Chapter 6- House Boy

28 9 0
                                    

   
   
   
   
Chapter 6- House Boy


Coraline POV




Ilang buntong hininga ang aking ginawa, bago pumasok sa loob ng bahay, paulit-ulit na bumabagabag sa isip ko ang sinabi ni Madre Nelly, parang sirang plaka sa utak ko paulit-ulit sinasambit.

Agad akong umakyat sa aking kwarto wala ng pake alam sa paligid, masyado kung iniisip ang sinabi ni Madre nelly, pano kung tama sya, anong mangyayare pag katapos kung magawang manika ang lahat ng lalaki sa Ackerman.

Hustisya lang naman ang gusto ko nung una, ang makulong ang may kasalanan sa pagkamatay ng aking pamilya, pero masyado nilang sinilaw ang mga tao sa pera, ang mga magulang ko na ginawan sila ng kabutihan, pero ito sila at nag aagawan sa taas, ang mauna ang magaling, pumatay ang paraan nila para mauna sa taas.

Iminulat ko ang aking mata sa murang edad ko ay nagawa ko nang mag isip nga di tama, sa murang edad ko palang ay nalaman ko na kung ano ang aking mahika, isa sa mga tomulong sa akin ay si Warren, mas matanda sya sa akin ng ilang libong taon, sila mama at papa ang naging guro nya sa larangan ng mahika, kaya tinulongan nya akong malaman ang aking mahika.

Sya rin ang nag sabi sa akin na may iniwang truno ang mga magulang ko sa akin, ako ang papalit sakanila, ako ang mag papatuloy sa kanilang pamamahala ng mga dark witches at white witches, dati ay di mag kasama ang dalawang kampong ito ngunit dahil sa dalawang tao na nabuhay limang libong taon na ang nakakaraan, ang dalawang mangkukulam na nag tataglay ng pinaka mahiwagang kapangyarihan ay nag desisyon na sila ay mag isa.

Dun natapos ang digmaang naganap, nag pasalamat ang lahat sa dalawang iyon, sa mga magulang ko, ang mga magulang ko ang dahilan bat di nasakop ng dark magician ang mundo, dahil sa kanila payapa ang mundong ginagalawan ng mga tao, dahil sakanila walang naganap na digmaan laban sa tao at mga mangkukulam na gaya ko.

Ngayon ay ako na ang pumalit sa pwesto nila, ang kanilang inaalagaan na truno ay napasa sa akin ng maaga, labag sa akin dahil sa di kopa masyadong makontrol ang white magic, si mama ang white magician at sakanya ay purong kabutihan at ang kay papa naman ay purong kasamaan.

Opposite attitude, opposite beliefs, opposite magic, but they collide as one. they fought for there love.

I wish that my parents are here, by my side, to guide me, to teach me what is wrong and right. I felt dizzy and my eyelids are getting heavy.

Unti-unti kong pinipikit ang aking mga mata, napagod nanaman siguro ako, nagdadalawang isip kung itutuloy kopa ba ang aking balak, nangunguna parin ang aking konsensya, siguro ay dahil ito sa mga sinabi ni  Madre Nelly.

NAGISING dahil sa kumalam na ang aking tiyan, ng tingnan ko ang orasan na nasa gilid ng aking kama ay agad akong napabalikwas ng bangon at dali-daling naligo, kailangan kung diligan ang mga halaman ni mama, at kailangan ko ring mag luto.

Natapos na akong mag ayos sa aking sarili at tanging itim na bistida ang aking isinuot, bago ako bumaba ng kwarto ay nilinisan ko muna ang aparador kung saan andun si Don Eduardo.

Lumabas na ako ng kwarto at pababa na ako ng hagdan, agad akong nagutom ng malamang 10 a.m na pala na umaga, napa himas na lang ako ng kumulo nanaman ito sa pangalawang beses, malapit na akong makababa ng maka amoy ako ng masarap na pagkain.

Pero sino ang nag luluto, imposebling si Eight, di yun marunong mag luto sa pag kakatanda ko, ang tamad kaya nun ng bata pa kami, tiyaka anak mayaman kaya siguro di marunong sa gawaing bahay, nag-aaral din ito sa maynila, sa city talaga, sa pag kaka-alam ko ay sa Montreux University sya nag-aaral, college narin.

Coraline Demon Doll Where stories live. Discover now