Pagkatapos ng klase ay kaagad akong nagligpit ng mga gamit at dumeretso na pauwi.
Hindi ko makakasabay si Maia kasi sinundo sya ng driver nila kasi daw may family dinner sila.
Kaya ito, mag-isa akong maglakad ng hallway. Mangilan-ilan nalang din ang mga studyante kasi hapon na.
"Hi Sam baby.." si Kelvin na ngayo'y kasama sila Rain, Tyrone at Brian.
"Anong baby pinagsasabi mo Chua?"iritadong saad ni Rain.
"Hi,Kelvs!" bati ko kay Kelvin. Ngumiti naman sya sa akin.
"Bakit, Rain masama bang tawaging baby si Sam?" Brian.
"Oo, kasi ako ang boyfriend, hindi kayo!" wika pa ni Rain sabay akbay sa akin.
"Possessive!" si Tyrone. Humagalpak naman ng tawa si Kelvin at Brian habang si Rain ay asar na asar.
"Shut up monkeys!" asar na wika ni Rain. Tawa nman ng tawa ang tatlo.
Napailing nalang ako at dahan-dahang tinanggal ang mga kamay ni Rain sa aking balikat.
"Uuwi na ako.."
"Hatid na kita.."
"Nah, don't bother!"
"I insist!" kulit nya sa akin pero umiling ako.
"Naku, Sam magpahatid ka na riyan, baka kami na naman ang pag-iinitan nyan kapag di ka magpahatid. Maawa ka sa amin!" saad ni Tyrone.
"Kaya ko naman kasi tala-----" di ko na matapos ang sasabihin ko nang bigla akong hilahin ni Rain papuntang parking.
"Ba't ka ba nanghihila ha Rakiel?" inis kong tinanggal ang kamay ko na hawak nya.
"Eh, dami mo pa kasing arte eh, sinabi ng ihahatid kita!" He hissed at inis na pinasakay ako sa kotse nya.
"Di mo naman kasi ako kailangang ihatid.."
"Mag-aaway pa ba tayo Sam?" aniya.
Di ako kumibo.
"I just want to drive you home, safely!" aniya. Tinignan ko sya pero umiwas sya ng tingin sa akin.
"Bakit? Anong pakialam mo sa safety ko?"
"You're my girlfriend, siyempre!"
"Fake girlfriend kamo.." saad ko. He sighed hard.
Wala na kaming kibuan hanggang sa makarating kami ng boarding house.
"Salamat sa paghatid." wika ko at mabilis na bumaba ng sasakyan. Kaagad din syang bumaba at sumabay sa paglakad sa akin.
Pero, hindi pa man kami makapasok sa boarding house ay may narinig na akong sigaw ng isang babae.
"Hoy! Samantha, kailan ka magbabayad ng upa mo ha?" Si Aling Linda ang landlady ko.
"Eh, hindi pa kasi ako nasahuran Aling Linda next week pa sahod ko eh."
"Aba'y wala akong pakialam ineng! Tatlong buwan ka ng hindi nagbabayad ng upa!"
"Eh, sa wala pa po talaga Aling Linda eh." hilaw kong ngiti sa kanya.
"Eh, kung gayon ineng, magbalot ka na ng mga gamit mo, at hindi ko kailangan ng kagaya mo sa paupahan ko!" aniya at kaagad pumasok sa loob ng boarding house at pinantatapon ang mga gamit ko.
"Magkano po ang babayaran ni Samantha, manang?" narinig kong tanong ni Rain na ngayo'y nasa likod ko. Pinandidilatan ko sya ng mga mata pero tiningnan nya lang ako.
"Twelve thousand six hundred! Tatlong buwan! Sa tingin mo kaya nya pang bayaran yan Mister?"
Nakita kong kumuha sya ng mga lilibuhin sa wallet nya at ibinigay kay Aling Linda.
"Hoy! Anong ginagawa mo?" sita ko pero tiningnan nya lang ako.
"Bayad na po si Samantha, manang.. bigyan nyo lang po sya ng tatlong araw para makalipat.." aniya na ngayo'y nakatitig lang kay Aling Linda.
"Naku, hindi nya na kailangan lumipat Mister.. salamat dito." aniya at mabilis na lumabas.
Lilipat? Sa tingin nya saan ako lilipat eh, ito na nga lang ang pinakamurang paupahan ngayon.
"Anong ginagawa mo Samonte?" pinanlalakihan ko sya ng mga mata.
Pero imbes na sumagot ay kaagad nya akong niyakap. I gulped. Nanlalaki lalo ang mga mata ko sa ginagawa nya.
My hurt thumped hard. Omaygad!
"You shouldn't be treated like that! Ba't ka pumayag na sigaw-sigawan ka?" aniya habang yakap parin ako.
Mapait akong ngumiti.
"Kasalanan ko naman talaga kaya nasigawan ako ni Aling Linda."
"Kahit na! Hindi ka nya dapat ginaganyan!" inis nyang saad at bumitiw ng yakap sa akin. He look at me ang sighed.
Kaagad akong umiwas ng tingin kasi iba ang kaba na nararamdaman ko ngayon.
"Lilipat ka three days from now." aniya.
Nanlaki ang mata ko sa gulat.
"Lilipat? Eh, dito nga halos hindi na ako makabayad ng upa eh, tapos papalipatin mo pa ako?" I hissed.
"Don't worry ako bahala. Hindi mo na kailangang problemahin ang upa dun.."
"Tss! Alam ba ng mga magulang mo na nagwawaldas ka ng pera Samonte?"
"Mas gusto ko pang Rakiel itawag mo sa akin eh kesa sa bantot na apelyido ko na yan." Change topic nya.
I tsk-ed, habang yung mukha naman ni Rain ay di maipinta.
"Salamat pala ha.." kapagkuwa'y saad ko sa kanya.
"Kung nagpapasalamat ka talaga, kiss mo ko sa cheeks!" aniya na ngayo'y nakangiting aso na naman.
"Ano?!" gulat kong saad na pinandidilatan sya ng mata.
Itinuro nya ang pisngi nya sabay nguso.
"Ayaw mo? So, tama talaga ang hinala ko na inosente ka pa!"
"Feeling mo!" I hissed.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at ikiss na sana sya sa cheeks nang bigla syang lumingon, kaya yung kiss ko na dapat sana tumama sa pisngi nya ay tumama sa malambot nyang mga labi.
Parehas na nanlaki ang mga mata namin. Omaygad, yung first kiss ko!
Tumikhim ako at kaagad na lumayo sa kanya. Hindi sya kumibo as he cleared his throat too.
A-W-K-W-A-R-D.
"Sweet..and I'm not sorry kasi ikaw naman humalik sa akin eh.." aniya at dinama pa ng daliri nya ang labi nya. Kaya yung pisngi ko para ng kamatis sa pula.
"Ba't ka ba kasi lumingon!" ani ko na nakasimangot na nakatungo.
He groaned and laughed. Di parin ako tumingin sa kanya kasi nahihiya ako.
He now cupped my face and stared at me. Naging abnormal na ang tibok ng puso ko. Pilit kong iniwas ang paningin ko. Pero unti-unting ibinaba ang mukha nya sa mukha ko.
He suddenly kissed me on my lips. Kaya domoble ang kaba ng puso ko at unti-unting ipinikit ang mata habang dinadama ang labi nya sa mga labi ko.
Parehas kaming natulala nung maghiwalay ang mga labi namin.
"Still, am not sorry.."aniya na nakangiti.
Lord! Kunin mo na ako!
Feeling ko, sasabog na yung mukha ko sa sobrang init ng pakiramdam ko.
Yung first kiss ko.... Yung first kiss ko... Aissshhhh!
BINABASA MO ANG
Hundred Days With You (COMPLETED)
RomanceSamantha was being paid to act as a fake girlfriend of Rain Rakiel Samonte sa loob ng tatlong buwan mahigit. Samantha has no other choice but to accept the offer of Samonte. Pero, hindi pa umabot ang hundred days ay hulog na sila sa isa't-isa. And j...