After 4 years. August 24, 2019. Saturday
5:37 PM. Ceres Memorial Gardens Makati.
"Putek! Ba't ngayon ka pa tinopak?" galit na galit akong kausap ang orange na motorsiklo ko ko na tumirik sa gitna ng daan kasabay ng pagsipa ko dito. Pero na realize ko na mahal pala itong motor ko kaya naman ay hinaplos haplos ko ulit at linapitan ko ng tingin at nag inspect kung may gasgas ba ito.
Siyempre, Yamaha Erox 2017 model ito so mahal ko pa rin ang motor na ito kahit parang sira na yata ngayon. Binili ko pa naman ito nung unang labas niya. Hay! Ba't ngayon pa?!
"Hay nako kuya! Sabi ko na kasi sa'yo kanina sa bahay na mag commute tayo eh! Tignan mo tuloy! Andun pa yung pupuntahan natin o!" sabay turo ni Yuna sa pupuntahan namin
Si Yuna Cuevas ay nakakabatang kapatid kong babae na kaka 18 years old pa lang. Kami ay nasa Ceres Memorial Gardens dahil bibisitahin namin ang puntod ng nanay namin na namatay 4 years ago. Yep, nasa sementeryo kami ngayon.
"Puro ka reklamo, buti nga sinakay pa kita sa motor ko." Sagot ko na naririndi na.
"Wow ha! Sana hindi mo na lang ako sinakay no. Nag MRT na lang sana ako no. Saka kung nakinig ka sana sa akin kanina edi hindi tayo natirikan ng motor."
Aba't sumasagot ka pa a!
"Mauna ka na maglakad. Itutulak ko na lang ito." Pagtitimpi kong sagot. Sa totoo lang pikon na ako sa motor ko at sa batang 'to a.
Patuloy kaming naglalakad habng si Yanna ay nauuna at ako naman ay sumusunod habang tulak tulak ko ang motor ko.
"Bilis kuya!"
Dapat pala talaga nag commute na lang kami. Pero ang nagpabago lang ng isip ko ay ang bigat kasi ng daloy ng traffic. Kahit na mag MRT ka, hindi pa rin magiging makatao ang experience mo. Pipila ka ng pagkahaba haba at hindi mo pa alam kung makakasakay ka sa next train dahil punuan. Ni hindi mo nga rin alam kung kalian darating ang next train at kung yung masasakyan mo ay may aircon pa. Impyerno mag commute sa Manila. Ba't nga ba humantong sa ganito ang Pilipinas no?
Naalala ko rin na nagsumbong sa akin si Yuna noon nang may humawak raw ng pwet niya sa MRT. Iniisip ko pa lang ang scenario nung muntikan na akong mapaaway sa MRT ay napapailing na lang ako.
Bumalik na ang kaisipan ko sa pagtutulak ng motor ko. Ang bigat pala nito. Napansin ni Yuna na nabibigatan ako kaya binalikan niya ako.
"Tulungan na kita diyan." offer ni Yuna sa akin.
"'Wag na. Maglakad ka na lang. Mas malaki pa itong motor kaysa sa katawan mo."
"Wow ha. Bahala ka na nga diyan! " inis na inis na naglalakad at nauna si Yuna.
Nang makarating kami sa dulong street kung saan nakalibing ang nanay ko, naglakad pa kami ng kaunti sa mga basang damo na bagong gupit at bagong dilig. Ipinwesto ko ang motor ko sa tabi ng puno.
May rumurondang guard pa na nag assist sa akin at napansin niyang sira ang motor at buti na lang ay may alam siya sa pagaayos nito. Nagulat na lang ako at napagana niya ito. Salamat naman! Agad kong binuksan ang compartment ng motor para kunin ang bulaklak.
Nauna na si Yuna sa paglalakad at humabol na ako sa kanya. Nakita namin ang light grey na marble na puntod ng nanay ko at tumayo kaming dalawa sa harapan nito.
"Punyeta ka."
Tinapon ko ang dala kong bulaklak sa puntod na tinatapakan ko na may sama ng loob. Nagulat naman si Yuna sa ginawa ko kaya agad niya akong sinita at inayos ang bulaklak at nagsindi ng kandila. Gusto ko sanang maupo pero basa pa ang kinaapakan namin ni Yuna. May mga mahihinang mga patak pa kahit katatapos lang humupa ng ulan. Nangangamoy ang matapang na amoy ng alimuon o yung amoy ng singaw ng lupa kapag natapos nang mabasa. Patuloy ako sa paglalakad sa malambot na lupa na may mga maliliit na tubo ng mga damo.
BINABASA MO ANG
23:58
Kinh dịJanuary 27, 2019, apat na taon matapos ang 23:57 incident sa Shibuya Tokyo. Ano na nga ba ang nangyari kay Ayako Mendez at sa kambal na mga anak nila ni Yuuya Kobayashi? Ano na nga ba ang kinahinatnan ni Rio Sakurada at ng iba pang nakaligtas? Magp...