Alam mo yung desperado ka ng magka girlfriend pero wala namang pumapatol sayo? Di sa pangit ako no, ang gwapo ko raw eh sabi ni Mama. Kaiyak to, push ko to! May niligawan ako noon, yung kaibigan ko, pero nalaman ko nalang na sila na nung kabarkada ko. Ilang beses na akong nasaktan, naging tanga, one-sided love.
Pero never pa rin akong nagka girlfriend. Siguro, wala talagang nakatadhana sakin, baka tatanda akong walang asawa. Nakuuuu! Wag naman, ipapakalat ko pa naman tung ka pogian ko.
Ay teka! Di pa ako nagpakilala eh. Ako pala si Mark Cruz. I'm 18 years old. NGSB. For more info just add me on facebook and follow me on Insta or Twitter. Dejoke lang! Eto na nga mag seseryoso na. Ako nga ulit si Mark. Gwapo ako, gwapo ako tsaka gwapo ako. Teka sinabi ko na bang pogi ako? Oo, pogi ako. :p
Kasulukuyan akong naka tambay dito sa Park sa aming subdivision. Park nga ito pero mangilan lang yung pumapasyal. Like sa isang araw, tig limang tao lang. Seryoso? Kaya dito ako laging nakatambay kasi masarap yung hangin. di maingay, tsaka pwede kang mag drama dito dahil walang masyadong tao. XD
Sa panahon ngayon, bihira nalang yung relasyong seryoso. Yung totoong pagmamahalan talaga? Pero ngayon, babe pa tawagan nyo, bukas makalawa who you na. Tsk! -_- Oo, bitter ako sa mga ganyan, buti nga sila may ka relasyon eh, di pa tinreasure. Eh ako dito. NGANGA! :'( <Iyakan nyo ko pls?>
Hayyy nakuuu. Mahal kong Panginoon, ako'y desperado na pong magka syota. Kelan pa po ba darating yung sakin? Huhu! Na traffic Ho ba? Pero, mag hihintay pa rin ako. Kahit anong mangyari, naniniwala akong may para sakin.
Lahat nalang ng mga kaibigan ko may mga girlfriend na. Marami namang naghahabol sakin pero di ko sila gusto, masyadong mga malalandi. Tsk! Gusto ko ako yung gagawa nung moves, eh sa mga ginagawa nila X na sakin yung. Mga higad eh. Kadiri! -_-
Eto lang naman ako lage eh. Nakasandal sa malaking puno na tinawag kong Patrick.
"Hi Patrick! Kaway ka sa kanila. :)"
Para akong tanga dito, kausap yung puno. Hay, ano ba naman kasi FOREVER ALONE yung Lolo nyo. Pag bigyan nyo na. :'(
"Patrick? May bad news ako... Wala parin akong girlfriend. Tayo nalang kaya?" Siguro kung nag sasalita lang 'tong si Patrick, matagal na akong napatay nito. Hahahaha. Tingin lang ako ng tingin sa paligid ko ng may nahagilap ako. Isang babae na nag lalaro ng bubbles na binili nya pa kay manong Efren na nag titinda ng mga laruan, candies at balloons dito sa park. Tinitigan ko lang ang babae. Sobrang saya nya, magkatapos nya hipan yung bubbles nya pinuputok nya naman ito. Para syang timang na immature kung tutuusin, pero hindi eh, ang cute nya. Ang ganda ng smile nya. Di ko na pinatagal at nilapitan sya.
"Hi miss" nagpapacute pa ako niyan pucha para akong asong ulol. Bahala na..
Tiningnan nya lang ako ng parang wala lang, as in poker face lang. Yung mukha nyang kanina ay masaya, napalitan naman agad yun ng isang napakalaking poker.
"H-hey chill chill. Sige mag laro ka nalang diyan. Ang cute mo pa naman pag naka smile" Tumingin ako sa taas at tumingin ako sa kanya ng naka smile. Pero yung tingin nya galit na galit at....sinuntok ba naman daw ako!? Putek! Babae ba yun?! Lakas maka suntok ah.
"Putang---" Mag mumura na sana ako ng nag salita siya.
"Sige ituloy mo, susuntukin talaga kita!" Kaya di ko na tinuloy. Katakot naman ng babaeng 'to. Pero nag tataka lang ako, hindi naman kasi ako nagpapatalo pero ba't di ko pinatulan 'tong bubwit na 'to?
BINABASA MO ANG
Walang Forever
Teen FictionWalang forever. Di tayo forever alone. Akala ko wala talagang babaeng ibibigay sa akin, pero isang araw, dumating rin yung babaeng pinakahinihintay ko. Yung bubuo sa araw ko makita lang siya, yung mamahalin ako at iintindihin ako kahit di ako perpek...