prologue

1.3K 32 9
                                    

"wala ka talagang kwentang babae ka. kababae mong tao, ikaw pa tong lumalandi huh!"

"ma tama na po!" namilipit siya sa sakit sa pagkakasabunot ng ina sa kanyang buhok.

"anong tama na? dika na nahiya!" mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa buhok niya.

"aray ko po ma, tama na" iyak niyang pagmamakaawa. napahawak siya sa sariling bibig ng sampalin siya ulit nito.

"oh bakit? anong tinutunganga mo diyan? alis!!!!" dali-dali siyang umakyat sa kwarto niya at doon umiyak ng umiyak.

"rea?" tawag sa kanya ng daddy niya habang naghuhugas siya ng pinagkainan nila.

"po?"

"bilisan mo dyan, may pupuntahan tayo ngayon" agad naman niyang binilisan ang ginagawa.

"dad, bakit ganoon si mama? sabi niya malandi raw ako. nakikipag laro lang naman ako kila Joseph, may mali po ba don?"

"no baby, masyado lang paranoid ang mama mo kaya nasasabi niya yon sa iyo" sagot naman ng papa niya.

"si ate po ba, kilan siya darating? sabi pa ni mama mas mabuti pang ako nalang daw ang makasal kaysa kay ate, bakit po ganoon?"naiiyak siya habang marahang ginagamot ng papa niya ang sugat sa binti niya.

"pa, ayaw kong magpakasal. diba ang bata ko pa" bigla siyang niyakap ng ama sa sinabi niya.

"shhhhhhh! tahan na, kakausapin ko ang mama mo okey, tatawagan ko rin ng ate mo para makauwi na" sabi nito sa kanya.

***************

naaalimpungatan siya dahil sa dalawang boses na nagtatalo sa labas.

"what?! at ano? si rea ang gusto mong makasal?" boses iyon ng papa niya.

"eh ano naman! mabuti pa nga iyon diba. wala namang ginawa ang babaing kundi magbigay ng kahihiyan sa atin!" galit na sabi ng mama niya. napaluha na naman siya. bakit ba ganoon ng mama niya? wala naman siyang ginawang mali, bakit ganoon na lang ang galit nito sa kanya.

"so, ano sa tingin mo ang ginawa ni Marga? di ba yon ang kahihiyan?" 

isang malutong na sampal ang narinig niya.

"Lourdes anak mo rin si Zandrea..........."

"hindi ko siya anak. matagal ng patay si Zandrea, Alex............. matagal na siyang patay" 

nanghihina siyang napaupo sa narinig....pakiramdamdam niya pinipiga ang puso niya sa sakit. nahihirapan din siyang huminga habang ang dalawa nagtatalo sa labas.

bakit napakalupit ng tadhana sa kanya? sa loob ng 19 na taon niya sa mundo, wala siyang ibang hinangad. na balang araw, mamahalin siya ng mama niya. lahat ginawa nito pero kulang pa rin. mas lalo pang nagalit ito nang malaman nitong sumama ito sa mga kaibigan sa isang kilalang Bar malapit sa lugar nila, tila isa siyang mumurahing babae dahil don. bakit si ate Marga niya, okey lang na magpunta don? 

"tuloy ang kasal sa ayaw at sa gusto niya" yon lang ang huling narinig niya bago siya bumalik sa sariling kama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon