Kabanata 5

561 19 0
                                    

"Look beshie, napaka-pogi ni kristoff.In-add niya ako sa facebook and nagulat ako dahil nag-wave siya sa akin!!!!", kinikilig na sinabi ni aira

"So nag-uusap na kayo?", tanong ko

"Oo, buong gabi kami magka-usap. Tignan mo eyebag ko beshie, pero okay lang basta tungkol kay kristoff handa ako magmukhang panda", tuwang tuwa na sinabi ni aira

"Hoy Aira Climente!, sa chat mo lang nakakausap ang lalaking yan, at sa isang wave ay nahulog agad ang panty mo.Paano kung killer pala yan? psychopath!? pedophile!?", natataranta kong sinabi

"Oa beshie ha,maging masaya ka na nga lang sakin!", nakabusangot niyang sinabi

"Biro lang naman beshie, gusto ko lang naman na hindi ka ma-inlove sa maling tao, ayoko ngang masira ang eye liner mo!",aniya ko habang naka peace sign

"Hmp dahil maganda naman ang sinabi mo hindi na ako magtatampo hehe", sabay kagat sa sandwich niya

Biglang may humawak sa braso ko at biglang humarap sa akin.

"Hi portia", masiglang sinabi sa'kin ni drake

"Uy hindi ka pumasok sa first class, anong nangyare?", tanong ko

"Overslept, sorry portia hindi kita nasundo", malungkot niyang sinabi

"Ano ka ba ayos lang yun! hindi naman kita bodyguard", sabi ko

Sabay sabay na kaming kumain at agad na nagtungo sa auditorium dahil may gaganapin daw na event at doon paguusapan.

"That's all for today, thank you for participating in this upcoming event at Frixx Academy", sambit ng mc sa pagtatapos ng meeting sa auditorium

"Sumali ka beshie ng Ms.Intramurals,paniguradong mananalo ka! ang ganda ng katawan mo", alok sa akin ni aira

"Nako ayoko ng mga ganyan ganyan, atsaka masakit sa puso kapag natalo ako", paliwanag ko kay aira

"Ano naman kung matalo ka? atleast andito ako para sayo",sabi ni drake na naki-singit sa paguusap namin ni aira

"Omg may partner ka naman pala eh",masayang sinabi ni aira

"So hello my partner", nang-aasar na sinabi sa akin ni drake.

Wala na akong nagawa kundi pumayag sa idea ni aira na sumali ako ng Ms.Intramurals.

Hindi ko naman first time sumali ng pageant kaya okay lang sakin at hindi ako kakabahan.

Sinabi ko agad ito kay mama at agad na humanap ng magiging costume ko. At ang napili namin ay ang tennis girl. Sobrang ikle pero ayos lang dahil bagay naman sakin.

Habang nagsscroll ako sa facebook nakita ko ang post ni cassandra na naka-tag si drake

"Thank you because you agreed to be my partner in Ms. and Mr. Intramurals, you're the best!"

Nabasa ko palang ang caption ay naiyak na ako. Akala ko ba ako ang gusto niyang ka-partner?. Kaya din ako napapayag dahil akala ko sa buong buhay ko makakapartner ko sa isang pageant ang taong mahal ko.

Bakit ganito? Bakit ang sakit?

Hindi pa naman kami at hindi ko pa siya sinasagot pero bakit pakiramdam ko niloloko niya ako?

Bukas na ang Mr. and Ms. Intramurals,tutuloy pa ba ako?

"Oh my gosh beshie akala ko hindi ka na pupunta!!!", natatarantang sinabi ni aira

Tumuloy ako kahit wala akong ganang gumising, kahit may masakit sakin tumuloy ako, dahil gusto kong lumaban, hindi ako basta basta lang at ipapakita ko sakanila na si Portia Bartolome ay hindi isang talunan.

"Pasensiya na beshie, tara na", pumunta na kami sa backstage at inayusan na ako ni aira

"Bongga!!!, napakaganda mo beshie", tuwang tuwa na sinabi ni aira

"Salamat beshie", nginitian ko siya ng pilit

"Beshie ayos ka lang ba?, alam kong nakita mo na din yung post ni cassandra, malay mo pinilit lang dahil magkaibigan ang mama ni drake at ni cassandra, ayos lang yun beshie pwede ka namang i-partner sa iba", niyakap niya ako at tinapik tapik sa likod

Napaluha ako pero agad kong pinunasan dahil sayang ang make-up ko

"Ayos lang ako,rarampa ako beshie", pagbibiro ko

"Portia", nilapitan ako ni drake na halatang nag-aalala ang mukha

"It's okay drake alam ko naman na", walang reaksiyon sa mukha kong sinabi sakanya

"Portia please forgive me,nagmakaawa sa'kin si cass dahil wala siyang ka-partner, and she cried so wala akong nagawa kundi pumayag, portia I hope you understand", hinawakan niya ako sa kamay pero agad ko ding binawi

"Ayos lang drake, magsisimula na magayos ka na din", sabi ko sakanya at agad na lumabas ng back stage para magpahangin lang saglit

Bakit palagi kong sinasabing ayos lang ako kahit ang sakit sakit na?.

Never Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon