18 | Falling Apart

594 29 17
                                    

 

Eva was prescribed with several medications and was advised to attend counselling and treatments. Ayon sa doktor ay muling nagbalik ang mga sintomas ng depresyon ni Eva kaya hindi maaaring hindi nito inumin ang mga gamot at hindi puntahan ang mga treatments at counselling na kailangan nito. Kaya dalawang beses sa isang linggo ay kailangan nitong magtungo sa ospital para sa mga iyon hanggang sa tuluyan itong maka-recover.

Isa sa mga katrabaho ni Shin sa center ang tumulong ditong makahanap ng katulong. Si Ana— may edad nang biyuda at nagpupunta lang sa bahay nila tuwing umaga upang asikasuhin ang kambal hanggang sa pag-uwi ni Shin sa hapon. Ana needed to come home to her family in the evening, kaya sa gabi ay si Shin ang nag-aasikaso sa lahat ng gawaing bahay, sa kambal, at kay Eva.

In the past couple of weeks, Eva had shown no improvement. Ganoon pa rin ito bago dalhin sa doktor.

There were times she would cry and get scared of something— pakiramdam nito ay laging may nagmamasid dito. Kaya naman si Shin ay inaasikaso muna ang asawa bago pumasok sa trabaho. He would talk to her about positive things, make her coffee and breakfast, help her take her meds, and would just simply stay by her side until she'd start feeling better. At kapag sa tingin niya ay kalmado na ito ay saka lang siya aalis ng bahay.

Para kay Shin, kaunting sakripisyo lang iyon at darating din ang araw na magiging maayos ulit ang lahat— tulad ng dati.

But then...

"Ano'ng sinasabi niyo na wala si Eva at ang kambal sa bahay? Saan sila maaaring magpunta?" kunot-noong tanong ni Shin matapos marinig ang report sa kaniya ni Ana. Pauwi na siya nang hapong iyon mula sa trabaho nang tumunog ang cellphone niya at makita ang landline number nila.

"Inutusan niya akong mamalengke at nagsabi siyang siya na raw ang magsusundo sa kambal sa pre-school, pero alas cuatro na at dapat ay narito na sila..."

Ala-una hanggang alas-tres ng hapon ang pasok ng kambal sa pre-school. Kapag ganoong oras ay dapat na nasa bahay na ang mga ito. At simula noong nangyari ang insidenteng iyon kay Eva ay hindi pa nito muling inihatid at sinundo ang kambal sa pinapasukan ng mga ito. Kaya bigla siyang na-alarma.

"Alam niyong hindi stable ang kalagayan ni Eva, hindi siya dapat lumabas ng bahay kasama ang kambal."

Gusto niyang magalit kay Ana pero pinigilan niya ang sarili. She was only doing what she was told— kay Eva siya dapat mainis.

"Pasensya ka na, Shin..." naiiyak na sambit ng may-edad na babae. "Pupunta ako ngayon sa pre-school para hanapin sila, baka naroon pa silang mag-i-ina—"

"No, ako na ang pupunta. Maghintay kayo riyan at tawagan niyo ako kapag dumating sila."

Tinapos niya ang tawag at binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Ilang bloke lang ang layo ng pre-school ng mga bata mula sa bahay nila at malapit na niyang marating iyon.

Hindi niya alam kung bakit matinding kaba ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. He was worried about what could happen.

Alam niyang walang gagawing masama si Eva sa mga bata, pero sa kalagayan nito ay hindi niya maiwasang mag-alala.

Mabilis niyang pinasibad ang sasakyan hanggang sa marating niya ang daycare center na pinapasukan ng mga anak. Ipinarada niya ang sasakyan sa harap ng naka-sarang gate at mabilis na lumabas.

Sumilip siya sa loob at nakita ang guwardiyang naka-upo sa maliit na guard house habang nagbabasa ng diyaryo. Tinawag niya ito at sinabi ang pakay.

"Wala na pong estudyante sa loob, Sir. Nakalabas na pong lahat kanina pang alas-tres."

That made his chest tumble all the more. Mabilis siyang tumalikod at bumalik sa kotse. Pag-pasok sa loob ay muli siyang tumawag sa landline nila at hinintay na sumagot si Ana.

SHATTERPROOFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon