Chapter 16: The Betrayer

137 27 12
                                    

Chapter XVI: The Betrayer

Bella's POV

"What?" Medyo napalakas yata ang pagkakasabi ko dahil tinakpan ni Vee ang bibig ko. Para akong nahilo dahil sa narinig. All those times, nasa harap ko lang pala ang may pakana ng lahat ng ito.

"Sshh. Let's wait before they leave."

Nanatili kaming tahimik sa loob ng kanal at walang ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita. Medyo nahihirapan na akong huminga dahil habang tumatagal ay mas lalong nanunuot sa ilong ko ang mabahong amoy mula sa kanal.

When we were really sure that they were gone, we immediately came out from our hiding.

Pagkalabas na pagkalabas namin tinanong ko kaagad siya. "Now, tell me everything. Are you sure na sila talaga yung dumukot sayo? Baka nagkakamali ka lang?" My voice was desperate.

Hindi ko na kasi talaga alam kung sino ba talaga ang pagkakatiwalaan ko at napakahirap paniwalaan ang lahat ng kanyang mga sinasabi.

I tried to solve the problem, but I did not realize that the reason behind those problems were already in front of me.

"Maybe it's better if I start from where it all began." She sounds a bit doubtful if she will tell me everything but she continued anyway.

"Have you heard of Moon Organization? " Saglit akong natigil sa paghinga ng marinig ang pangalang iyon. Nauna nang sinabi sa akin ni Gino na maaaring may kinalaman sila sa pagkawala ng ate ko.

"Y-yes."

"While your sister began to investigate about them, she stole something very important from them." Nagulat ako sa narinig? Ano naman 'yon?

"Ha? Ano?"

"It was a briefcase ngunit nakuha rin ulit 'yon ng Moon Organization. She knows that her life was in danger, that's why ang sabi niya sa akin kapag may mangyari sa kanya kailangan kong makahanap ng paraan upang mabawi iyon." That would explain the day when I saw Vee with the guy who died in the hotel. If she was saying the truth, everything she did was for Step?

"I did everything I could para lang mabawi ang briefcase," pagpapatuloy niya. "I met and collaborated with different people, untill I finally found someone who could help me."

"Benedict Fonte," pabulong kong saad.

Naalala ko pa ang pangalan niya no'ng kinuha namin ni Rino ang isang file sa office ni Inspector Akinu. Siya 'yong lalaking nagbigay kay Vee ng briefcase.

"What? How did you know him?"

"I saw you talking to him before you got abducted"

"Ano? Were you spying on me? "

"Syempre hindi, aksidente ko lang kayong nakita at sinundan kita at doon nga nakita kung may dumukot sayo. Tutulungan sana kita kaso nga lang ay may tumakip din sa bibig ko."

Ngayong naaalala ko na ang mga pangyayari parang mas lumakas ang ebidensya na sila nga ang dumukot kay Vee. Rino claimed na nakita niya daw ako sa kalsada. Akala ko coincidence lang 'yon pero isa pala talaga siya sa may gawa sa akin no'n kaya napunta ako sa bahay nila.

"Sinaktan ka rin ba nila?" nag-aalalang tanong ni Vee.

"Hindi, nagising lang ako sa bahay nila at hindi ko naman alam na sila pala 'yong dumukot sayo. "

"And you never doubted them? I already told you na wag basta-basta magtiwala." Napayuko na lang ako sa mga sinasabi niya.

"Did you know na patay na 'yong nagbigay sayo ng briefcase," pag-iiba ko. Base sa reaksyon niya parang 'di niya ito alam. "Sino ba siya? Anong kaugnayan niya sa Moon Organization?" I can't help but to ask.

"Isa siyang dating chemist na nagtatrabaho para sa kanila. I made a deal with him to give me the briefcase in exchange for money. Kahit na hindi na siya parte ng Organization, nakakapasok pa rin siya sa mga lugar kung saan ginaganap ang ilan sa mga aktibidad nila. He managed to give me the briefcase but the same day that I got it, they took me." Kung gano'n maaaring ang nasa likod ng pagkamatay niya ay ang Moon Organization dahil binigay niya kay Vee ang briefcase.

"Then what about Gino, bakit ka nila dinukot?" I asked. I don't really see the connection. But there could be only one possible answer to my question and I was too afraid to admit it.

"My guess is that they are part of the organization and they were after the briefcase." Inaasahan ko na sasabihin niya iyon ngunit iba pa rin talaga pag narinig mo. All this time? I trusted them.

"Kung 'yong briefcase lang ang kanilang kailangan bakit kailangan ka pa nilang dukotin?"

"Hindi nila alam kung paano ito buksan. Ako lang ang nakakaalam kung sino ang magkabukas nito. Kailangan nila ako para matukoy ang taong iyon. Nagawa kong tumakas dahil ililipat na sana nila ako ng lugar kaya ginawa ko iyon bilang oportinidad na tumakbo palayo."

"Bakit ka daw nila ililipat? San ka ba nila tinago? "

"Hindi ko rin alam pero no'ng narinig ko silang mag-usap ay ang sabi nila kailangan na daw nilang humanap ng ibang lugar dahil alam na daw ng babaeng pinag-uusapan nila ang lokasyon ko." Napatigil ako sa narinig.

Of course, no'ng binigay ko sa kanila ang mapa ay nalaman nilang alam ko na kung saan si Vee tinago kaya pinalano nilang ilipat siya. Ang babaeng tinutukoy nila ay ako.

My blood boils in just thinking that I had given my trust into someone who completely doesn't deserved it.

"Ngayon anong gawin natin?"

"We need to go to sir Tyrron and warn him. "

"Ha? Bakit anong kinalaman ni Sir Tyrron dito?" Hindi ko mapigilang mapa-isip sa sinabi niya.

"'Di ba ang sabi ko sayo kilala ko ang taong makakapagbukas ng briefcase. Unfortunately, si sir Tyrron 'yon. The moment that they will find out that was the person who can open the briefcase, they will come for him."

"Kung gano'n, hindi ligtas si Sir Tyrron. Tara na! Kailangan natin siyang mapagsabihan habang maaga pa. Baka maunahan tayo nila. "

Hinila ko siya ngunit 'di siya sumunod.

"Masyadong delikado kung ngayon natin ito gagawin. 'Di ba sabi mo kilala ka nila? Baka malaman nilang ikaw ang kasama ko ngayong gabi kung bigla ka na lang mawala sa inyo. Bukas, kausapin mo si Sir Tyrron sa paaralan. Kumbinsihin mo siyang pumunta sa lugar kung saan walang makakita sa inyo. I will meet you there. Doon na natin kakausapin si Sir Tyrron. "

"Paano mo kami kikitain kung 'di mo malalaman kung saan ko siya dinala?"

"Don't worry, I will. "

"Ngayon saan ka mananatili? Hindi naman pwedeng umuwi ka sa apartment mo dahil tiyak na hahanapin ka nila doon. "

"Don't worry, may mga kakilala ako na pwede kong pakiusapan. Doon muna ako mananatili. Basta ang isipin mo lang ay kung paano makukumbinsi si Sir Tyrron na dalhin sa walang taong lugar. "

Niyakap niya ako bago kami nag-paalam sa isa't isa. Kahit ayaw ko man siyang umalis ulit, hinayaan ko na lang siya. Mas nakakabuting magtago muna siya sa iba niyang kakilala.

Kagaya ni Vee ay umalis na rin ako bumalik sa bahay . Mabuti na lang at tulog pa rin si Nana nang nakarating ako.

I had a hard time sleeping the whole night. I still can't believe everything.

--**--
DareMe19

I just want to say to whoever reading this:

Thank you for making this far. There's no word to describe how much I appreciated everything.😍
You guys are the reason why I still continue writing 😊

After Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon