Chapter theme: Mahal Kita Pero Di Mo Lang Alam - Rocksteddy
I couldn't teach for three days because I got sick. Although I felt better and was ready to return today, my mom scolded me, insisting that I still need to rest for another week.
Masyado ko silang pinag-alala nitong mga nagdaang araw kaya sumunod na lang ako sa gusto nila ni Kuya. Kahit sa flower shop ay hindi na nila ako pinapatulong kaya narito at nakakulong lang ako sa bahay. Bantay sarado pa ng kapatid ko.
Miss na miss ko na ang mga estudyante ko lalong-lalo na si Charlotte. Sana naman sa susunod na araw ay payagan na nila akong bumalik sa summer class. Nagtungo naman dito si Janice kahapon upang i-update ako, kaso iba pa rin kapag kasa-kasama ko ang mga batang tinuturuan ko.
"Kelly, may bisita ka."
Napasulyap ako sa nakabukas na pinto ng kwarto ko kung saan nakasilip si Kuya Mike. It was only 9 in the morning, and I wondered who would visit at this hour. Baka sina Danika na naman 'yon? Pero weekdays ngayon.
"Bilis na! Baba na!" atat na utos ng kapatid ko.
Sinimangutan ko siya bago tumayo at sumunod sa kanya sa baba. Pagdating ko sa sala, nadatnan ko ro'n si Brix. Agad itong napatayo nang makita niya ako at binigyan ako ng napakatamis na ngiti.
Suddenly, I got conscious about my appearance.
Hindi pa ako naliligo, gulo-gulo ang buhok ko, tapos ang suot ko ay oversized Superman t-shirt ni Kuya na kinuha ko sa damitan niya ng walang paalam. Nakaitim na jogging pants ako sa pang-ibaba at iyong medyas ko ay may malaking butas sa bandang hinlalaki.
Meanwhile, Brix looked so fresh in a seaweed-colored crew neck shirt paired with chino shorts and white sneakers. His hair was neatly pulled back into a man bun, and I'm sure, marami na namang babae ang napalingon sa kanya.
"Good morning, Kels."
"Morning!"
"I got worried kaya pinuntahan na kita. Hindi ka kasi sumasagot sa mga text at tawag ko. Akala ko kung napaano ka na. Kung hindi pa sinabi ng kuya mo na may sakit ka, hindi ko pa malalaman."
"Sorry! Sumasakit kasi ang ulo ko kapag nakaharap ako sa cellphone kaya hindi ko muna ginagamit," paliwanag ko at inanyayahan itong maupo.
But before he sat next to me, Brix picked up the basket of fruits from the center table and handed it to me. "For you."
Napangiti ako nang mapansin kong suot niya ang bracelet na ibinigay ko sa kanya.
"Ikaw talaga, nag-abala ka pa. Thanks!"
Brix then handed me the bouquet of ranunculus resting on the center table.
"May pa-flowers ka pa talaga, ha?"
BINABASA MO ANG
Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]
Romance"He was once my sun. I always yearn for his light. But now, I didn't know. I think he's still a sun. But his light is too much for me, my eyes burn when I look at him." In a city where their love once blossomed, Kelly Romualdez faces the haunting ec...