Larawan

41 12 24
                                    

Madalas kong pagmasdan
Mga ngiti natin kay sarap nga naman titigan
Kasabay ang pagbabalik sa nakaraan
Kung saan tayo ay nagsasayahan
Mga kulitan na di malilimutan

Pero parang tayong dalawa ay nagkakalimutan na
Kamusta ka na nga ba
Tila tagal na nating di nagkikita
Kahit magkausap di na natin magawa
Bakit mistulang naging hangin na lang tayo sa bawat isa

Ano na nga ba nangyari satin
Nasan na yung mga pangako natin
Walang iwanan
Ngunit ikay lumisan
At akoy tuluyan mo nang binitawan

Kung ako'y iyong maaalalang balikan
Andito pa rin ako handa kang tanggapin
Walang sawang iintindihin.

LarawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon