Ikalawang Yugto: Pagsuyo sa Bukangliwayway

50 8 0
                                    

TOTOO ba ang nakikita ko sa harapan ko? Baka naman dala lang ng pagod ko?

Kinurot ko ang pisngi ko at nasaktan naman ako sa ginawa kong katangahan. Kinusot ko ang mata ko dahil baka antok lang ako. At sa huli'y sinampiga ko ang taong nasa harap ko.

"Aray! Bakit mo naman ginawa 'yon? Hahahaha." Reklamo niya.

"LEANDRO?! IKAW NA BA TALAGA YAN?!" Manghang sigaw ko habang hindi makapaniwala.

"O eh ano pa nga ba? Kumusta na ang asawa ko? Hahaha. Lalo ka atang namamayat? Huwag kasing panay trabaho lang ang atupagin. Alagaan din kasi ang sarili." Sabi niya sa'kin habang ikinukulong ako sa kanyang bisig.

"Asawa ba kamo o naaasiwa ako sa mukha mo. A-argh, n-nasasakal ako." Pagpupumiglas ko sa braso nya.

"Ay sorry sorry hahaha. Natuwa lang ako at hindi ko rin akalaing makita ka rito. Bakit ka ba nandito?" Sabi ni Leandro

"Napadestino ako rito at ilang araw pa lang ako rito. Ikaw ba? Bakit nandito ka? Akala ko ba'y nasa Japan ka para maghanap ng inspirasyon para sa susulatin mong nobela? Tapos bigla-bigla kang susulpot sa harap ko. Akala ko hallucinations ko lang eh." Sabi ko naman sa kanya.

"Bakit parang ayaw mong makita ang asawa mo? Sa Japan nga ang punta ko at itong barko ang sinasakyan ko papuntang Japan. Nasan ba utak mo? Naiwan mo ata sa opisina. Hahaha." Natatawang paliwanag nya.

"Tigil-tigilan mo nga ako sa asa-asawang pagtawag mo. At akala ko kasi nasa Japan ka na noong isang buwan pa. Malay ko bang nahuli ka ng sakay ng barko. At panghuli, hindi opisina yun. Operating room, okay?" Sarkastikong sambit ko sa kanya.

"O sya, sya, magpapahinga na ako. Naubos ang lakas ko ngayong araw. Ang daming nangyari at dumagdag ka pa." Dagdag ko.

"Nahiya naman ako Mahal na Reyna. Sige. Samahan na kita sa kwarto mo." Sabi ni Leandro.

"O sige mauna ka na." Sabi ko naman.

"Saan ba kwarto mo?" Nagtataka na sya.

"Sasamahan mo 'ko tas hindi mo naman pala alam kwarto ko." Irap ko sa kanya.

"Taray mo talaga. Sasamahan ka na nga." Sabi naman nya.

Tumigil na ako't naglakad na lang kami pareho.

"O sya, dito na ako. Salamat sa paghatid mo kuno." Pagtataboy ko sa kanya.

"Dyan ka na? Sayang hindi na kita makakasama." Angal nya habang kinakamot ang batok.

"May bukas pa, okay? Wag OA na kala mo mamamatay na ako. Alis na." Sabi ko

"Sige na nga. Good night asawa ko!" Pang-aasar nya sa'kin.

Pumasok na ako at humilata na sa kama ko. Nakalimutan kong sandali si Alfonso dahil sa rami ng nangyari ngayong araw. Bumaling ako ng higa at nakita ko si Maria na nakatulog na habang nasa mukha nya ang binabasa nyang libro. Tumayo ako at inayos ang libro nya. Kinumutan ko na rin sya at isinara ang bibig nyang malapit nang tumulo ang laway. Grabe pa maghilik.

Nagbihis na ako ng pantulog at humiga sa kama. Hindi pa rin maalis sa isipan ko si Alfonso.

'Walang hiyang 'yun. Hindi pa ata ako patutulugin.'

'Bakit ba napakagaling mang-asar ng tadhana? At talagang sa lahat ng shipping company, dito pa siya nakipagkontrata. Eh ano naman bang pakialam ko? Matapos niya akong paasahin ng dalawang beses at iwan na lang sa kawalan, nakuha niya pang ngumiti at magpakita sa harap ko? Eh bakit ba ako apektado? Nimfa umayos ka nga, ilang taon na yun! 15 years na! Move on and grow up! Tulungan mo ang sarili mong makawala at makalampas sa nangyari.'

Time Waits For No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon