Bakit ba kasi nagmamahal tayo ng taong hindi naman pala tlaga para satin?
Yung tipong mamahalin mo siya ng sobra pero sa huli iiwan ka din niya. At ang masaklap dun, iiwan ka niya sa oras na hindi mo siya kayang mawala sa buhay mo.
Kung gaano sya kabilis dumating sa buhay mo, ganun din sya kabilis nawala.
Kung gaano mo siya katindi minahal, ganun ka din niya katinding sinaktan.
May mga pagkakataon din namang nagmamahal tayo ng taong simula't sapul, alam nating hindi kailanman mapapasaatin.
Yung tipong nagmamahal ka kahit alam mong kahit kailan hindi niya to masusuklian. Pero there will always be a part of you na nagsasabing, "Malay mo nman dba? Someday .. Somehow .. Baka matutunan niya din akong mahalin."
Kahit nagmumuka ka ng tanga, ayos lang. Wala eh, nagmamahal ka lang naman dba?
At ang masakit na parte dun ay yung kapag may mahal na yung taong mahal mo.
Yung tipong ang masasabi mo na lang sa sarili mo, " Sana ako na lang siya."
Na kahit alam mong may mahal na siyang iba, patuloy ka pa ding nagmamahal sa kanya. At kung pwede lang diktahan ang puso at sabihing "Tama na, masyado ka ng nasasaktan", matagal mo ng ginawa.
Bakit ba kasi nangyayari ang mga gantong bagay?
Simple lang ..
Dahil ang pag-ibig madalas, HINDI PATAS.
Yung tipong pagkatapos mong magsacrifice ng mga bagay-bagay para sa knya, iiwan ka na lang niya ng ganun ganun na lang. Pagkatapos mo siyang ipaglaban, iiwan ka na lang niya ng walang kalaban-laban. Pagkatapos mong ibigay lahat-lahat, iiwan ka niya ng walang wala. Pagkatapos mong magpakatanga, iiwan ka niyang nakanganga. Pagkatapos mong ibigay ng buong buo yung puso mo, ibabalik niya to ng durog na durog.
Pero sabi nga nila, pag nagmahal ka, dapat handa ka ding masaktan. Dahil ang sakit ay constant sa mundo ng pag ibig. Kapag hindi ka nakakaramdam ng sakit, ibig sabihin hindi ka nagmamahal.
A/N: Hello readers! This is my very first time na sumulat ng story. So pagpasensyahan nyo muna ha? Haha! Kung may comment or whatsoever kayong gusto sabihin, just simply leave a message :) At sa lahat ng nakakarelate dyan, Hello sa inyooo! Hahaha! Osya, smulan na ntin! :)
BINABASA MO ANG
Thank You for the Broken Heart
RomanceKung nasaktan o nasasaktan ka man ngayon dahil sa isang taong minahal at minamahal mo, wag kang magalala. Dahil dadating din ung time na magpapasalamat ka sa kanya dahil he/she once broke your heart. Come to think of this, kung sumaya ka sa maling t...