"Hey may gift ako sayo..."
Dahan-dahang umupo sa kama si Sandra at tumingin sa pinto pagkuway binalingan si Delifico.
"B-baka naman makita ka nila Julie?" Nag-aalalang sabi niya dito. Ngumiti naman ito sakanya saka tinaas ang isang bagay na nasa kamay nito.
"Don't worry, sinigurado ko na bago ako pumasok dito nakatulog muna sila ng mahimbing. And aside from that, wala namang camera dito sainyo bukod sa isang kubo na nasa dikalayuan nitong mansion niyo." Sabi nito. Natigilan naman siya.
"H-hindi si daddy ang nagpagawa ng kubo na 'yon..." Usal niya. Ngumiti naman ito at saka nilapag sa sahig ang hawak nito.
"I know... nagpa-imbestiga ako tungkol dito sa mansion niyo. At alam mo ba? May nakita ako..." Sabi nito, kumunot naman ang noo niya. May kinuha ito mula sa likod ng suot nitong pantalon. Binuklat nito 'yon at inabot sakanya.
"Isang mapa... alam mo ba na konektado ang kubo na 'yon dito sa mansion niyo?"
Mas lalong kumunot ang noo niya. Binalingan niya si Delifico.
"O-oo, pero hindi pinagawa ni dad ang kubo na 'yon. Ang underground na tinutukoy mo ay parang basement lang, wala 'yong connection kahit sa kubong 'yon. Wala ring special sa underground namin dahil puro gamit lang sa sasakyan ang nilalagay don ni dad..." Sabi niya at tumingin sa hawak. Sinundan niya ang isang guhit na nandon, may tuldok na kulay pula sa dulo non at sa kanang bahagi naman ay isang asul.
"Sa tingin ko iniisip ni Augusto na dito lang sa lupa namin tinabi ni dad ang mga naiwang ari-arian niya kaya niya dinugtungan ang underground namin." Usal niya at tinignan si Delifico.
"Pero itong mapa... sigurado ako na si mom ang may gawa nito. No'ng gabing pumasok ako sa kwarto niya dalawang araw bago siya mawala nakita kong inuukit niya 'to saka niya nilagay sa vault. Balisa si mom no'ng gabing 'yon pero nang tanungin ko siya sabi niya ayos lang siya."
"Sandra..." Natitigilang sabi nito at tinitigan siya. "....ginagawang negosyo ng matanda ang kubo na 'yon. Ilang beses nang may namataang pumapasok sa kubo na 'yon. Sigurado ako na may tinatago sya sa ilalim. He's such a fucking devil old man..."
Bumuga siya ng hangin at muling tinignan ang hawak.
"Alam mo ba.... nagtampo ako kay mommy nang mag-asawa siya. Imagine? Dalawang buwan pa lang nang mamatay si dad pero magugulat na lang kami na mag-aasawa na agad siya?" Mapait na sabi niya. Parang muling bumalik sa isip niya ang nangyari ilang taon na ang nakalipas.
"....K-kaya ginawa ko ang lahat ng bagay na hindi niya ikakasaya. I did everything to make my life miserable pero wala lang sakanya ang lahat." Muling gumulong ang luha sa mata niya.
"Pero pinagsisihan ko lahat ng 'yon Delifico nang mawala silang dalawa sakin."
"Sandra...." Gumapang ang kamay nito at hinawakan ang palad niya. "...makikita natin sila. Pinapangako ko 'yan sayo.."
Ilang beses siyang kumurap habang nakatingin sa maamong mukha nito.
"Pero bakit tinutulungan mo 'ko Delifico?" Matiim ang tingin na tanong niya dito. Saglit naman itong natigilan pagkuway lumaban ng tingin sakanya.
"I...." Usal nito at bumuga ng hangin.
"I want to help you Sandra.... kahit na sino naman na nakakaalam ng kalagayan mo tutulungan ka." Sabi nito at iniwas ang tingin sakanya. Napangiti siya ng mapait sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit may munting sakit na gumuhit sa dibdib niya. Dahan-dahan niyang binawi ang palad dito saka tumingin sa isang box na nasa paanan niya. Kinuha niya 'yon.

BINABASA MO ANG
Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)
General FictionSYNOPSIS Hindi naniniwala sa kung ano mang elemento o kakatwang bagay si Delifico Fudoshiko, ngunit hindi niya akalain na mai-experience niya 'yon sa mansion ng mga Montanez, kung saan nakatira ang girlfriend niyang si Julie. Mas lalo pa siyang naka...