Inspirasyon by Jane Constantino

41 3 0
                                    

Inspirasyon
Jane Constantino

“Noong sinabi ko sa ‘yo na gusto kita ay binigyan na kita ng karapatan sa akin. Sige, magselos ka lang.”



First of all, salamat ng marami kay G sa pagbibigay ng talento ko sa pagsusulat. Sa mga kaibigan ko, kay Ate Ara Gumabon na sobrang idol ko sa pagsusulat, sa BIG6, na palaging nakasuporta sa lahat ng ginagawa ko, at kina Elaiza at Angelo, na hindi nagdalawang isip na ibahagi ang love story nila sa marami. Salamat guys!

Nagpapasalamat din ako kay Kuya Jahric Lago. Maraming salamat po sa opportunity na ibinigay mo sa akin, at sa iba pang JLP Writers.

Sa’yo na may hawak ngayon ng librong ito, salamat! At sa inspirasyon ko habang sinusulat ko ang Inspirasyon, thank you!

Jane Constantino



Angelo

Everyone says that love hurts, pero hindi totoo ang bagay na iyon para sa akin. Loneliness. Rejection. Losing someone. ‘Yan talaga ang ilan sa mga bagay na maaaring makasakit sa atin.

Hindi ako avid fan ng destiny, ng fairytale, o ng happy ending. Maging sa salitang forever ay bitter ako. I’m not a hopeless romantic type of person na magbibigay ng rosas at tsokolate para kiligin ang isang babae. Pero dumating siya sa buhay ko. ‘Yung babaeng nagturo sa akin kung paano maniwala sa mga bagay na kailanman ay hindi ko inaasahan na paniniwalaan ko. ‘Yung babaeng inspirasyon ko sa lahat ng bagay na ginagawa ko.

“Ayaw ko ngang mag-boyfriend, Angelo. Puwede ba ‘wag ka ngang makulit dyan!”

Mabilis siyang lumakad pero mabilis din ang ginawa kong paglalakad para makasunod sa kanya. Halos takbuhin na niya ang exit makalayo lang kaagad sa akin.

“Eh di hihintayin kita. Maghihintay ako hanggang sa puwede ka na.”

Napatigil siya sa paglalakad at humarap sa akin.

“Really, huh?”

Tinamaan nga yata talaga ako sa babaeng ito dahil kahit araw-araw niya akong binabasted ay araw-araw ko din siyang kinukulit na liligawan ko siya. Hindi ako sumusuko.

Aaminin kong hindi siya gano’n kadaling ligawan. Mahirap. Challenging dahil marami akong karibal, mas guwapo sa akin, mas professional, mas matalino. At the same time, masungit si Elaiza. Kapag ayaw ka niyang kausapin, ayaw niya. Pero hindi ako sumuko. Ipinagpatuloy ko ang panliligaw ko sa kanya kahit na minsan ay nawawalan na ako ng pag-asa dahil natatakot akong baka umaasa na lang pala ako sa wala.

Muntik na akong sumuko. Muntik na akong mawalan ng pag-asa tulad nga ng sinabi ko sobrang mahirap siyang ligawan. Pero hindi ako tumigil. Alam kong mahirap para sa isang babae na sumugal at tumaya sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Lalo na kung nasaktan na sila. Kaya ako, maghihintay ako.

It’s been almost 8 months. Sobrang saya dahil mas madalas na kaming nagkakasamma ni Elaiza. Kapag wala akong klase. Kapag free time niya.

Dismissal. Malayo pa ako sa room nila ay natatanaw ko na ang inspirasyon kong papalabas at halos hindi na makadala sa gamit niya. Tumakbo ako papalapit sa kanya para kuhanin ang mga dalahin niya.

“Akin na nga. Ako na, baka mamaya malusag pa mga buto mo eh.” Pang-aasar ko sa kanya habang naglalakad kami sa hallway. Umuusok ang ilong niyang humarap sa akin.

“Ano’ng sabi mo diyan?! Ha?!”

Natawa na lang ako sa naging reaksyon niya. Sasagot pa sana ako nang maramdaman ko na ang paghatak nito sa bukok ko at bahagya din niyang hinampas ang braso ko. Napailing na lang ako, brutal talagang maglambing ang inspirasyon ko.

Jahric Lago Presents: Dreamlovers (Published under TBC Publications)Where stories live. Discover now