Please subscribe to my youtube channel for free lightroom presets : @Lester Calingao
Follow me on Lyka app ( username : @skyzstars )
Tine's POV
I've been walking at the terminal for like hours , I don't know how to get to my apartment, taking grab is to harsh and besides kailangan kong magtipid ng pera - yun ang sabi ni mom.
Ako kasi yung tipo ng tao na gagastos ng pera para sa bagay na gusto ko, hindi ko naman mapipilit yung sarili ko na bilhin yung bagay na iyon kasi parang kumikinang at inaakit kang bilhin siya. Yes, everything you see in the store is attractive but when its on your hands. Nawawala ang kinang kaya bibili ka pa ng marami.
Im really that excited here in Cebu but I'm nervous. Ilang weeks din kasing pinagawayan nila mom and dad kung dito ako mag-aaral, lagi kasi nilang sinasabi na hindi ko kaya. Because I'm too innocent and easy to be fooled. Well I don't believe them. Hindi naman ako papayag na maloko ng iba.
"hey bro, are you lost?" the young man interrupted my thoughts.
"Yes hindi ko na alam kung nasaan na ba ako"
"If you need help, i can help you"
Salamat naman at may nag-alok din ng tulong, kailangan ko rin talaga lalo't na hindi ko kabisado ang lugar.
"I can carry those luggage, if you want?"
"okay lang ba?" tumango siya at iniabot ko sa kanya ang mga bagahe ko at ako naman ay kinuha ko na ang aking bag na may tatak na captain america, yes he is my favourite superhero.
"Saan ka pala pupunta?" he asked.
"Sa San Pedro Street, kaso hindi ko alam kung saan yun tsaka lowbat na rin ako kaya hindi ko magamit ang google map"
"sakto at doon din ako dadaan, oh, tara na!" yaya niya.
Nagsimula na kaming maglakad papuntang san pedro street, and i really hope so na tama dinadaanan namin. Baka manloloko tong tumutulong sa akin at itakbo lahat ng gamit ko. Pero sa pananamit at mukha niya hindi naman siguro. Makinis ang balat, maputi, matangkad, matangos ang ilong, singkit at may sense of fashion naman sa suot niya kaya hindi naman siguro.
"I'm Josh by the way, Josh Smith" he said while smiling at me.
"ahh and i'm tine " both our hands are shaking each other at nagkasalubungan ang aming mata, about 5 seconds and It's getting awkward na kaya nagtanong nalang ako.
"bakit mo nga pala ako tinulungan? i asked.
"Nakita kasi kitang pabalik-balik sa nilalakaran mo, naisip ko na baka may problema ka!"
"ahhh may problema nga talaga ako at yun ang makapunta sa appartment ko and thank you nga pala!"
"wala yun"
Mahilig bumato ng jokes si Josh kaya hindi ka maboboring na kausapin siya. Tawanan lang kami nang tawanan habang naglalakad.
*Ring! Ring! Ring!
Josh picked his phone up, gumawa siya ng sign - saglit lang ahh i will take this call - sa akin. Tumango lang ako.
Habang may kinakausap si josh sa kanyang phone ay nagtingin-tingin ako sa paligid, at may nakita akong palaruan 10 blocks from us. Gusto kong pumunta doon para makapagpahinga saglit dahil kanina pa kami naglalakad ni Josh.
Sinubukan kong magpaalam kay Josh ngunit busy siyang kausapin yung tumatawag sa kanya sa telepono kaya pumunta nalang ako doon sa palaruan.
Umupo ako saglit sa swing at nagpaduyan-duyan. Para akong batang nakatakas sa bahay na nilalaksan ang pagduyan sa sarili. Ang sarap kasi sa pakiramdam na pagkatapos mong maglakad ng mahabang mahaba tapos may malakas na hangin ang dadampi sa katawan mo.
Nagpatuloy lang ako sa pagduyan hanggang napansin kong may nakatayo sa gilid ko. Agad ko namang hininto ang pagduyan at tinignan ang taong nakatayo.
Bakas sa mukha niya ang pagtataka kung bakit ganun nalang ako kasaya. Bigla nalang ako nakaramdam ng hiya kaya tumayo ako at humarap sa kanya.
"Sasakay ka ba? oh heto ikaw na sumakay" yaya ko sa kanya habang natataranta na ako sa hiya.
He smiled sarcasticly at umupo na siya sa swing. "Sorry about that medyo nawiling lang ako sa swing" paliwanag ko.
He just smirked at me.
Umalis na ako ng dahan-dahan dahil na rin sa sobrang kahihiyan na nagawa ko. Nang lumakad na ako ng tuluyan ay saktong kumakaway si josh na magpatuloy na kaming lumakad papuntang apparment.
"Sorry for making you wait" sabi ni josh.
"Wala yun, buti nga't na may tumawag sa iyo, nakapagpahinga rin ako ng saglit, oh tara" yaya ko.
Tahimik lang kaming naglalakad hindi kagaya kanina na sobrang ingay. May nangyari siguro sa kanya kanina o may problema si josh kaya may tumawag sa kanya para ibalita. Hindi ko namalayan na narito na kami sa San Pedro street at hinanap namin yung appartment ko.
Maya-maya pa ay nakatayo na kami sa harap ng appartment ko. Medyo malaki rin pag nasa labas ka tumingin. Nasa tatlong palapag din ang taas neto. Pinasok na namin ang mga bagahe ko at dumiretso sa loob. Umupo kami sa isang sofa sa harap ng tv at ng coffee table with a lots of magazines and newspaper. It must be the lobby.
Maya maya pa ay may lumamit sa amin ng matanda around 30's ang edad niya. Ngumiti siya sa amin at ngumiti rin ako pabalik. Feeling a warm heart.
"You must be tine? And he must be your roommate?" Yes, mayroon akong roommate. Anak ng kaibigan ni mom, Masyado kasing mahal kapag isa ka lang kaya nagdesisyon si mom na magsama kami ng anak ng kaibigan niya. And i don't have problem with that as long as hindi siya maarte at hindi niya papakialaman ang mga gamit ko. Hate ko kasi yung mga taong nangingialam ng gamit ko at napaka irresponsible lalo na sa mga gamit niya rin.
"Ay hindi po, kaibigan ko lang po na tumulong sa akin" paliwanag ko.
"Akala ko siya na, ako nga pala si Glenn or you can call me nanay Glenn" pagpapakilala ni Nanay Glenn.
"Nice meeting you po nanay Glenn"
"By the way tine, i must go medyo dumidilim na" paalam ni Josh. Hinatid ko si josh sa labas at nagpaalam na kami sa isa't isa.
"He's cute you know" someone said.
"Oo nga ee" sabi ko. Nagtaka ako dahil may nagsalita sa likuran ko kaya humarap ako ng mabilis sa taong pinanggalingan ng boses. I'm shocked. Siya yung lalaking nasa palaruan. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya ngunit hindi niya sinagot dahil tumalikod na siya sa akin at tumungo sa lobby.
Sinundan ko lang siya dahil wala rin akong magagawa kung hindi niya sasagutin ang tanong ko.
~*~
Hello guys, first time kung gumawa ng BL story at sana magustuhan niyo. Nainspired kasi ako gumawa dahil sa #2gethertheseries ang cute kasi ni sarawat at ni tine!
Follow my social media account
Ig : @ skyzstars
Twttr : @ skyzstars
Fb : Lester Calingao
BINABASA MO ANG
#2gether (Roommate Edition) [Completed] ✔
Roman pour AdolescentsYou don't need to understand music. You just need to feel it. -Sarawat I look at my watch. It's 5:30 and I'm here in the couch waiting Tine to come out. While waiting him I'm thinking something. Like, I finally found someone that can make...