Copyright © 2020 by Deleesha Faith
All rights reserved. No part of this book can be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, without permission from the writer.
This book is a work of FICTION. Names, characters, places and incidents are products of the writer's imagination. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead, is entirely coincidental.
NOTE: The writer has NO INTENTION to dishonor or insult religions. It's only for story purposes only in order to result why the character hates. This story contains sensitive topic and beliefs that is based from truth in the Bible, and what she learned from other Christians.
The writer has warned you already. Ready your mind and heart.
Enjoy reading!
___
P R O L O G U E
"NASAAN na kaya si Lola? Alas-sais na at hindi pa siya nakakauwi," nag-aalala kong tugon habang nakatingin sa aming orasan. Alas-singko umuuwi iyon.
Agad-agad akong lumabas ng bahay. Mamaya ko na gagawin ang assignment ko. Madali lang naman 'yon. Tumakbo na 'ko papunta sa kamag-anak namin. Naabutan ko roon na bukas ang gate.
Nakita ko si Lola ko na nagkukuha palang ng sampay. Mga kumot at kurtina iyon. Mukha silang makakapal kaya ngayon palang siguro niya ito kinuha.
"Ano ka ba, matandang hukluban ka? Bakit ngayon mo lang kukunin 'yan?" galit na galit na sambit ng Tita ko sa Mama ko. Turo-turo niya ang sampay.
"Pasensiya na po, Ma'am Rashana. Nakalimutan ko lang dahil nagluto pa 'ko," nanghihinang sabi ng Lola ko. Parang lilingon si Rashana Philemon sa direksyon ko kaya mabilis akong nagtago sa gilid ng gate.
"Ano'ng pasensiya, pasensya? Basta! Kung ayaw mong mawalan ng trabaho, magtino kang bw*s*t ka! P********!" Nanlaki ang mga mata ko nang lumabas sa bibig niya ang sunod-sunod pa na hindi magagandang salita ang naririnig ko. Hindi ako makapaniwala na minura niya pa ang Lola ko. My impression on them, mababait sila. Nagsimulang bumigat ang dibdib ko sa inis- hindi na inis, galit na.
Naalala ko pa na they're inviting us sa religion nila. Sabi pa nga nila no'n na sa tagal na nilang Catholic hindi raw nila naranasan ang naranasan ngayon sa religion na kinabibilangan nila. Binago raw sila nito- sa pag-join dito. Sabi pa nga nila wala raw silang religion.
Niloloko lang ata kami ni Lola. Ang alam ko kasi religion ang Christianity tapos sasabihin nila, wala silang religion? 'Yong totoo? May iba pang religion like Buddhism... and Christianity is one of it.
Dahil sa nakita kong 'to, hindi na 'ko naniniwala pa sa mga Kristiyano.
Habang naglalakad na ako upang bumili, napadaan pa 'ko sa bahay na kung saan nag-wo-work si Lola. Galit na galit talaga ako sa pamilyang ito. Inaapi-api si Lola palibahasa wala na siyang choice kundi magtrabaho sa kanila. Sumilip ako sa may gate nila. Mga sampu sigurong tao roon at kumakanta. May isang tumutugtog ng gitara.
🎶 Lord I give You my heart
I give You my soul
I live for You alone"Wow! Kumakanta sila ng ukol sa Diyos? Ha, talaga ba?" sambit ko sa isip ko at napapatawa nang mahina. Kaya ayo'ko sa mga Kristiyano na 'yan dahil mga mapagkunwari. Sayang oras dito, bibili na nga ako ng bond paper.
"Salamat talaga kanina, Miah? May I call you Miah?" May humawak sa balikat ko at napalingon sa kanya.
"Wala 'yon. Naiirita ako sa kanila kasi ang close-minded nila. Yes, you may. Gusto ko 'yon. Ikaw, tatawagin naman kitang Yari?"
BINABASA MO ANG
The Living Bible (Completed)
SpiritualCarmiah hates some Christians because of their works. She lived in doubt about God. She met Yarianna, an unbeliever, who greatly influenced her and the Christian youth who were serious about God. The people she met make her more confused because the...