang ulo ko kaya nagpahinga muna ako sandali. Paggising ko mag-umaga na." Huminga siya nang malalim saka bumaling sa akin. "You look horrible yourself. Mas malala pa ang hitsura mo kaysa sa akin."

Kinuha ko mula sa kanya ang jacket saka pinaupo siya sa leather chair. Siya dapat ang nasa upuan na iyon. Inilibot ko ang tingin ko sa maliit na silid para hanapin ang medicine cabinet. Pumasok ako ng banyo pero mga basic na kagamitan lamang ang nasa loob.

Paglabas ko ay katatayo lang niya at binuksan ang isang drawer ng desk sa tapat ng bintana. Mula rito ay inilabas niya ang isang bote ng gamot saka kumuha ng isang pill. Nilulon niya ito na walang tubig. Sumalampak siya sa upuan saka minasahe ang noo niya.

ReverieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon