Chapter theme: My Sacrifice - The Creed
“Nakasalubong pala namin si Gabriel sa mall noong isang araw, pero hindi niya kami pinansin ni Jules. Alam mo ‘yon? Para lang kaming hangin na dinaanan niya. Medyo nakakainis! Kapag nakasalubong ko siya ulit, tatadyakan ko ‘yon. Ano ba kami? Strangers? Wala ba kaming pinagsamahan? Tapos kasama niya pa sa mall ‘yong girlfriend niya, eh ‘di lalo akong nabwisit.”
I raised an eyebrow at Danika for a moment before turning my eyes back to the TV. Linggo ngayon kaya nandito siya sa bahay upang samahan akong mag-movie marathon. Kaso imbes na bonding time ang nangyayari, heto siya at nagra-rant sa akin.
“Sabi na eh, may lahi talagang witch ‘yang si Stella. Paanong naging magjowa ang dalawa? Knowing Gabriel, hindi gano’ng klase ng babae ang type niya. Siguro ginamitan na niya ‘yon ng gayuma.”
“Tumigil ka nga. Pabayaan mo na sila.”
“Sure? Hindi ka affected? Happy ka for him despite knowing na si Stella ‘yong girlfriend ngayon ng ex mo?”
“Wala akong karapatan na magbigay ng opinion sa mga life choices ni Gab. After all, ako naman itong tumapos sa relasyon namin at nagtulak palayo sa kanya. If he’s happy naman with her, then I’m fine with it.”
“Kelly, naririnig mo ba ‘yang sinasabi mo?” paghuhuramentado ni Danika, mahinang nahampas pa ako sa hita. “Si Stella ‘yong pinag-uusapan natin dito, your perpetrator! Matapos ang lahat ng kademonyohan niya, okay lang sa ‘yo na masaya na ang babaeng ‘yon dahil finally nakuha na niya ‘yong matagal na niyang gustong makuha from you? Are you really being honest with yourself right now?”
“Please, huwag na natin silang pag-usapan. Let’s focus on the movie.”
"I’m sorry,” she clinged to my arm, and leaned her head on my shoulder. “I’m just really really mad! Never ko talagang mapapatawad ang babaeng ‘yon! Kapag naaalala ko kung paano ka niya sinaktan dati, sumasakit ‘yong puso ko for you. Hindi niya deserve si Gab! Hindi niya deserve maging happy! My gosh! Bakit ba kasi masyado kang mabait? One time, tuturuan na kita kung paano maging bad bitch.”
Pinisil ko ang kamay niya at nag-thank you sa kanya. Kahit naman dati pa, kapag naaagrabyado ako, si Danika pa ‘yong mas nagagalit in my place kasi palagi lang akong mahinahon at walang kibo. Ayaw ko kasi ng gulo kaya naman mas pinipili kong manahimik na lang. O, sadyang duwag ako at takot na ipaglaban ang sarili ko, kaya ibang tao tuloy ang nagtatanggol sa akin.
"Hindi ka ba talaga worried?"
"Worried saan?"
"Kay Gabriel! Kilala mo naman si Stella, Kelly. Magaling magpaikot ng tao ang demonyita na 'yon. For sure may ginawa ‘yon kay Gab! Hindi ko talaga gets eh, kung bakit sa dami ng babae sa mundo, siya pa ang napili ni Gabriel na ipalit sa ‘yo."
BINABASA MO ANG
Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]
Romansa"He was once my sun. I always yearn for his light. But now, I didn't know. I think he's still a sun. But his light is too much for me, my eyes burn when I look at him." In a city where their love once blossomed, Kelly Romualdez faces the haunting ec...