Chapter 13

74 3 0
                                    

Reese's POV

"Reese."tawag sa akin ni Cain na siyang kakalabas lang din ata mula sa bahay nila.

"Hey."nakangiti kong bati dito.

"Sabay na tayo."sabi niya.

"'yon nga lang wala akong sasakyan."sabi niya at napakamot pa sa batok and I find it cute. Napangiti ako ng dahil doon.

"It's okay. Magcommute na lang tayo."sambit ko sa kanya kaya naman nakangiti itong tumango sa akin.

Sasakay na sana kami kaso nga lang may bumusina sa gilid namin.

"Hey, Cain!"nakangiting bati ni Mia nakasakay sa kotse nito.

"Hey.."nginitian din siya pabalik ni Cain. Napakibit na lang ako ng balikat sa sarili. Alam ko naman kasi na friendly talaga ito sa lahat, ano nga bang ineexpect ko?

"Sakay ka na, sabay na tayo."sabi ni Mia ng nakangiti. Ni hindi ako binalingan ng tingin, mukhang walang balak na alukin ako. Walang kaso naman iyon sa akin kaya ayos lang.

Nilingon naman ako ni Cain tila sinasambit na may kasabay siya.

"Oh! Nandiyan ka pala, Reese!"kunwari pa itong nagulat na nakita ako. Plastik ko na lang siyang nginitian.

"Sabay na kayo."halatang napilitan lang ito na ayain ako para makasabay si Cain.

"Sabay ka na Cain, huwag mo na akong alalahanin. Magcocommute na ako."sabi ko at simpleng ngumiti lang dito. Naglakad na agad ako paalis sa harap nila.

Agad akong napatingin sa kotseng hururot sa harap ko. Napangiti na lang ako ng mapait sa sarili.

"Hindi mo naman ako kailangang iwan, Pres."natatawang saad ni Cain na hindi pala sumabay sa kay Mia ngunit mas lalo akong nagulat nang makita si Mia na siyang naglalakad din pasabay sa amin. Masama ang tingin nito sa akin, mukhang masama ang loob na hindi nanaman nakuha ang gusto.

Sabay sabay na kaming sumakay ng Taxi at tahimik lang ako buong byahe. Si Cain at Mia lang talaga ang nag-uusap.

"Pres! Good morning!"bati sa akin ni Ian pagkadating na pagkadating namin sa school.

"Good morning din."nakangiti kong bati dito.

"Oh!"mukhang nagulat ito na magkakasabay kaming tatlo.

"Kasabay mo pala ang bruhilda, Pres, buti hindi ka kinulam?"natatawang saad ni Ian sa akin. Tinawanan ko lang siya.

"Ilagay na lang natin 'yang mga 'yan dito."turo ko dahil maglilinis naman kami ngayon.

"Pres, ako na diyan."sambit ni Ian habang buhat buhat ko ang isang paso.

"Ano ka ba? Kayang kaya ko naman ito."sabi ko sa kanya at nginitian lang siya.

"Si Mia ang tulunga mo, mukhang mabigat 'yong ililipat niya."hindi ko mapigilang sambitin kay Ian. Natawa naman ako ng mapairap si Ian sa akin. Ako na lang ang lumapit kay Mia kaso nga lang ay inangilan ako nito.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo! Pabida ka, ghorl?"napangiwi naman ako dito at napairap na lang talaga. Pilit ko na lang pinakalma ang sarili at umalis sa tabi niya.

"Kita mo na, Pres?"sabi ni Ian at napailing iling.

Napatingin naman ako kay Cain na tinutulungan ang lahat ng officer hanggang sa makita niya si Mia na nahihirapan. Aba't ang gaga--Ito lang pala ang hinihintay. Natawa na lang ako ng mahina sa sarili.

"Pres, tubig oh."nakangiting sambit ni Ian. Tirik na tirik na ang araw kaya talaga namang matutuyuan ako ng lalamunan dito.

"Thankyou, Ian."sabi ko at bubuksan na sana ang inumin kaya lang ay may humablot nito at talaga namang tinungga hanggang sa maubos.

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon