Kabanata 4

584 22 0
                                    

"Drake, sorry sa inasta ko kahapon", nag-uusap kami ngayon ni drake sa garden ng school

"No portia,ako dapat ang mag-sorry dito.Hindi ko agad sinabi sayo", hinawakan niya ako sa braso

"I'm okay, nag-overthink lang talaga ako kahapon", nginitian ko siya

"So okay na tayo?", tanong niya

"Oo naman", niyakap niya ako bigla

Lumakas ang tibok ng puso ko. Grabe ganito pala pakiramdam na kayakap mo ang lalaking mahal mo.

Kung pwede lang yumakap sakanya ng isang oras ay gagawin ko, pero nasa garden kami ng school at baka mapagalitan kami.

"Tara na hinihintay na tayo ni aira sa canteen", aya ko sakanya

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng garden

"Buti naman at ayos na kayong dalawa, sumakit bangs ko sainyo kahapon",ngumunguyang sinabi ni aira

"Kaya nga masyadong matampuhin 'tong bebe ko", pang-aasar sa akin ni drake

"Manahimik nga kayong dalawa,pag kayo nabilaukan tatawanan ko lang kayo", sabay dila sakanila

"Pero drake paano kayo naging magkababata ni cassandra eh dito siya simula nung elementary kami ni portia?" tanong ni aira

"I was her childhood best friend. Her mom is my mom's bestfriend so naging close kami dahil palagi silang nabisita sa bahay. Umiiyak palagi si cass kapag hindi nagdadrive ang mama niya papunta sa bahay namin dahil alam na alam niya ang daan papunta sa amin. Tumakas nga 'yon isang beses para lang makipag-laro sa' kin, ganun kami ka-close dati", aniya ni drake habang kumakain

"So bakit hindi na kayo close ngayon?",sambit ni aira

hay nako napaka-chismosa talaga nito ni aira

"Umalis sila ng canada dahil hindi na nila kayang bayaran ang mansion na tinitirhan nila, and ayun kahit kailan hindi na kami nagkaroon ng pag-uusap. Pero nung nag junior high ako, madalas siyang napunta sa bahay pero dahil busy ako hindi ko siya nai-entertain", paliwanag ni drake

"Mabait naman talaga si cassandra, kaso nga lang mainit ang dugo niya sa'kin at hindi ko alam kung bakit", sinabi ko na may tonong natatawa

"Kilalang kilala ko yan si cass,gustong gusto niyang hindi siya nalalamangan, gustong gusto niyang may napipikon siya", sambit ni drake

"Halata naman no!", mataray na sinabi ni aira

"Hayaan niyo na ang mahalaga makapal blush on niya",nabilaukan sila pareho sa sinabi ko

"Ayan na HAHAHHAHAHAHAHA", tinawanan ko lang sila habang namamatay kakahanap ng tubig

Habang hinihintay ko si drake sa bench nag-scroll muna ako ng mga magagandang pang-wallpaper sa cellphone ko

Nakita ko yung mga babaeng nakanta sa pinapanuod na anime nung lalaki sa library,ang gaganda nila kaya sinave ko yung pictures nila sa cp ko at pinatay ito dahil nakita ko na si drake

Hinatid niya ako pauwi at tumanggi ng pumasok ng bahay para magpahinga. Kahit na manliligaw ko siya hindi siya tumatambay sa bahay para maging clingy sakin buong araw, ibang iba si drake sa mga lalaking napapanuod ko sa pelikula.

Habang nasa kwarto ako, bigla akong nakaramdam ng gutom kaya nag-bihis ako at umalis ng bahay para kumain sa 7-Eleven.

Nakain ako ng noodles habang may isang lalaki na tumabi sa'kin. At kung 500,000 pesos lang ang bawat pagkikita namin ng lalaking ito panigurado milyonarya na ako.

As usual nanunuod pa din siya ng anime, ano kayang trip ng isang ito at bawat sulok ata ng mundo ang hawak niya lang ay cellphone at nanunuod ng anime.

"Hoy", tapik ko sakanya

Kahit tapikin ko siya hindi siya nalingon sa'kin. Alam ko na! para lumingon ka kailangan mo maturuan ng magandang asal hehe

"Uy pre ano yan? hentai!? nako pre ah masama yan!", tinatapik tapik kong sinabi sakanya

Tinanggal niya bigla ang earphone niya at agad na lumingon sakin

"For your information kahit kailan hindi ako nanuod ng hentai, nirerespeto ko ang bawat babae sa larangan ng anime, kaya wag mo akong akusahan sa mga bagay na walang katotohanan, at pwede ba wag mo akong distorbohin? last episode na ako, thank you", sabay balik ulit sa kanyang pwesto at nilagay ulit ang earphone sa tenga niya.

Nakakaloka!. Iba din talaga ang isang ito,natatawa ako habang kinakain ang noodles ko.

Pero ang weird bakit palagi ko siyang nakikita?

Never Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon