You got a boyfriend,
And He's a total loser,
All your friends tell you that
He's got no future,
But they like me,
Just sayin'
Hindi ko mahanap hanap yung cellphone ko dahil sa gulo ng kwarto ko. Nag eempake kasi ako ng mga gamit na dadalhin ko papuntang Palawan para umattend ng Nat'l Convention. Naeexcite ako nang bongga kasi kasama ko yung mga friends ko, gagala kami. Yay!
Btw, I'm Jia Klarees Villanueva , I'm mabait sa mabait , masungit sa masungit. Ako yung babaeng may magandang katawan pero tapon ulo , pero sa tingin ko maganda din naman ako pag wala tong pimples ko eh, nagmumukha pa nga kong nerd dahil sa nakabraces at marami akong pimples , kulang lang yung salamin. Binabalewala ko nalang yung mga sinasabi nilang 'hipon' daw ako , Ansaket diba beh? HAHAHA Basta sabi ni Mommy maganda DIN naman daw ako eh. Siguro iniisip din nilang palagi nalang akong nag aaral, na s stress at may boring na life , pero ang hindi nila alam isa akong dakilang fangirl! Na marami akong boyfriend na mga band members , well, mentally. Ako lang pala yung nakakaalam. Kaiyak.
At dahil sa kakadaldal ko , tumigil na sa pagri ring yung cellphone kong natabunan ng mga panty at bra ko.
So, si Dennise pala yung tumawag , siya yung best friend ko mula elementary hanggang ngayong Grade 9 na kami.
*fart*
Hindi yan utot. Message tone ko yan. Mainggit ka.
From Denn
'Beh, dapat before 1:00 nandun na tayong lahat sa school.'
end
To Denn
'Hala beh, nage empake palang ako eh, magti ten na di pa ko naliligo, sunduin mo ko dito ha. Bibilisan ko na yung galaw ko! Bye!'
end
LAGOT!
Dali dali akong tumakbo sa banyo , pagkatapos ay nagbihis na.
Tinignan ko yung orasan.
11:23 AM
Yas! May panahon pa ko para magtwitter.
"@JiaKlarees : Palawan, see you later! "
Kung makapagtweet ako parang first time kong makapunta doon ha.
"@JiaKlarees: again "
HAHAHA
Nakahiga ako sa sofa at nag seselfie ng may bumusina.
*Beep beep*
Kinuha ko na yung mga gamit ko.
"Mommy , Dadddy! Yung pera ko! Alis na po kami. "
Nakita ko naman sina Mommy at Daddy na nakaupo sa Living room, may pinag- uusapan yata.
"Mag iingat ka doon ha? Wag magloloko, Okay baby?" Sabi ni daddy.
"Yes dad." sagot ko nalang, tinawag ba naman akong baby eh magfififteen nako sa January. Kainis oh.
Inilabas naman nito ang kanyang wallet at binigyan ako ng 20k , ang konti ha.
"Ehhhhh ba-"
"Tama na yun, tatlong araw lang naman kayo dun at bayad na naman lahat ng foods and hotel niyo. At tsaka na sa iyo naman yung mga cards mo incase na magkulang, O siya dalian mo, malalate na kayo." Pagpuputol ni Mommy.
Tumakbo na ako papasok sa sasakyan nila Denn , hinayaan ko nalang buhatin ni Manang yung mga gamit ko.
A/N: Inaantok na ako, I'll just continue this epic story (?) If may time and kung may gusto. This is the first time na nagpublish ako ng story dito and first time kong gumawa so bare with me. Malay mo madevelop dito yung writing skills ko diba? Hahaha Pero may ginawa akong one shot, if you have time please read it.
BINABASA MO ANG
Mister N
Teen FictionYou got a boyfriend, And He's a total loser, All your friends tell you that He's got no future, But they like me, Just sayin' Hindi ko mahanap hanap yung cellphone ko dahil sa gulo ng kwarto ko. Nag eempake kasi ako ng mga gamit na dadalhin ko p...