Chapter 5

6.2K 61 1
                                    

Nag-start ang Orientation namin ng 10am at natapos kami ng 4pm.

Naka-uwi na ako nang biglang tumawag si Mommy.

"Anak mag online ka, mag video call tayo." sabi nito mula sa telepono.
Maghapon kasi akong offline dahil busy sa shop kanina.

"Sige 'my, wait lang." sagot ko saka ibinaba ang telepono.

In-open ko ang laptop ko at doon nalang ako nag online. At ako na din ang tumawag kay Mommy.

"Mommy, ano bang sasabihin mo at kailangan pa mag video call?", tanong ko dito.

"Anak, mukhang pagod ka ah." Halata nga siguro, kasi napansin ni mommy ang paghikab ko.

6pm palang kasi at kakauwi ko lang ng bahay, hindi pa ako nakakapag shower, magpapahinga lang ako saglit saka mgsho shower.

"Medyo lang naman 'my, nagrecruite kasi ako ng bagong mga empleyado sa shop, para kahit 24hours nang open yung shop. Nagdagdag na din ako ng mga products ko." kwento ko kay mommy.

"Naku anak, proud na proud kami ng Daddy mo sayo! Haaayy.. napaka Independent mo talaga anak, napalago mo na ng napalago yang negosyo mo, samantalang maliit pa yan nuong binili namin yang pwestong yan ni Daady mo." natutuwang sabi ni Mommy.

"Saan pa ba ako magmamana Mommy? Kundi sa inyo ring dalawa ni Daddy, kung hindi ba naman negosyante ang mga magulang ko." nakangiting saad ko.

"Nakuha mo pang magbiro oo.
Oh heto na nga, kaya nakipag video call ako sayo..." Pag iiba niya. "Daddy! Halika na! Naka open na si Eunice!" tawag ni Mommy kay Daddy.

Napangiti na naman ako nang makita si Daddy at inakbayan si Mommy.
"Anak, naisipan muna naming mag-bakasyon ni Daddy mo for 2 weeks, tutal eh bakasyon din naman sa school nung mga kapatid mo, eh napag-desisyunan namin na, jan muna kami sayo mag babakasyon." Hindi ako makapaniwala sa mga narinig kong sinabi ni Daddy! Finally, ako naman ang pupuntahan nila dito..

"Talaga 'dy? Ayiieeee!!! Hindi nyo alam kung gaano niyo ako napasaya ngayon, nawala bigla ang pagod ko!" hindi ko alam pero bigla nalang akong naluha, tears of joy ba to? hmmm... tears of joy nga siguro talaga. "So, daddy, kelan kayo aakyat ng baguio niyan?" tanong ko saka pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

"Bukas na anak!" sabi ni Daddy. "Anak naman! Naluluha na din ako sayo eh, wag kang umiyak jan!" si Mommy.. haaayyy...

"Mis na mis ko na kayo jan..." sabi ko saka na naman tumulo ang mga luha ko.

"Mis na mis kana din namin anak, yung mga kapatid mo, tanong ng tanong kung ano daw ba ang hilig mo at papasalubungan ka daw, namimis kana din ng mga yon. Mahal na mahal ka namin anak." Sabi ni Daddy.

Pagkasabi niyon ay narinig kong nagsalita sina Justin at Marco, ang kambal kong kapatid, "Daddy!! Bakit mo sinabi! Sabing wag mo sabihin, hay naku, si Daddy talaga." natawa nalang ako, "Oo nga 'Dy! hindi na surprise na matatawag yon." sabi naman ng isa.. nakakamiss talaga sila. ang maingay kong pamilya, hahaha.

Natatawa nalang din si Daddy sa mga sinabi ng kambal.

Pagkatapos ng usapan ay nagpaalam na muna ako sa kanila para mag-shower at nang makapagpahinga muna.

Hihiga na sana ako nang kumatok sa pinto si Manang Josie.

"Yes manang Josie?" tanong ko nang hindi pa binubuksan ang pinto, "Bukas yan, pabukas nalang manang." sabi ko nalang rito.

"Kumain kana ba Ma'am Eunice? Nakapagluto na ako duon ng hapunan." tanong nito. Oo nga pala, sa sobrang pagod ko ay nakalimutan ko na ding hindi pa pala ako kumakain.

Love and Lust Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon