Chapter 5

13.6K 360 8
                                    

 ~*

Chapter 5


Nang nasa stock room na ko ay napansin kong nakabukas ang pintuan, mukhang nakalimutan sigurong isara nung huling pumasok. Pumasok na ako sa loob at agad hinanap ang switch ng ilaw dahil medyo madilim sa loob. Ang ayoko pa naman sa lahat ay ang madidilim na luggar. Mahirap na at baka makakita pa ako ng multo o kaya ng lamang lupa. Kahit anong kapa ang gawin ko ay hindi ko talaga magawang mahanap ang switch kaya naman dali-dali na akong pumunta sa table para ilagay ang mga dala ko at nagulat nalang ako ng biglang magsara ang pinto at sa sobrang lakas ay halos mapatili na ako sa takot.

Paglingon ko ay binuksan niya ang ilaw at nakita ko ang lalaking 'yun na nakatayo sa may pintuan at ang sama ng tingin niya sakin. Bigla akong kinabahan lalo na nung papalapit siya sa kinatatayuan ko

Bakit ang sama niyang makatingin? Nag drugs ba siya?! Tulong naman!

"Bakit nandito ka Cedrick?"

Infairness alam ko na ang pangalan ng kumag na 'to

Hindi sya nagsalita at palapit parin siya ng papalapit sakin.

Anong binabalak niya!!!

Dahil sa takot ay napaatras na din ako at nung wala na akong maatrasan at nasa harapan ko na siya ay bigla niya akong hinarangan gamit ang mga braso niya. Parang gusto ng humiwalay ng puso ko sa katawan ko dahil sa kaba at takot. Pero mas nanlaki ang mga mata ko nung unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko at nung ilang halos magdampi na ang mga labi namin ay napapikit ako.

 Heto na ba ang first kiss ko? Bakit sa lahat ng pwedeng mag angkin nito ay siya pa?!!

"Wag kang assuming, kala mo naman hahalikan kita"

Itinulak ko siya at umalis na sa lugar na 'yun. Swear! mapapatay ko siya kung sakaling nagdikit ang mga labi namin! Assuming huh?! banatan ko siya eh! Yabang!

xxx

Dumiretso ako ng room at nadatnan ko ang dalawa dun at nung nakalapit ako sa kanila ay agad nila akong tinanong, "Pumunta kana ba ng cafeteria?" tanong ni Ericka, napatango na lang ako kahit hindi pa naman ako pumupunta dun

"Bakit hindi mo man lang kami tinext?"

"Sorry naiwan ko kasi ang cellphone ko"

"Hindi ka na namin hinintay kanina, ang tagal mo naman kasi sa stock room para ilalagay lang naman yung mga gamit dun"

"Okay lang 'yun Jenny" sabay ngiti ng peke at naalala na nama ang nangyari kanina

"Ayos ka lang ba? Bakit ang pula pula ata ng mukha mo? May lagnat ka ba?"

 "Wala noh!"

"Di nga? may nangyari ba sayo?" 

Grabe talaga si Jenny, bakit ang lakas ng pakiramdam niya. Sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pinto ay pumasok ang taong kanina lang ay gusto kong patayin

"Hello classmates!"


Ang sarap niyang imurder sa mismong kinatatayuan niya.. Lumapit siya samin at ang laki ng ngisi ng lalaking 'to. Pang asar!

"Hello Ericka, Hello Jenny, Hellooooooo Sam"

Nakita kong nanlaki ang mga mata ng dalawa dahil sa pagbabago ng pakikitungo ni Cedrick sakin, ang alam kasi ng dalawa ay magkaaway kami dahil sa nangyari samin sa park pero sa pinapakita niya ngayon ay dun sila nagulat

"Hello Sam. Namiss kita" with matching akbay pa

Ay peste!

"Ehem! anong nangyayari dito Sammy?" pinanliitan ako ng mata ni Jenny

"Teka Cedrick tama ba 'yung pagkakarinig ko o baka may defect lang 'yun tenga ko? Pwedeng pakiulit yung sinabi mo?"

"Naman Ericka, wag mo ng intindihin ang lalaking yan"

"Sabi ko namiss ko si Sam"

Sana lamunin na ako ng lupa ngayon dahil sa kahihiyan na nararanasan ko. Sana kunin na ko ni Lord

"Oh my gulay Sammy! may something na ba agad sa inyo ni Cedrick? Bakit di mo man lang sinasabi samin? Infairness ambilis"

"Walang something samin, wag nga kayong mag isip ng kung anu-ano at pwede ba kutong lupa wag na wag mo kong matawag tawag na Sam, di tayo close! "

"Eh bakit hanggang ngayon namumula ka pa din? Di mo pa rin siguro makalimutan yung ginawa natin kanina noh?"

 Ay! isa talaga siyang dakilang peste sa buhay ko!

"Wag ka ngang maingay! Bwisit ka!"

Tinakpan ko ang bibig niya dahil may balak pa siyang sabihin sa mga kaibigan ko.

"Oh my gosh Jenny tama ba talaga yung mga naririnig ko? Mapapraning na ata ko sa dalawang to"

Napasobra ata ang pagtakip ko sa bibig niya dahil halos namumutla na siya, ayoko pa sanang tanggalin ang kamay ko pero umepal naman si Ericka. Ang akala ko ay hindi na siya kakanta pero nagkamali ako

"Alam nyo kasi kami ni Sam kanina  ay ..."

"WWHHAAAAA . Ano ba yang pinagsasasabi mo Cedrick!"

"Pwede bang patapusin mo muna siya Sammy?" medyo napataas ang boses ni Jenny kaya natahimik ako bigla

"Ano nga ulit ang sasabihin mo Cedrick?" naghihintay lang sila ng sagot pero ilang segundo na ang nakakaraan ay hindi pa din siya sumasagot hanggang sa hinawakan ni Cedrick ang kamay ko

"Sam tara na sa upuan natin, Seatmate tayo diba?"

Manyak talaga!

"What's happening here?" biglang sumulpot si Madeline at ang mga alipores niya at napatingin siya sa kamay namin ni Cedrick

"Walang ibig sabihin 'to"

"Cedrick!"

"May problema ba Madeline?" 

"Bakit mo hawak ang kamay niya?" nakikita ko ng nanlilisik ang mga mata niya. Grabe nakakatakot!

"Masama ba? Pupunta kami sa upuan namin diba nga seatmates kami"

"I HATE YOU CEDRICK" sabay walk out, syempre sumunod ang mga alipores

Ano 'yun LQ?

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon