Chapter 1

7 0 0
                                    


Binuksan ko ang mata ko at nagpalingalinga ako sa hindi pamilyar na lugar

"asaan ako?"

Bigla akong tumayo sa kinauupuan ko.. Para akong lumulutang sa ere parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko ng may nakita ako sa lugar na pinagkatayuan ko. Na halos nanlumo ako sa takot

"bakit ako nandiyan?"



Nakita ko ang sarili ko na naliligo sa sarili kong dugo . Bigla akong napaupo sa kinatatayuan ko..

"Anong nangyayari? Diyos ko!"

"TULONG!!" sigaw ngunit parang walang nakakarinig


Sinubukan kong bumalik sa katawan ko pero hindi ko magawa tila isa lang akong hangin na tumatagos dito..


"anong gagawin ko..? Nangangatal na sabi ko

Hangang may nakita akong papalapit na liwanag sa akin agad akong tumakbo palayo


"Hindi di pwde hindi pa ako pwedeng mamatay!"

Takbo ako ng takbo hangang kaya ko

"ano bang nangyayari hindi ko matandaan, hindi ko alam kung anong nangyari sakin.. Paanong ganoon ang sinapit ko??"


Litong lito ako hangang sa makarating ako sa lugar na maraming tao


"miss tulong, tulungan nyo ako"


Tinakip ko ang babae sa harap ko pero tumagos lang ako sa kanya..

"kuya tulungan mo ako"

Muli sunubukan ko ng sinubukan pero walang nakakakita sakin

"ahuhu please tulungan ninyo ako, ayoko pang mamatay"

Iiyak ako ng iyak pero parang walang nakakarinig

"patay na ba talaga ako? Wala na bang makakasalba at makakatulong saakin"

Umupo ako sa gilid

"Paano kung may makarinig sakin mailigtas pa ako, TULUNGAN NINYO AKO, AYOKO PANG MAMATAY"

Iyak ako ng iyak.. Hangang sa may tumapik sa balikat ko..

" Ayos ka lang ba?"

Bigla akong napatahimik ng marinig ko ang isang boses ng  babae mula sa likuran ko


Paglingon ko ay isang babae ang nasa likod ko Na mukhang hindi nalalayo sa edad ko

"nakikita mo ako?"

"oo naman"

"ibig sabihin buhay ako? Tulungan mo ako please.. Ayoko pang mamatay.. Ang dami dami ko pang gustong gawin sa buhay.. Please-----"



"Hep!" putol nya sa pagsasalita ko

"ha"


"hindi ko Sinabing buhay ka pa.. Naiintindihan kita kasi kaluluwa din ako, and welcome to the other world"


"patay na ako?" nanlambot ako sa nalaman ko.. Ayoko pang mamatay..."

Muli nakita ko ang isang liwanag na paparating sa kinalalagyan ko


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm A Ghost?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon