Tanasia POV
"wag na po,thank nalang po.."sabi nito at hindi tinanggap ang binigay ni margo
"ano kaba wag kanang mahiya..."sabi ni margo
"at wag kana mag po parang sobrang tanda ko naman"sabi ni margo at tumawa, pinagmasdab ko si sharpton at nakangiti itong nakikinig kay margo
"Ako nga pala si Margo Shen Zimayo"sabi ni margo at inialok nya ang kamay nya
"Sharpton Levs"sabi nito at tinanggap nya ang kamay ni margo at nag shake hands sila
"wala kang apeliyedo?"tanong ni margo
"meron Serilio, pasensya na dahil hindi ko talaga pinapaalam sa iba"sabi ni sharpton at kinilig naman si margo
Tshh...kala mo naman pag kakaguluhan ng mga babae...
Umupo nalang ako sa table ko at hindi ko pinansin ang dalawa na naguusap parin
Binuklat ko ang resumė na ibinigay saakin ni margo at nakita ko nga na kay sharpton ito
Nakita ko na patay na nga ang mga magulang nya
Tumingin ulit ako kay sharpton at kay margo na naguusap, nakangiti parin si sharpton at halatang nakikinig sya sa mga pinagsasabi ni margo
Tss...buti nabibigyan nya ng pasensya yang babaeng yan at bat hindi halata sa mukha nya na wala na syang mga magulang
Tumayo ako at kinuha ang papeles na hawak ko, tinignan ko ang oras dahil may trial akong pupuntahan
Kinuha ko ang papel at binuhat ko ito tinambak ko ito lahat sa lamesa ni sharpton at napatingin silang dalawa sakin
"icopy mo to ng tagdadalawa at itambak mo lahat sa lamesa ko"sabi ko kay sharpton
"san ka pupunta?"sabi ni margo
"may trial ako ngayon at bumalik kana sa trabaho mo..."sabi ko kay margo, tumango ito at nag paalam na kay sharpton
Lumabas narin ako at naghagdan lng ako dahil ayaw ko mag elevator ng makababa na ako ay kakaunti lng ang tao
Sumakay ako sa kotse ko at pumunta ako ng supreme court
Sharpton POV
Medyo madaldal ang babaeng nakausap ko kanina pero okay lang naman dahil may bago na akong kaibigan...
Pagkatapos kong macopy lahat ng binigay saaking papeles ay dumeretso na ulit ako sa office ni miss tanasia
Kung ganun sana sumama nalang sya para pamilya na silang namatay...
Kung ganun sana sumama nalang sya para pamilya na silang namatay...
Kung ganun sana sumama nalang sya para pamilya na silang namatay...
Sumikip ang dibdib ko ng maalala ko ang narinig ko na sinabi ni miss tanasia
Sana nga eh...sana namatay narin ako
Nalungkot ako at tinambak sa lamesa ni miss tanasia ang mga pinacopy nya
Bumalik ako sa table ko at kinuha ang cellphone ko sa bulsa, kinuha ko rin ang airpods at sinalpak ko ito sa tenga ko at nagpatunog nalang
Maya maya lng ay nakita ko na sa labas si miss tanasia kaya nagpanic ako at itinago agad ang airpods ko
Tumayo ako at nginitian ko sya
"okay na po lahat ng pinacopy nyo nilagay ko po sa desk nyo"sabi ko dto
"good, umuwi kana dahil kanina pa time ng off"sabi nito saakin at dumeretso na sa desk nya
Napangiti naman ako at inayos ko ang maliit kong bag
Kumaway lng ako kay miss tanasia bilang paalam kahit alam kong hindi sya naka tingin lumabas ako at nakita ko si margo
"ohh! Sharpton sabay na tayong bumaba"sabi nito saakin
"ah hindi na baka hinihintay ka ni miss tanasia..."sabi ko
"hindi yan ano kaba kanina kapa nahihiya saakin"sabi nito
Yumuko nalang ako at sumunod sakanya
"pag pasensyahan mo na si tanasia, ganyan talaga ang ugali nya mahigpit suplada at nakakatakot"sabi nito saakin ngumiti lng ako sa sinabi nya
"okay lang sanay naman nako sa mga ganyang ugali"sabi ko dto at napatingin sya
"so it means marami ka narin nakasalamuha na ganyan ang ugali?"sabi ni margo,tumango lng ako sa kanya
Ting!!
Bumukas na ang ground floor at nag paalam na ako kay margo
Lumabas ako at andaming tumitingin saakin at kinikilig, nginingitian ko lng sila at natutuwa naman sila
Wala naman nakakaalam na anak ako ng artista dahil matagal ng nakalimutan ng ibang tao yun pero fresh parin sa utak ko lahat ng nangyari sa mga magulang ko
Nagulat ako ng biglang may humawak sa kwelyo ng polo ko,na isang lalaki na may dalawang kasama
"Ikaw nabayun yung bagong assistant ni tanasia HAHAHA"sabi nito at gigil na gigil sa mukha ko
Tinignan ko lng ito na baliwala
"bat sa dami dami ay ikaw pa tss kung pwede namang ako..."sabi ng lalaki na nakahawak parin sa kwelyo ko
"kapkapan nyo nga!"sigaw nito
"hanapin nyo ang resumė ng lalaking ito!"sigaw ulit nito
Kinuha ng mga lalaki ang cellphone sa bag ko pero hindi nila kinuha ang airpods at wallet sa bulsa ko
"YUCK!!putek cellphone ba ito!"sigaw ng lalaki sa cellphone ko
"Cherry mobile HAHAHA!!!"tawa ng tawa ang tatlong lalaki na nang trip saakin
"bakit wala ba kayong cellphone?"tanong ko sa kanila
Tumingin saakin ang lalaki at binato nya ang cellphone ko sa sahig at tinapakan nya pa
"nakakagigil na mukha to pinaguusapan ng mga babae"sabi ng lalaki
Dinakma nya ako at sasapakin sana ako pero nagulat ako ng biglang may pumigil dito...
YOU ARE READING
My Perfect Lawyer
AcciónSi Tanasia ay isang mahigpit at maldita na lawyer kinikilala din siyang "santanasia" ng iba niyang mga katrabaho dahil sa ugali niyang hindi maipinta.