Ako si Ruben. Mahilig ako sa bold movie, hindi ako nakakakain kapag hindi ako nakakanood ng bold movie. AS IN!
Kidding aside, pero tinatawag ko lang talaga na bold yung porn, kasi mas funny e.
'Wag niyo na ituloy pagbabasa nito, 'di ako marunong gumawa ng story.
Mag kekwento nalang ako. Game.
Kwento ko nalang sarili ko.
Ano kayang pwede ikwento? Hmm 🤔
Ah, sa buhay ko nalang sa school ko nalang this school year.
Pano ba nagsimula to, wait.
Eto, game na.
Transferee ako, galing ako sa isang private school. Hindi naman sakin big deal kung private o public, pare-parehas lang naman education system sa Pilipinas.
Then, I transferred to a public school.
As always, bago mag enroll, brigada muna, bayad bayad, donate donate, 'yun lang ata pinagkaiba ng private sa public haha.Tas' yun, enrolled na ko, ang haba ng pila! Andaming transferees!
Madami akong nakakasalubong na dati kong kaklase, mga kaibigan, at mga nakilala ko lang sa social media.
Tas yon, I was really expecting na malalagay ako sa 'star' section o sa section 1, kasi mataas general average ko sa past school ko.
Eh madami ako kakilala sa section 1 non haha, nag pa add na ko sa gc nila.
'Rizal' yung section name.Tapos, pinost na yung mga list ng mga students per sections, wala yung pangalan ko sa section 1. Nasa section 7, idk why. Tapos kumausap ako ng ibang SSG officers hahahaha (medj pabibo ako e haha) tapos tinanong ko kung bakit nilagay ako sa section 7, kahit mataas general average ko non, qualified naman talaga sa section 1.
Tapos sabi, random lang daw nilagay yung mga transferees sa section kasi may block section daw. Eh may deal kami ng daddy ko, kapag hindi ako section 1 or 2, babalik ako sa past school ko, which is sa private. So sabi ko, sige okay. Hindi rin naman big deal sakin.So 'yon, hindi ako nalagay sa section 1, so balik tayo sa private. Inayos na ulit yung mga requirements ko, tapos balik sa private.
'yan, enrolled na din ako sa private, ulit. Sa June 13 pa pasukan nun sa private, June 4 naman sa public.
June 4, first day of school ng public school na dapat doon ako mag-aaral, nagulat ako.
Nag chat sakin yung isa kong tropa, sabi,
"Boi, section 1 ka na, bili kana gamit tapos pasok ka na bukas"
Ayon, medyo nagulat ako, tinanong ko kung pano nangyari yon, kasi may nagpakita daw sa adviser namin nung past Report Card ko, tas 'yun nga qualified naman sa 'creame' section. Sabi sainyo e. Haha.
Yun, bumili na ko ng gamit tapos syempre medyo excited na pumasok, namiss ko na rin eh. Tagal ng bakasyon, nag laro lang ako ng LoL buong bakasyon. Nakakasawa na maging malakas.
Kinabukasan na pasok ko, ready ko na gamit ko, tas tutulog na ko para maaga magising.
BINABASA MO ANG
Ruben
FanfictionAko si Ruben. Lagi kong napapanaginipan na ako'y nasa ibang lugar na para bang probinsya at ang nakakagulat pa, babae ako roon. Gusto mo ba malaman ang storya ko? Edi basahin mo 'to.