Chapter I: Valenzuela

7 0 0
                                    

2 years ago..

Excuse me boss, you have a text message.. Bzzzzt

CF Kb 02/26/12 5:55am:

CFfff!! Nasan ka na? Malalate na tayo!!!

hay, eto talagang si Cf Kb kung minsan ang excited pumasok. Anong oras na ba? Parang mag 6am pa lang e... Shocks!!! Mag 6am na!! Valenzuela nga pala duty namin... Ayy nako... Bakit naman kasi madami namang ibang red cross malapit dito sa marikina e valenzuela chapter pa ang napili nila!

Hay, eto nanaman ako, nagmamadali tuloy pumasok.

Ako nga pala si Stacey San Juan, pero Ish ang tawag nila sakin kasi ishtacey daw. Harhar. Isa akong Nursing student sa isang kilalang nursing school na may moto na rise to the top! Yung nagpapamadali naman sakin ay ang bestfriend ko since first year college na si Krista Berja. Mula pa sa una kong school nung first year kami e kasama ko na siya. Hindi kasi ako palakaibigan kaya pagnagkafriend ako, yun na yun hanggang sa huli.

6:35am

"Cf!!! Ba yann. Malalate na tayo! Bago mag 8am dapat andun na tayo sabi pa naman nila pagna-late daw isschedule na lang ng ibang training days.. Pasaway mo talaga!" hihi. Naiinis nanaman sakin ang cf kong mabait. "o, wag ka na magalit. Lika na! Keri boom boom yan. Haha!"

Buti na lang nakasakay kami ng bus agad kaso mukhang traffic pa. Hay. Uhhmm, kung bakit nga pala cf tawagan namin, ee dahil yun sa paborito namin na prof na si Sir Ace. Mahilig kasi siya sa term na "chenelynbarbar" tapos dinagdagan na lang namin ng friend sa huli. Haha. O diba ang lalim?

Sa bus..

"hmmm.. Cf! Anong malay natin, baka dito mo na makilala si the one!" haha. Napagtripan ko nanaman asarin si cf. Kung makapagtukso ako akala mo naman may lovelife ako e no?!

"haha! Lovelife talaga cf! Tse!" cf talaga, kahit asarin mo ang hinhin pa rin sumagot. Kahit nga kapag sya yung nangaasar, ang hinhin pa rin ng dating e.

7:55am

Waaaahhh. 5 mins na lang!! Takbo, takbo! Nagmamadali kaming tumakbo ni cf papuntang red cross. Mula kasi sa binabaan namin medyo malayo pa yung chapter, malalate na kami! May nakasalubong kaming classmate, siya petiks lang kami takbo pa rin.

Pag akyat namin ng hagdan, may matangkad na lalaki, medyo chinito na kayumangi ang bumati samin. "San branch kayo ng FU?" tapos sinagot namin siya "Antipolo po." "ahh. Diyan yung kwarto niyo, sige pasok lang." sagot niya samin, sabay turo sa room sa may kanan. "Salamat po!" sabi namin sakanya.

Malabo yung mata ko kaya hindi ko na napansin kung ano pang details ng mukha nya.

Pagpasok sa room, malapit na magsimulang magpakilala yung instructor. Kwela at masaya yung buong klase namin kasi halos kasing idaran lang namin yung mga instructors since graduating na din kami at mukhang kakagraduate lang nila.

Pagtapos ng isang topic, pumasok yung lalaki na nagturo ng room samin kanina. Instructor pala namin siya!

"Magandang Umaga mga beybe! Ako nga pala si sir Ronron ang inyong instructor para sa Basic Life Support......"

Ang lalim naman magtagalog ng taong to! At yung ibang kaklase ko naman e kilig na kilig. Ako naman iniisip ko kung gwapo ba. Ee kasi malabo nga mata ko kaya ngiti-ngiti na lang ako sa mga kalokohan ng mga classmate ko. Hmmm. Baka naman gwapo nga.

"ayyiiii cf kb! Baka mamaya siya na pala yung lalaking para sayo. Diba siya yung pumansin satin kanina? Baka type ka kaya niya tayo tinulungan." pang aasar ko kay cf.

"Magtigil ka nga diyan Cf! Di ko siya type!" sabi niya.

"Ayy bakit? Panget ba?" tanong ko sakanya.

"hmm. Hindi naman, pero hindi lang ganyan yung tingin ko sa gwapo."

Noong medyo lumapit samin si sir at naaninag ko na mukha nya..

"O, Cute naman pala Cf ha. May dimples! Haha!"

"tse!" yun lang ang sinagot ni cf sakin. Haha. Suplada.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First AidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon