She Just Smiled

0 0 0
                                    

I have a girlfriend which is sobrang bait, mapagmahal at higit sa lahat may sense of humor. Siya yung tipong napakamaunawain sa lahat ng bagay na halos kinabibiliban ko.
Siya yung tipong, hahanap hanapin ng mga lalaki kasi bihira lang sa babae na may ganoong pag uugali. Ang mga lalaki kasi gusto nila naiintindihan sila ng babae, at ang ibang babae naman ay gusto yung binibaby sila.
Napakaswerte ko sa kanya kasi andyan siya parati sakin, napakasupportive sa lahat ng mga ginagawa ko.

‘Hi baby' nakangiting bati niya sakin
'Hello baby. Kumain kana?'
'Yes by, ikaw ba? Don't stress out yourself. Take a rest'
'Yes baby, I will'

See? That's how our relationship work. We're stable and matured enough to understand each other.

‘May I see' sabi niya at kinukuha yung ginagawa kong output na kailangan ng ipasa kinabukasan, kaso mahina ako sa narrative report.
'Not like this, so lame baby' dagdag niya kaya naman ay napakamot ako sa ulo ko at ngumiti sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay at ngumiti rin pabalik.

'I'm not good in doing that' pagrereklamo ko

'It's okay. You can do it by doing it repeatedly to learn. Don't give up, I'll help you' sabi niya at sinimulan niya na akong turuan.

Ganyang girlfriend, san ka pa makakahanap ng ganyan?
Napakaswerte ko talaga.

'Baby you chatted your ex?' she asked me in a calm voice.

'I just greeted her Merry Christmas, nothing to worry about'

'Okay baby' nakangiting sabi niya.

She didn't ask more. Grabe ang tiwalang binibigay niya sakin. Even a single doubt ay hindi niya pinadama sakin. Kaya naging confident ako lalo sa buhay ko.

Swerte ko talaga.

Pero di ko alam lumalagpas na pala ako sa limitasyon ko, gumagawa ako ng bagay na alam kong ikakasakit niya. But I know she will forgive me.
Lagi kaming nagkakausap nung ex ko, di ko alam mararamdaman ko. Di ko alam kung mahal ko pa ba siya o sadyang namiss ko lang siya ng sobra.
Di ko akalain na magagawa ko to. Patawad.

'Hi baby, I'm sorry ngayon lang nakachat. Sobrang busy kasi sa laboratory eh' she chatted me that
But I only replied 'ok'

'Eat your lunch and take care' she replied

'I will' sagot ko sa kanya at di na ulit siya nagreply. Maybe she's busy again.

That's why I chatted my ex and started to talk to her. With her, I find peace and joy.
Nakalimutan ko yung sadness na nafefeel ko that time.
I need her kaso wala siya.

'Baby where are you?'

'Why?' i asked her back

'Wala lang. I just wanted to see you'

'I'm busy. I'll call you later' sabi ko at binabaan siya.
To tell you the truth, I'm with my ex. Kasama ko siya dito sa bahay with my family.

Sobrang saya namin, parang bumalik kami sa nakaraan.
I know my parents like my ex more than my current girlfriend.
Habang nagsasaya kami, nakakalimutan kong may girlfriend ako na naghihintay sakin na iupdate ko.

Nagitla kami ng biglang may nagdoorbell. Wala naman kaming inaasahang bisita. Pero ako na lang ang naginsist na bumukas.
Pagkabukas ko ng gate ay halos manlambot ang mga tuhod ko nang makita siya na sobrang lapad ang ngiti.

'I brought your favorite food. I know your busy kaya ako na lang pumunta. Don't worry di ako magtatagal, hinatid ko lang to sayo' nakangiting sabi niya pero tinitigan ko lang siya.

'Love who's there?' my ex ask me habang palapit sakin at nagulat siya ng makita ang girlfriend ko.
Wala nabago sa expression ng mukha niya.

'B-Baby magpapaliwanag ako' gumagaralgal ang boses ko ng sabihin yun sa kanya.

'It's okay. At first it was my fault. I'm sorry for not being enough. I know marami akong pagkukulang sayo, so don't ask sorry baby. Ako ang dapat magsorry kasi napabayaan ko ata relasyon natin kaya bumalik ka sa kanya. I'm sorry baby' malungkot na sabi niya

'N-no b-baby' naiiyak na sabi ko at lumuhod sa harap niya. Hinawakan ako ng ex ko sa balikat ko at pilit na pinapatayo pero nagmatigas ako at sinamaan siya ng tingin.
'Baby please stay. I'm sorry'

Pero lumapit lang siya sakin at pinunasan ang luha ko. And she just smiled.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She just smiledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon