Chapter 09:Bola

126 6 0
                                    

Bola

Triana Godelaine Montreal Narvaez

"MAMA!" Malakas na sigaw ni Cindy. Parang gusto kong umatras at tumakbo papalayo. "Pauwi na po ako." Sabi niya sabay halik sa pisngi ni Mama. 

"M-mabuti." Sagot ni Mama habang nakatingin sa akin. Walang reaksyon ko siyang pinalitan ng tingin.

"Nag paluto ka po ba ng paborito ko?" Masayang tanong sa kanya ni Cindy. Pero bago pa man mag salita si Mama ay agad na may tumakip sa dalawang mata ko. Gustong gusto kong tanggalin iyon at masaksihan kung paano ako mas masasaktan.

Hindi ko na kailangang lingunin kung sino iyon. Si Luis. Alam na alam ko ang bango niya na galing sa cologne na palagi niyang ginagamit. "W-wag mo na silang tinignan." Bulong niya sabay akay sa akin patalikod.

Nanginginig akong nag patianod sa kanya. "Hindi ko matanggap." Kunot noong saad ko. "Bakit ganon? Andito ako na anak din niya pero bakit hindi ako nakaramdam ng pag aalaga niya bilang isang ina?"

Kahit na bago niya ako iwan noon palagi na lang akong inaasa sa mga katulong. Hindi ko man lang naramdaman ang tunay na pag mamahal ng tunay na ina.

Natigilan ako sa pag lalakad nang tumigil sa pag lalakad si Luis at huminto sa mismong harapan ko. "Alam kong wala akong karapatan sa buhay mo, Señorita Godelaine. Pero tandaan mo ito. Sa lahat ng pag hihirap na pinag dadaanan mo sa loob ng hacienda Narvaez unting tiis na lang makukuha mo na ang gusto mo. Gamitin mo iyon para maging mas mataas pa sa kanilang lahat." Seryoso niyang saad.

Luis is right. Kailangan kong ibalik sa akin lahat lahat ng pinaghirapan ko. Kailangan malaman nilang lahat na hindi ako mag papatalo!

**********

Ilang araw ang nag daan matapos bago kami sasayaw sa maraming tao ay wala akong hinto sa pag aaral sa loob ng hacienda. Minsan ay nagpupuyat pa ako para lang matapos ang lahat lahat. Iwas iwas akong makita si Mama dahil hindi ko alam kung ano pa ang masasabi ko.

"May naisip na ba kayo about sa costume natin?" Tanong ni Cindy. Narito kami ngayon sa school at pinaplano ang sayaw namin. "Kasi ako naisip ko na palda at–"

"Cargo pants for girls and crop tops. Actually....hindi as in same ang mga styles but same color." Putol ko sa sinasabi niya. Hello. Hiphop ang sasayawin namin. "For boys naman is cargo pants and sweatshirt." Dagdag ko pa.

"W-wala akong pambiling ganon." Saad ni Aldrin sabay kamot ulo. Kita ko ang hiya sa mukha niya kaya naman pinangitan ko siya ng mukha. Napangiti naman ako.

"Ako bahala ikaw kawawa. Charot!" Tawa ko sabay tusok sa tagiliran niya. "Pupunta tayo mamaya sa bayan." Sabi ko.

"Game ako dyan!" Sigaw nila Irish, Luis, at Adrin. Sabay sabay kaming napatingin kay Cindy at Austin.

"Sorry guys, isasama ko kasi si Austin sa hacienda." Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. Nakakainis talaga ang isang ito. "Sabi kasi ni Mama gusto daw niyang makilala si Austin."

Kita ko ang galit sa mga mata ni Irish saka tumalikod at naglakad papalabas ng room. "Wait a minute. Susundan ko lang siya." Pinilit kong ngumiti saka tumalikod. Kinuha ko ang bag ko. Agad akong lumabas para habulin si Irish na ngayon ay baba ng hagdan. Nasa kabilang kamay niya ang speaker na maliit. "Irish, Wait!" Hingal na hingal kong sabi. Tumigil siya sa pag lalakad saka tumingin sa akin. Nang mapantayan ko siya ay naglakad siyang muli papunta sa soccer field. Kahit mainit ay hindi hatala sa mukha niya na naiinitan siya.

Umupo kami sa mga benches. "I know you're annoyed at Cindy too." Mahina kong sabi. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pang iba sa kanya. Naiinis din ako sa kanya sa lahat!

"Mabuti alam mo. Alam mong pag bigat na nga siya tapos ganyan pa siya." Galit na saad niya sabay tingin sa mga nag lalaro. Huminga ako nang malalim. "Wala na nga siyang naitulong tapos hindi pa siya sasama at dadalhin pa niya si Austin doon sa hacienda nila."Bumaba ang tingin ko sa grass. "Naiinis ako sa kanya dahil feeling friend na rin siya sa atin."

Naintindihan ko siya. Sa loob ng ilang araw ng pag papractice namin ay pareho kami ng nararamdaman. Ang pinag kaiba ay hindi ko masabi at mailabas ang nararamdaman ko.

Nagulat ako nang biglang may tumama sa dibdib ko na bola ng basketball. Halos mapasigaw ako sa sakit dahil sa lakas ng pagkakatama niyon sa akin. Kunot noo kong tinignan kung sino iyon. Kita ko ang ngisi sa mukha niya. Matangkad at morenong lalaki ang nakangisi sa harapan namin ngayon. "Ang kapal....ng mukha...mo." Putol putol kong saad. Kinuha ko ang bola saka niyakap iyon. "Di ka ba marunong mag sorry?" Tanong ko sa kanya.

Inirapan niya ako saka lumapit sa akin. "Mag sosorry ako if I meant that kaso lang hindi e." Nang aasar na sabi niya. Napawi ang reaksyon sa mukha ko saka isinilid sa loob ng bag ko ang bola niya. Akmang lalapit siya sa akin pero agad kong inayo sa kanya ang bag ko.

"Ikaw na nga itong nakasakit tapos di ka pa marunong magsorry. Aba...kapal naman ng mukha mo." Matapang nasabi ni Irish.

"Give me back my ball!" Irita niyang sabi lalapit sana siya sa akin pero mabili akong tumayo at hinawakan si Irish.

"Meron kang ball yun na lang." Sabi ko sabay talikod. Mabilis akong naglakad pababa ng bench. Nakakainis itong lalaking to. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit noon ah.

Nilingon ko si Irish nang biglang marinig ko ang sigaw niya na parang nasasaktan. Kita ko ang isang katutak na team nila. Tinignan ko si Irish na nakasalampak ngayon sa grass. Tinignan ko ang hayop na ito na ngayon na nakangisi. Dali daling tumayo si Irish at hihilain na sana ako pero may malakas na puwersa sa likod ko ang humila.

Parang may demonyo na pumasok sa loob ng katawan ko. Gamit ang kanang paa ko ay inabot ko ang mukha niya ng sipa. Halos matumba siya sa ginawa ko. Agad kong hinagis ang bag ko kay Irish. "Takbo!" Sigaw ko sa kanya. Ayaw pa sana nitong sumunod pero wala siyang nagawa.

Isang malakas sa sampal ang tumama sa mukha niya galing sa akin. "Wag mo akong iniinis dahil matagal na akong naiinis. Ngayon kung gago ka mas gago ako."

Pag suntok ko sa kanya ay agad siyang naka ilag kaya naman lumusot ang kamay ko sa balikat niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong sobrang lapit na ng mukha ko saka kanya. Nakakainis na ngisi pinakawalan niya. Pero agad napawi iyon nang iuntog ko ang noo ko sa noo niya.

Napasigaw siya nang sipain ko ang tyan niya. "Bwisit ka." Hingal na hingal kong sabi.

Nang tumayo siya ay kitang kita ko ang galit sa mukha niya. "Ang lakas ng loob mong labanan akong babae ka!" Galit niyang sabi.

Nginisihan ko na lang siya. "Don't try  me." Sabi ko tatalikod na sana ako pero hinila niya ang braso ko paharap sa kanya pero mukhang napalakas iyon nang biglang masubsub ako sa dibdib niya. Agad akong lumayo. "What's your problem ba?!" Inis kong tanong.

Sinamaan niya ako nang tingin. Sa aura niya ay parang papatay na siya ng tao. "Yung bola ko!" Sigaw niya sa akin.

Napatingin ako sa paligid. Wtf? Ano tong ginawa ko? Ang daming nanonood sa aming dalawa. Pati mga team niya ay nakangisi sa akin. "Hindi ko ibibigay ang bola mo dahil sinadya mo akong batuhin at kitang kita ko iyon!" Asik ko.

Tumawa siya ng mahina. "Look poor litte crazy girl...kapag hindi mo binigay sa akin iyon hindi ka na makakapasok dito." Punong puno ng pag bababanta ang boses niya kaya natawa na lamang ako.

"I'm not poor and I'm not crazy. At lalong lalo wag mo akong tatawaging maliit dahil hindi ako maliit! " Tinignan ko siya na kayang kaya ko lang siya. "And...hindi ako takot sayo, sunog na kapre." Inirapan ko siya at tatalikod na sana pero bigla niya akong hinawakan sa braso.

Napatadyak na lang ako sa inis. "Ano ba?!" Inis kong usal. Mabilis ko siyang hinarap kahit na hinihingal na ako ay sisipain ko na sana siya pero nahawakan niya ang paa ko. Nanlaki ang mata ko nang makita kong pantay na kami ngayon ng taas dahil yumuko siya. Gamit ang isa kong paa ay sinipa ko ang paa niya na agad ko nang pinagsisihan.

Parehas kaming sinalo ng damo. Gulat akong napatingin sa kanya. Nasa ibabaw ko siya ngayon at pasalamat na lang ako dahil nakasuot ako ngayon ng pants!

Into you (Señorita Series No.02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon