Chapter 1

10 0 0
                                    

Palabas ako ngayon ng bahay upang magtungo sa aking pinagta-trabahuhan. Ayaw na ayaw pa naman ng manager namin ang nale-late sa pagpasok. Dahil kung hindi sermon ang aabutin namin.

Tatlumpong minuto pa naman ang layo bago pa man ako makarating doon. Ngunit kahit gaano kalayo ay nagti-tiyaga ako dahil unang trabaho ko ito kaya naman pinagbubuti ko. Kaunting tiis lang naman upang makapag-ipon at makapag-aral muli sa kolehiyo.

Pagbaba ko ng jeep. Dali-dali akong nagtungo sa store. Isang maaliwalas naman na ngiti ang ibinungad sa akin ng guwardiya doon kaya't ganoon din ako sa kaniya.

Isang maaliwalas na ngiti din ang ibinungad ko sa lahat ng katrabaho ko na nasasalubong ko. Lalong lalo na sa manager.

"Good morning po sir" bati ko kay sir Glenn. Isa sa mga manager dito na bumubuo sa araw ko. Siya yung tipo ng mga lalaki na agaw pansin. Matangkad. Matipuno ang katawan. Medyo singkit ang mga mata. Moreno. At kapag siya ay ngumiti mapapangiti ka na din dahil sa kilig.

"Good morning early bird Mia" tugon niya sabay ngiti. Hindi ko naman mapigilan ang aking mga labi sa pagngiti kaya dumiretso na agad ako sa crew room upang mailagay ko ang aking gamit sa locker.

Early bird ang bansag niya sa akin sapagkat maaga akong dumadating sa store kahit hindi ko pa duty.

Pagbalik ko sa counter nagmadali akong nagpa-in sa aking kaha dahil biglang dumami ang mga tao. Kaya't hindi na ako nakapagpa-pirma sa aking DTR.

Isang buwan pa lamang ako rito at nilagay na nila agad ako sa peak hour dahil mabilis daw akong kumilos at mabilis matuto. Dahil isang linggo lamang ay gamay ko na ang pagka-cashier. Hindi din naman ako nahirapang pakisamahan ang mga ka-trabaho ko dito dahil mababait naman sila.

"Mia hindi ka pa yata nagpapa-pirma ng DTR mo sa akin?" tanong ni sir Glenn nang medyo kumonti ang tao.

"Hindi pa nga po. Ang dami po kasing tao kanina" sagot ko habang ina-assemble ang order ng aking costumer.

"Hay nako Mia" nagulat ako nang kurutin ako ni sir sa bewang. Hindi naman masakit pero malakas kasi ang kiliti ko at minsan pa'y napapatili ako.

Hindi ko na lamang siya pinansin at nag-focus nalang sa costumer.

"Thank you po. Balik po kayo" paalam ko sa costumer nang maibigay ko ang kaniyang order.

Ilang oras pa ang lumipas at pinag-break na din ako.

Alas-tres pa lamang ng tanghali at hanggang alas-otso pa ako dito sa store. Ayos lang naman sa akin na hanggang gabi ang schedule dahil sinusundo naman ako ni kuya Marco.

Bumaba ako saglit para kumuha ng tubig. Pagbalik ko sa crew room nakita ko doon si Franco, ka-trabaho ko. Umupo ako at uminom ng tubig sa gilid kung saan malapit lang sa locker ko.

Halos maibuga ko yung iniinom ko ng maghubad si Marco ng kaniyang damit. Hindi masyadong kalayuan sa'kin. Kaya't kitang-kita ko ang matipuno niyang katawan na puro pawis. Hindi na bago sa'kin makakita ng ganito dahil araw-araw kong nakikita si kuya na topless. Pero 'pag sa iba natutulala nalang ako.

"Ayos ba?" natauhan ako nang magsalita siya.

"Sira ka talaga" iwas tingin kong sabi

"Ano schedule mo bukas?" tanong niya habang nagpupunas ng kaniyang pawis

"Ah wala akong schedule bukas" sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

"Ganun ba. Sa susunod na araw sabay ka na sa'kin kumain. May alam akong masarap na kainan dito" aniya at kinuha na nito ang kaniyang gamit para umuwi.

Sa isang buwan ko dito ngayon lang may nag-aya sa'king kumain. Madalas kasi wala akong kasamang nagbe-break kaya nagbabaon nalang ako ng pagkain ko.

Palabas na sana ako ng store dahil tapos na ang duty ko nang maalala kong hindi ko pa pala napapirmahan yung DTR ko kanina.

"Sir Glenn papirma po sa DTR" sabi ko habang hinahanap ang DTR sa lalagyan.

"Meron ng pirma Mia. Okay na" napatigil ako sa paghahanap nang marinig iyon

"Sa susunod papirmahan mo kaagad sa'kin ha" malumanay niyang sabi sabay hawak sa kamay ko.

Bigla akong nanlamig sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

Ilang segundo din kaming nagkatitigan nang maalala kong may cctv pala dito sa office.

"Uuwi na po ako salamat po!" paalam ko at dali-daling lumabas ng office.

"Anong problema non? Bakit may paganon? Ang bully niya date. Tapos ngayon? Hays!"

"Anong pinagsasabi mo jan?" tanong ni kuya na nasa gilid lang pala nakaupong naghihintay kaya't hindi ko masyadong napansin.

"Wa-wala kuya. Tara na umuwi"

Maya-maya'y nakarating na din kami sa bahay. Agad naman akong nagtungo sa kwarto para makapagbihis.

Inalis ko ang uniform kong soot ngayon ay naka-bra na lamang ako at cycling. Nag-inat inat muna ako dahil pakiramdam ko'y nabugbog ang aking katawan. Walong oras ba naman ang duty ko sa isang araw.

"Mia. Halika na't kumain"

"Kuya!!! Kakatok ka naman!!!" pasigaw kong sinabi sabay takip sa katawan ko at tumalikod sa kaniya.

"Bakit? Nahihiya ka bang makita ko yan? Noong bata ka Mia ako pa nagpapaligo sa'yo date! Hinuhugasan ko pa nga yang pwet mo!!!"

"E kuya bata pa ako non. Magbe-bente nako oh!" binuksan ko ang damitan ko paraan nadin para hindi ako makita ni kuya at kumuha na ng damit.

Nang marinig kong papalapit siya sa akin agad kong binilisan ang pagbibihis.

"Kahit magbe-bente ka na ikaw parin ang prinsesa ko! Tatandaan mo yan! Ha?" aniya sabay pitik sa aking ilong.

Kahit kailan talaga si kuya mapang-asar pa din. Si kuya nalang ang meron ako. Kwento niya sa akin sanggol pa lamang daw ako nang mamatay ang mga magulang namin. Si tita Des, kapatid ni papa. Ang nag-alaga samin at nagpaaral hanggang high school. Isa lamang ang kaniyang anak kaya't nakayanan niya kaming tustusan ni kuya.

Kasalukuyan namang nag-aaral sa kolehiyo si kuya. Tumigil muna ako upang makapagtapos muna siya. Mayroon din siyang sideline, sa grocery store na medyo may kalayuan sa pinagtatrabahuhan ko.

"May pasok ka ba bukas?" tanong ni kuya habang hinuhugasan ko ang pinagkainan.

"Wala kuya"

"Labas tayo bukas ha. Matagal na din tayong hindi nakakalabas. Wag kang mag-alala libre ko" tila nabuhayan ako sa narinig na iyon. Sa tinagal niya kasi sa kaniyang trabaho ngayon niya lang naisipang ilibre ako.

Nang matapos akong maghugas ng pinagkainan. Dumiretso ako sa cr upang makapaglinis ng katawan.

Inuupahan lang namin itong tinitirhan namin ni kuya. Maliit lang pero maayos naman. Mura lang at mabait din ang may-ari ng paupahan.

Umalis na kasi kami sa bahay nila tita Des noong nakaipon si kuya. Nakakahiya daw kasi at may trabaho naman na daw siya. Dumadalaw pa rin naman kami sa bahay nila tita minsan sa isang linggo hindi naman kalayuan dito sa amin.

"Kamusta trabaho mo kanina Mia?"

"Okay naman kuya. Medyo komportable na ako doon" sagot ko habang nagtutupi ng damit.

"Baka may nanliligaw sa'yo dun ha. Paalala lang. Trabaho ang atupagin hindi kung ano-ano. Isang taon nalang naman makakapagtapos na ako. At kapag nakahanap ako ng trabaho ikaw naman pag-aaralin ko. Tutupadin natin ang pangarap nating dalawa. Naiintindihan mo ba?" aniya sabay pisil sa magkabila kong pisngi.

"Pisngi ko na naman kuya! Opo naiintindihan ko" pagpupumiglas ko

Sobrang proud ako dito sa kuya ko. Dahil kahit dalawa nalang kami ay may pangarap pa din siya sa akin. At syempre ganun din ako. Hindi ako makakapayag na hanggang dito lang ako. Dahil alam kong kaya ko at magtitiis ako.

Nahiga si kuya sa aking kama. Nang matapos na akong magtupi ay nahiga din ako sa kaniyang tabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lie BetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon