Hindi ba masarap ang mainlove? Masarap umibig lalo kapag first time. Ika nga nila "tamis ng unang pagibig".
Ang mga ngiti na sa kaniya mo lang nakukuha. Pagkabog ng dibdib mo tuwing kausap mo siya.
Makita mo lang siya ay masaya ka na o kaya naman ay parang may kulang sa araw mo kapag hindi mo siya nakikita.
Ang saya diba? Ang sarap sa pakiramdam ng umiibig lalo kapag una. Ibang iba. Walang katulad.
Natigil ako sa pagiisip ng biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi na ako nagabala pang buksan ang message ng kaibigan ko dahil alam ko naman kung ano yun. Napangiti ako ng bahagya at binalikan sa ala ala ang kwento ng aking unang pagibig.
Flashback
"Claudette bilisan mo. Hindi na natin maaabutan yung book signing!" aligagang sabi ko sa aking kaibigan.
Ngayon ang book signing ng sikat na author na sumulat ng librong kinababaliwan namin ngayon.
Alas cinco ang umpisa ng event at alas kwatro y medya na ngayon.
Hindi na kami nagabala pang mag palit ng damit dahil sa kaunting oras na lang ang meron kami.
Agad kaming pumara ng jeep upang makasakay na agad.
Ilang minuto pa lang ang itinatakbo ng jeep na sinakyan namin ay bigla itong huminto na parang ito ay nasiraan. Kapag minamalas ka nga naman oh!
"Naku pasensya na po. Nasiraan po tayo. Ibabalik ko na lamang ang mga ibinayad niyo at sumakay na lang sa ibang jeep" sabi ng driver habang unti unting ibinabalik ang mga ibinayad namin.
Wala na kaming ibang choice kundi ang bumaba na lang sa jeep.
Naghintay kami ng mga jeep na daraan ngunit parang nananadya ang pagkakataon dahil walang jeep na dumaraan at kung meron man ay puno.