Pre

57.5K 1.6K 196
                                    

"Regil, bye na kay papa. Mag behave ka dun ha?Matuto ka na rin mag sleep mag-isa k-kasi big boy kana." Ang nakangiti kong bilin sa anak ko.

"Opo, papa!" Ang nakangiti niyang sa sagot sa akin.

"Very good talaga ng baby ko eh." Ang nakangiti kong sabi dito at ginulo ang buhok niya. Lumagpas ang paningin ko mula sa aking anak, tumigil ito sa pigurang ng lalaking minsa'y naging akin.

"R-Raego...mag-ingat kayo sa daan." Ang huli kong paalala dito. Nanatili ang ngiti sa labi ko habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Saglit pa kaming nagkatitigan pero binawi niya rin ang kanyang paningin. "We will." Ang tipid niyang sagot at binitbit ang maliit na maleta ng anak namin.

"Regil, let's go." Tawag niya sa anak namin. Inihatid ko sila hanggang sa gate ng bahay.

Bakit ganito? Sobrang bigat ng mga paa. Parang may mga nakasabit na malalaking bato sa bawat isa.

"Raego!" Tawag ko sa pinakagwapong lalaking nakilala ko sa buong buhay ko.

Isinara nito ang sasakyan at bumalik sa harapan ko. Tinanggal ko ang wedding ring namin at binukas ang palad niya.

"What is it?"

"Raego, I loved you for more than 10 years. Raego Lagdameo, you will always be my husband, my bestfriend, my partner, the love of my life. I love you even if your love is no longer mine. Raego, death didn't part us like what we vowed in front of God." Humugot ako ng malalim na hininga at mahinang tumawa."Huwag mong kalimutang kumain sa tamang oras at baka atakihin ka na naman ng ulcer mo. Huwag ka ring uminom ng marami. Goodbye, dy. Mag-ingat kayo lagi ni Regil." Habilin ko sa kanya at itiniklop ang kanyang palad kung saan laman ang lahat ng aming pangako.

"Congratulations on your upcoming wedding with Camille." Sabi ko sa kanya at tumalikod na.

Mabilis akong pumasok sa tahanan kung saan namin binuo ang maganda naming mga alala, kung saan namin pinanood ang paglaki ni Regil. Ang bahay na puno ng alaala ay mananatiling taguan ng aking magandang panaginip.

Mabilis kong isinara ang pintuan at napadausdos dito. Pinokpok ko ang puso ko dahil sa sobrang sakit nito.

Bakit? Bakit nawala ang lahat sa akin? May kasalanan ba ako sa Diyos para gawin niya sa akin ito?

——————————————————

Nag pop lang to randomly. Ayokong palagpasin ang idea nato. Umiyak na ho ako ng isang balde habang sinusulat ito. OMG!!!!!!!! Hindi ko priority i update to dahil tatapusin ko pa ang Juariz Series. Wala lang gusto ko lang ishare baka rin kasi makalimutan ko hahaha. Iuupdate ko lang po to kapag feel ko lang.

Where To Find [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon