Aking mga tula

15 0 0
                                    

Ito'y bubuoin ng aking mga tulang matagal ng nais sambitin, nawa'y basahin niyo at unawain ,ito'y nilaaman lang ng aking damdamin.

"Ako Nalang"

Simula ng ika'y nawala,
Ako ang natira,
Ako nalang pala,
Pero bakit nga ba?

Ako nalang ang bubuo,
Sa ating nagawang pangako,
Ako nalang sa dating ikaw at ako,
Ako nalang ang magaalaga
sa sarili ko.

Wala nga palang tayo,
Kaya hindi ako nagtaka sa iyong
Paglayo,
Salamat nga pala sayo,
Dahil natutunan kong mahalin
Ang ako.

Ang ako na kaya ng tumayo,
Ang ako na nagbago,
At ang ako na masaya na
Sa sarili ko,

Pagmamahal sa dating ako,
Na binago ng pagkadugo,
Ngunit mas gusto ko ito,
Ako nalang ang magbubuo sa
Bagong ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My poem'sWhere stories live. Discover now