"NO!" Napakagat ng labi si Alyssa habang naririnig ang binata. She was sleeping when she heard Damien continue to murmur and whimper. Napalunok ang dalaga at binuksan ang kanyang mga mata at ibinaling ang sarili sa direksyon ng binata.
Nakita niyang nagpabaling-baling ang ulo ni Damien hanggang sa bigla itong gumising nang pinagpapawisan. Mabilis din ang galaw ng dalaga at agad niyang ipinikit ang mga mata upang magkunwaring tulog.
Pinakinggan niya lang ang binata hanggang sa narinig niya itong bumubulong nang nahihirapan. "Hindi ko sinasadya. Hindi!" Ang boses ni Damien ay punung-puno nang sakit at paghihinagpis na siyang ikinagulat ni Alyssa.
She heard it well. Rinig na rinig niya ito at alam niyang hindi nagkukunwari ang binata sa bagay na ito. Napahawak nang mahigpit si Alyssa sa kubre kamat at sa kumot na nakabalot sa kanya. Ang iyak ng binata ay nag-e-echo sa tenga niya.
Damien didn't stop crying, and hearing something like this makes Alyssa's heart swell. She can't take it any longer. She had a soft spot in her heart for someone like this. Hindi niya kayang makakita ng taong ganito lalo na sa taong nakikita niyang may matapang at walang kinakatakutan personalidad ay nakakaganito.
"I'm sorry! I'm sorry, I didn't mean it." Bulong nito. Napapikit ang dalaga at nilunok lahat ng takot at mga inhibisyon sa puso at isipan niya. Hindi niya kaya, hindi kayang hindi aluin kahit pa ang pinakamasamang tao sa buong mundo.
Dahan-dahang inalis ng dalaga ang kumot sa katawan niya at naupo. Nakayuko ang binata nang makita niya. She sighed and rose from her bed. She walks slowly and sits beside Damien. Damien stiffened as he sensed someone hugging him.
"Shhh." Akmang titignan niya ito nang ang malalambot na kamay ni Alyssa sa ulunan niya. Alyssa hesitated at first before hugging Damien, but she did so to comfort him.
"I don't know what happening but it's not your fault." Ang malambing na boses ni Alyssa ang bumalot sa pandinig niya. Ang mga luha ni Damien ay natigil. Ang kauna-unahang taong nakakita sa kanya na umiyak ay si Alyssa.
Ang dalaga ang kauna-unahang taong nakakita nang kahinahaan niya na hindi niya ipinapakita sa ibang tao. It was so unfortunate na ang dalaga pa ang umaalo sa kanya gayong mas malaki ang atraso niya sa dalaga.
"It is my fault, lahat ng ito ay kasalanan ko." Nanginginig niyang sagot sa dalaga nang tignan niya ito sa mga mata. Humiwalay sa kanya si Alyssa sa pagkakayakap at tinitigan siya sa mga mata.
Damien saw how his girl was sincere to comfort him. Wala ang takot at pagduda. Ang naroon ay pag-aalala. Ang katawan niyang nangininig kanina ay dahan-dahan nang humuhupa at kumakalma.
Ang katawan niyang tensyonado ay nabawasan na dahil sa presensya ng dalaga. Iba ang dating nito sa kanya at ngayon ay tanging ang dalaga lamang ang makakagawa sa kanya ng ganito.
This is a true blessing that he will never forget. Hinding-hindi na niya pakakawalan ang dalaga. Alyssa may have been afraid that Damien would do what he did, but she also felt she needed to follow her emotions.
Hindi naman palagi siya nalang ang dapat intindihin marahil kapag tinanggap niya ang nararamdaman ng binata na siya ding nararamdaman niya ay mabawasan ang takot.
Mabawasan ang iniisip niya. Ilang araw na din ang nagdaan mula nang inuuwi siya rito ni Damien at ginagawa ng binata ang lahat upang maging komportable siya rito.
Kahit na nakikita niyang naiirita ito sa tuwing bumibisita ang mga naging kaibigan niyang mula sa mga kaibigan din ni Damien at ng dalawa niyang itinuturing na nakakatandang kapatid.
Nakikita niyang nahihirapan din ito sa tuwing nakikiusap sila na pakawalan na ang dalaga at ibalik muli kina Karlos na siyang ayaw pagbigyan ni Damien. Bakit niya pa pakakawalan ang taong siyang naging simula muli nang kanyang pagkabuhay?
BINABASA MO ANG
Ruthless Men Series 4:Damien's Retribution
RomanceDamien Axel Ambrose, he's dangerous and he's powerful. A sinfully hot-sexy Mafia Boss. He rules everything. He control's everyone. Love isn't essential for him not until he meets Alyssa... Alyssa Nicole Paderes, she's naive and innocent. A woman's...