Layout Artist
"Pinapatawag tayo ng SPA sa office, urgent meeting daw." Sambit ni Nikki habang nag-aayos ng gamit.
"Bakit na naman ba?" Ako.
"Ewan ko! Don't tell me papagawa na naman siya ng panibagong articles?!"
"Aba't di pa rin siya satisfied sa mga pinapasa niya?"
Pang-limang taon na namin itong magkakaibigan bilang miyembro ng aming school publication kaya matatawag kaming campus journalists. Si Nikki ay Columnist at Layout Artist kapag nasa mood, si Kaly ang Editor In Chief o namumuno sa aming lahat sa publication, at ako naman ay ang Sports Editor.
"Onin!" Tawag ko sa kaklase na miyembro rin ng school publication.
"Oh?"
"Bakit tayo pinapatawag?" Tanong ko.
"May malaking changes daw sa dyaryo at ipapakilala yung bagong Layout Artist."
"Ano?! Hindi pa rin ba okay yung napasa natin?!!" Nang-gagalaiteng sigaw ni Nikki.
Malamang dahil isang malaking sampal sakanya 'yon. Siya ang nag-layout ng latest broadsheet at kita lahat ng staff kung gaano niya pinasan ang responsibilidad na hindi naman talaga sakanya.
"Bulok kasi layout mo, e!" Pang-aasar ni Onin sabay alis.
"Ulul!"
"Sino naman kaya yung bagong layout artist?" Tanong ko.
"Hindi ko alam! Kung sino man siya edi salamat, sino ba namang gusto mag-layout?!" Mataray na sabi nito.
"Tara na sa office at naroon na si Kaly!"
Pagkarating namin sa publication ay naroon na halos lahat ng staff at kami nalang ang kulang.
"Doon tayo malapit sa Aircon!" Hila sa akin ni Nikki.
"Kumpleto na ba tayo?" Tanong ng School Publication Adviser. Agad na lumitaw si Kaly at inilibot ang tingin.
"Yes, sir."
"To formally start this urgent meeting may I call on Mr. Zeumik Ross Javert to please step forward." Sambit ng SPA. Agad na nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang tumayo at pumunta sa gitna. No! It can't be!
Nakaka-putangina 'to!
"Hala! Si Zero!" Si Nikki.
"Introduce yourself, iho!" Ani ng SPA.
"Zeumik Ross Javert nga pala! Bago niyong layout artist, Zero for short. Grade 12 STEM."
"Ang gwapo!"
"Bebe q!"
"Change bio mamaya sa twitter!"
"Parang sisipagin ako gumawa ng articles ah! "
"Puso ko hoy!"
Napairap ako sa hangin nang marinig ang mahaharot sa publication. Sus! Kung alam lang nila gaano 'to kakupal.
"Oh pakalmahin hormones!" Parinig ni Nikki sa mga mahaharot.
"Wow ha!" Mataray na sabi ko kay Nikki. Who knows, baka namamatay na rin 'to sa kilig.
"Gagi iba na crush ko!"
Aminado naman ako na maitsura talaga 'tong putanginang Zero na ito at kung hindi siya nagkupal sa akin ay baka naging crush ko rin slight.
Pero hindi!!
"Let me introduce to you the staff, Zero. Let's start with Miss Kaly Harake, the EIC and to be followed by others."