Mae's POV
And here we are at the starbucks at talagang tinutuhanan nga nila ang pagkakape ng ganitong oras. Lunch time na sana kaso mukhang diet ang mga kasama ko eh.
"So ano na?"- biglang sabi ni rica habang nagpofocus ako sa pagmimix ng coffee ko. Itinaas ko yung tingin ko and just to realize that they are all looking at me.
"What?" Tanong ko sa kanila.
"Anong what what ka diyan. Dali tell us the story"- Jade in her serious mood.
"Ang ano?" Tanong ko sa kanila kahit alam ko na kung anong tinutukoy nila. Sa ayokong magkwento eh.
"Masusuntok na talaga kita." - Joan sabay pakita pa ng kamao niya.
"Magtigil nga kayong dalawa. Dali Mae tell us, and you already know what we wanted to know so no more buts." -Kath. At wala na talaga akong kawala.
I look at them to see that they are really interested. So ayon Im gonna tell them.
-----------------------------------------------------------
After telling what really happened, ito yung mga naging reaction nila.
"Ayieeehhhh oh myy nakakakiliggg" - tili ni jade at take note ang lakas lakas ng boses niya ah. Nakakahiya, we caught the attention of the people around dahil sa babaeng to.
"Hey! Can you please lower down your voice? Nakakahiya kaya." Sita ko sa kanya.
"Pero wait anong pangalan? At nang masearch ko sa Facebook, IG at sa Twitter." Tanong ni Ann na kinuha pa talaga ang phone n'ya.
"I don't know nga, and it's not important anymore. Hindi naman siya ganun kagwapo para kilalanin ko." Sagot ko naman habang tumitingin sa text ng mom ko.
"Bakit gaano ba kagwapo ang gusto mo miss?" May biglang nagsalita sa likuran ko. Parang familiar yung boses na yun. Pagtingin ko sa mga kasama ko ayun nakatulalang nakatingin sa kung ano man ang nasa likuran ko liban nalang kay Kath na busy sa phone.
"Hey!! Anong nangyari sa inyo?" Tanong ko sa kanila at kinakaway-kawayan ko pa ang mukha nila. Pero bwesit hindi ako pinansin. Kaya't sinundan ko ang tinitignan nila sa likuran ko.
At sa dinami-daming tao sa mundo ang pwede kong makita bakit ang gagong ito pa! Oh God ganito na ba kaliit ang mundo?
"Huy lalaki anong ginagawa mo dito? Are you stalking me?" Pagalit pero mahina kong tanong sa kanya.
Ang nakita ko lang naman ay ang gagong lalaking nakabanggaan ko sa daan kaninang umaga. Nakatingin siya sa akin habang may nakakalokong ngiti.
"Oy! Hindi ah. Why would I stalk you?" Sagot niya.
"If you're not stalking me, why are you here?" Sagot ko rin sa kaniya.
"Magkakape? Starbucks ito so natural pupunta ako dito, look Im with my friends." He said while pointing the group of people on the table next to us. Hindi naman sila nakatingin sa amin.
Binalik ko yung tingin sa kanya to find out that he's looking at me nang nang-aasar.
"Kahit na I Hate You.!" Galit kong sabi sa kaniya sabay harap sa mga kasamahan kong ngiting-ngiting nakatingin sa akin.
"I'll make you love me." Si gago pa rin. Pagkasabi n'ya nun uminit ang mukha ko, alam kong pulang- pula na talaga ako sa hiya.
"By the way girls, Im Hayden Falkerson." He added before he went back to his friends.
Nakakainis talaga siya!!.
I look down to calm. Nang binalik ko ang tingin ko sa mga kaibigan ko lahat sila nakangiti sa akin na parang ewan.
"Sa wakas magkakalove life na yung kaibigan natin." Sabi ni Ann na may pang-aasar sa boses.
"I won't. He's not my type." Sabi ko sabay inum ng coffee ko.
"Bakit gaano ba kagwapo ang gusto mo miss?" Sabi ni joan at talagang ginaya pa ang boses ni gago.
"Hindi daw gwapo, eh pinakahot sa school yun ehhh." -Rhiane
"Wala akong pake kahit siya pa ang pinakahot sa buong mundo. I will never like him." Sabi ko sabay tayo.
"Let's go, i wanna go somewhere. " I added.
"Eto naman ,why so bitter? Maupo ka nga kaya dyan." Si kath sabay hawak sa kamay ko para mapigilan ako. Sorry pero I really need to, wala na ako sa mood eh, kailangan kong may pagkakaabalahan para mawala ang galit ko.
"If you won't go with me, aalis na ako. Just text me when your done here." I said at tumalikod na.
"Wait lang naman sis, we'll go with you nah nga." -Jase at hinawakan nya ang kamay ko.
Sasama naman pala pinahirapan pa ako.
BINABASA MO ANG
We Were Once Everywhere
Teen FictionAng storyang ito ay tungkol sa isang babaeng nagngangalang Mae. Siya ay mapagmahal na anak, masunurin, at hamdang gawin lahat para mapasaya ang kaniyang mga mahal sa buhay. Ang pagboboyfriend ay ni minsan hindi sumagi sa kaniyang isip dahil nangako...