Kahit puyat ako ay maaga pa din akong nagising dahil nga excited ako sa birthday party ko. Hindi man ako naging masaya sa naging reaksyon niya sa sinabi ko kagabi ay ayos lang sa akin. Mas mabuti na siguro na wala siyang isinagot dahil atleast may pag-asa pa ako. Atleast may magagawa pa ako. Dahil kung negatibo ang naging sagot niya ay siguradong dadamdamin ko iyon. Kaya naman mas okay na sa akin ang nangyari.
Busy ang lahat ng tao sa bahay namin. Si Mommy at Lola Medy ang bahala sa mga decoration sa bahay. Si Daddy naman ay abala sa pakikipag-usap sa caterer para mamayang gabi. Mamaya din ay kukunin na din niya ang cake na ipinagawa nila ni Mommy para sa akin.
Tinawagan ko sina Maple at Yara upang ipaalala ang party mamayang gabi, para na rin makapaghanda ang kanya-kanyang pamilya ng dalawa dahil kasama na sila sa bilang ng mga bisita ko.
Sinubukan ko ding tawagan si Max ngunit hindi talaga siya pwede dahil may party rin daw itong pupuntahan.
Nang bandang alas dos ng hapon ay tumawid ako sa kabilang bahay upang kumustahin sina lolo at siyempre upang masilayan si Decks.
"Happy Birthday, Apo." Bati sakin ni Lolo Desmond. "Finally, you're eleven."
"Thank you po." Malapad na ngiti ang ibinalik ko sa kanya.
"May gusto ka pa bang ibang regalo bukod sa apo ko?" Pang-aasar niya na ikinatawa ko nang husto.
"Wala na po Lolo. Siya lang ang gusto ko. Siya lang sapat na po."
Nagkatawanan lang kaming dalawa at naputol lang iyon nang nakita kong pababa na sa hagdan ang lalaking pinag-uusapan lang namin.
"O ayan na pala ang regalo ko." Patuloy pa din ni Lolo na ikinapula ng mukha ko.
Nang maamin ko na sakanya ang nararamdaman ko ay medyo nakakaramdam na ako ng hiya. Ngunit hindi ibig sabihin niyon ay hihinto na ako sa pagpapapansin ko sakanya.
"Tss! Kinukunsinti mo na naman ang kalokohan ng batang to, Lolo." Iiling-iling na sita ni Deckard kay Lolo. "Kaya palaging ginagawa ang gusto niya dahil alam niya na may kakampi siya."
Sumimangot ako dahil sa sinabi niya, ngunit panandalian lamang dahil mas gusto kong maging masaya sa araw na ito. Espesyal kasi kaya ayaw kong masira.
"Hindi naman sa ganoon Decks. Mabait na bata naman itong si Nikki. Makulit lang pero mabait." Pagtatanggol sa kanya ng matanda.
"They are not spoiling me, Decks. People around me just loves me which is why they can't say no to me." Saad ko habang papalapit sa kanya.
Napansin ko na nakabihis na siya ng pang-alis at mukha siyang may lakad at sigurado ako na hindi sa bahay namin ang punta niya. Siguro ay napansin niya ang pagkunot ng noo ko kaya naman bago pa ako makapagtanong ay inunahan na niya ako.
"May lakad ako at baka mamaya pa ako makakabalik. I'll try to be here before your party starts."
Tinapik niya si lolo bago dire-direchong lumabas ng bahay nila. Sumunod naman ako bigla nang matauhan ako.
"Where are you going? It's my birthday today!" Sigaw ko sa kanya bago pa siya makasakay ng kotse niya.
"And so?" Sarkastiko ang tono niya. "Hindi porket birthday mo, babaguhin ko na yung schedule ko. May importante akong lakad at mahaba pa ang oras bago ang party mo."
Napasimangot na naman ako dahil sa kasungitan niya. Di na talaga mababawasan ang sungit nito sa katawan. Ewan ko ba bakit ang hirap para sakanya na ngumiti na lang ng buong araw.
BINABASA MO ANG
This Time, it's Forever
General Fiction"Yes, I still love him. There is no point in denying it now. I never stopped loving him and if the only way to be with him is to do this deal with him, then I am willing to risk it all. I will marry him."