Third POV
Laking gulat ng mga tao sa loob nang biglang bumungad si Yongsun sa pinto.
Nakita niya rin ang isang pamilyar na mukha na katabi lang ni Byul at panay ang tingin ng masama sakanya.
🎶 oh woah (intro yan ng kanta) 🎶
"Ay gaga, bakit may music?" tanong ni Hani nang biglang may nagpatugtog ng music sa sala.
"Wala, baka relate lang sila." sagot ni Seulgi na biglang nagpatugtog.
Dire-diretso namang naglakad papunta si Ryujin para batiin si Yongsun na nasa pinto.
🎶 jealous of the girl who caught your eye, one of my darker days. 🎶
Nang tignan ni Yongsun si Byul ay seryosong nakatingin lang ito ng diretso kay Ryujin.
🎶 when you look at her
where was I? 🎶Nasaktan naman si Yongsun nang mas pillin tignan ni Byul ang babaeng nasa harap niya ngayon kasya sakanya.
"If I'm not mistaken, we've already met. Am I right, Ms. Kim?" aggresibong pagbati ni Ryujin sakanya.
Tumango lang naman si Yongsun atsaka inilipat ang tingin sa babaeng nasa harapan niya ngayon.
"By the way, I'm Ryujin. Shin Ryujin. Byul's longtime girlfriend." pagpapakilala nito sabay angat ng isang kamay para makipagshake hands kay Yongsun.
There, she confirmed it.
Parang biglang gumuho ang mundo ni Yongsun nang marinig niya 'yon mismo sa girlfriend ni Byul.
🎶 should've been in her place,
here I am, all alone imagining
what might have been if I had been there 🎶Ngumiti naman si Yongsun ng pilit at tinignan lang ang kamay ni Ryujin na nagooffer sakanya ng shakehands.
"Hindi ko tinatanong." mataray na pagkakasabi nito na mas lalong kinainis ni Ryujin.
Wala siyang time makipagplastikan sa babaeng 'to.
Pilit ding ngumiti ito pabalik sakanya atsaka tinalikuran siya bigla para bumalik na sa kinatatayuan ni Byul.
"Tara na? Kain na tayo, love." wika ni Ryujin at pinulot ang kamay niya sa kanang braso ni Byul.
🎶 jealous of the one whose arms are around you... if she's keeping you satisfied. 🎶
Halos matigilan si Yongsun nang makita at marinig niya ang lahat ng iyon sa mismong harapan niya.
Wala namang nagawa si Byul kundi sumunod nalang at pumunta na ng kusina nang hindi tinitignan pabalik si Yongsun.
🎶 jealous of the one who finally found you, made your sun and your stars collide. 🎶
🎶 La la la la
She's a very, very lucky girl
La la la la 🎶"Ms. Kim, ok ka lang?" approach sakanya ni Kisum nang hindi ito umimik ng sandali.
"Patayin niyo na nga yung kanta. Parang tanga 'to si Seulgi eh. May pa-background music pa." reklamo ni Hani at agad namang pinatay ni Seulgi ang kanta.
"Tara, Ms. Kim. Kain na po tayo. Hehe." pagyaya sakanya ni Hani at tumango naman si Yongsun.
Tinulungan naman siya ni Kisum na buhatin ang cake at ang mga balloons na dala dala niya. "Ako na dito, Ms. Kim. Para di ka mahirapan."

BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomanceA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...