Pagpasok ko sa room ay hindi ko inasahang marami na palang estudyante ang naghihintay.Nang may nakita akong bakanteng upuan ay agad na akong umupo.
Hindi kami magkatabi nina Venus ng upuan pero hindi naman kami masyadong malayo sa isa't isa.
Nang may nakita akong matandang lalaki na nakangiti na pumasok sa room ay agad kaming nagsitayuan.
"Good morning class. Im your adviser Queno Dela Vegaz." pagpapakilala niya.
Sabay sabay naman kaming tumayo para bumati sa kanya.
"Good mor---" agad naputol ito dahil sa pag interrup niya.
Tumawa siya at sabay sabing " Hindi ganyan bumati dito sa Charlotte Academy. Pagbumabati ang mga estudyante sa mga nakatatanda o sa kanilang mga guro ay ganito." ipinaliwanag niya kung ano ang dapat naming gawin kung babati.
"Buenos Días Senior , paglalaki ang iyong kaharap. Buenos días Seniora naman kung ito ay babae."
Ipinagsaklop niya ang dalawang kamay at ibinaba. Nakasentro ito sa kanyang puson.
"Ganito rin dapat ang posisyon ng inyong kamay habang kayo'y bumabati."
"At kung hapon naman ay ang dapat sabihin niyo ay Buenas Tardes na ibig sabihin sa spanish ay Good morning . At kung gabi naman ay dapat niyong sabihin ay Buenas Noches na ibig sabihin ay Good evening. Naiintindihan ba mga anak?"
Agad namang tumango ang mga kaklase ko.
"O segi nga, Good Morning everyone." bati ulit ng aming propesor.
"Buenos Días Senior!" sabay sabay naming bati habang nakasaklop ang mga kamay at nakalagay sa ibabaw ng puson.
"Take your seat."
"Thank you!"
Agad naman kaming nagsiupuan. One seat apart ang aming upuan at sa ngayon ay nandito ako sa gitna.
Nalaman ko na ang unang klase namin ay tungkol sa kung ano ang mga technique para mas gumaling pa ang aming ability. Ang masasabi ko lang ay ' so far, so good' naman ang experience ko dito.
"Maganda naman palang mapa bilang sa Minus Class noh! Ang saya!" masayang opinyon ni Leo habang ipinagsiksikan ang sarili sa naiiritang si Venus.
"Pwede ba!! Kanina pa ako naririndi sayo ah!! Dumistansya ka nga kahit konti man lang!! Para kang snail na palaging dumidikit!!" sigaw sa kanya ni Venus.
'Napikon na siguro.'
Natawa nalang ako.
Pumunta sa akin si Venus at sinabing magpapasama daw siya sa CR.
"Alam mo, noon ko pa napapansin. Napaka tahimik mo, eh minsan nga hindi ka makasabay sa trip namin ni Leo" natatawang sambit niya habang naghuhugas ng kamay.
Bigla siyang natigilan ng may narealize sa sinabi niya. Agad niyang tinapik tapik ang kanyang bibig.
"Shiz! Stop talking about that man!!" pabulong niyang sabi kaya napailing nalang ako.
Napaisip naman ako sa sinabi niya.
'Oo nga , napaka tahimik ko, at hindi masyadong gumagalaw. Eh hindi naman ako ganito noon at palaging may humor sa halos ng aking sinasabi. Siguro ay dala narin to sa pagpanaw nila lolo.'
Naghilamos ako ng mukha at napatingin sa salamin.
Habang tinitignan ko ang aking sarili ay hindi ko maiwasang maalala si Meranda. Ewan ko kung totoo ba yung nangyari o panaginip lang.
Tama nga si Venus, siguro dapat kailangan ko na ring mag move on.
Ngumiti ako.
"Tara na!"
--
Natapos ang mga klase na okay at parang natural lamang.
Ngayon ay naglalakad ako papunta sa Dorm ko upang magbihis para mamayang training class namin.
May training Class kami ngayong 6:00 pm , 5 pm pa ngayon kaya naisipan ko munang magpahinga.
Ilang saglit ay narealize kong hindi pala ako nakatulog at parang higa lang ang aking ginawa.
May nakita akong box sa labas ng pintuan ng kwarto ko kaya kinuha ko ito ng may nakalagay na pangalan ko.
May sulat sa loob ng box at ang nakalagay ay.
'Ito ang iyong susootin para sa training mamaya.'
- CelinaAgad ko na itong isinuot at nagtali ng buhok.
Maganda naman ang damit. Isa itong maliit na bistida at pinarisan ng legings na puti. Kulay puti rin ang bistida at may laso sa likod.
May napansin naman akong burda na nalagay sa gilid ng damit at ang nakalagay ay Charlotte Academy. Maliit lang ang burda kaya hindi masyadong agad pansin.
Nang lumabas na ako ay napansin kong iisa lang ang direksyon ng mga estudyante kaya sinundan ko na.
Malaki ang space ng lugay na ito at glass ang bubong kaya kita ang mga bituin.
'Napaka gandang tanawin.'
May lalaki namang tumuntong sa intablado na may dalang microphone.
"Good evening everyone, I'd like to announce you that after this opening program and choosing a training room we will have our dinner."
"For now on, I'd like to welcome you to the Training Class New Batch."
Agad nag palakpakan ang lahat ng estudyante. May party popper na pumutok at may banner na nakalagay 'Welcome to the New Training Batch'.
"As a tradition, bubunot ng numero ang mga estudyante at kung anong numero ang nakuha nila ay yun ang magiging ka Team nila sa Organization." sabay turo nito sa mga taong naka uniporme rin tulad namin pero mukhang mas matanda sila sa amin.
"I bet, sila yung mga sinasabing mga seniors."
Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa gilid ko at napagtanto ko na si Venus pala yon habang naka tingin rin sa mga nakahilerang mga tao.
Tumango tango nalang ako at doon ko napansin na may hawak hawak silang fish bowl at may mga papel na naka lukot doon.
Siguro ay yun ang tinutukoy ng lalaking nagsalita sa stage kanina.
"And now, for the finale, around of applause please for our team leaders!"
Sabay sabay naman kaming pumalakpak gaya ng sabi ng lalaki.
Hanggang sa may nakita kaming grupo ng mga estudyante na dumating.
Kahit nasa malayo sila ay ramdam ko ang kakaibang awra nila.
Yung klase ng awra na nagsasabing mataas sila kaysa sa iyo, na dapat silang igalang at irespeto.
"Nakaka panindig balahibo sila noh!" komento ni Venus habang ako ay nakatingin parin sa kanila.
"Oo, para silang mga prinsipe at prinsesa." I cant help but to envy them.
"Balita ko ay mga seniors daw silang lahat at sila ang magiging leader natin. Sana noh mag kagrupo tayo." biglang lumungkot ang mukha ni Venus.
Nang tinignan niya ako ay habagya lang akong ngumiti para lakasan siya ng pag-asa.
BINABASA MO ANG
CHARLOTTE ACADEMY: SCHOOL FOR MYSTICAL ABILITY
Mystery / Thriller'Charlotte Academy' is well known as a Academy which train students who have supernatural or mystical ability. Andrea Grashion , an ordinary girl came from the poor family who live at the foot of the mountain. She discover that she has special abil...