Chapter 5: Meeting The Gang

726 19 2
                                    

Not A Dude

Amber's POV

"Mr. Yu! Nakikinig ka ba sa lesson natin ngayon?!" nagulat ako ng biglang sumigaw yung prof namin at nakatingin sakin lahat ng mga classmates ko

Psh, lagi nalang ako pinagti-tripan nung babaeng 'yan. Lagi nalang 'Mr. Yu' ang pinagsasasabi. Di ko alam kung may crush yata sakin o ano.

"Sorry po. Di po ako nakikinig." cool kong sagot at tinaas pa yung isa kong kamay para mag-sorry, natawa nalang yung mga classmate ko at na-speechless at namumula naman si prof

Sabi nga ba mag crush sakin toh eh. Hangin ko. Ano bayan.

Bigla namang may kumalabit sa likod ko, napatingin ako at nakita ko si Liam "Bakit hindi ka nakikinig? Special mention ka na naman." pangangaral niya sakin

"Eh boring siya magturo eh." sagot ko at pintik niya yung noo ko, aray! Masakit yun ah! "Umayos ka, Amber." pagbabanta niya at sinimangutan ko siya

"Fine." I surrender. Baka kung ano pa ang gawin nung kumag na yan eh. Bwiset.

Astig noh? Close na kami ni Liam. Parang kelan lang sinusumpa ko siya eh. Pero ang galing din pala, sa loob ng FC niyang pagu-ugali, caring at mabait naman pala. Di ko expected yun. Hehe ^__^V

Natapos ang klase ng hindi ko namalayan. Nag-doodle ako, bakit ba? Tsaka sino ba namang hindi mabo-bored kung ang lesson niyo ay History? Anong kinalaman ko sa mga krusada, Trojan War at Roman Empire na yan? Para namang ako nakipaglaban dati eh.

Pag ba nagtrabaho ka ang itatanong sayo 'Sino si Julius Caesar' WTF.

Biglang nag-ring yung cellphone ko at nakita ko yung pangalan ni Raven, sinagot ko naman agad dahil magugunaw na naman ang mundo kapag matagal kong sinagot

"Ano?" tanong ko

"Grabe ka naman! Wala man lang pambungad na 'I miss you, Raven my bestfriend forever! I love you!' kaloka lang ano, Stephanie?" reklamo ni Raven sa akin

"Pasalamat ka nga sinagot ko pa tawag mo eh." harsh na sabi ko "Ouch naman! Napaka-sama mo talagang bestfriend, Amber! Hindi mo ba ako namiss kahit 1% man lang?" nagtatampong arte nya

"Hindi."

HEHEHE ^__^V

"Pu tang ina mo. Anyways, nandito ako sa labas ng Winston--"

O__O

"HOY RAVEN! ANONG GINAGAWA MO DIYAN SA LABAS?! UMUWI KA NA SA INYO KUNG AYAW MONG PULUTIN KA SA KANGKUNGAN." inis na sigaw ko sa kanya

Abnormal na babae. Maganda si Raven at sexy na rin kaya alam kong tataas ang mga 'flagpole' ng mga schoolmates ko dito. Lalo na't alam kong mahilig mag-maiksing shorts 'yan.

"Chill Steph. I'm with the gang."

"T-Talaga?! Sige pupunta na ako diyan!" sabi ko at binaba yung phone, kinuha ko yung bag ko pero nagulat ako nung makita ko si Liam na mukang disappointed na ewan sa tabi ko

"Oh? Bakit?" nagugulahan kong tanong

"Are you a lesbian?" direchong tanong niya "H-Hindi ko alam. Siguro? Pwede." sagot ko

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano talaga ako. I've been in love with a girl before when I was in highschool pero she rejected me and called a fool. Sinabi pa nga niya na ang baboy ko naman daw dahil nagkakagusto ako sa mga babae. And with that, hindi na ako na-inlove sa kahit sino.

Mapa-lalaki man o babae. I'm not sensing attraction being built. :/

"Girlfriend mo ba si Raven?" tanong niya ulit. Yakk. "Ogag. Bestfriend ko 'yun. Sige na, I have to go." sabi ko pero pinigilan niya naman ako

Not A Dude [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon