Chapter 6

46 20 0
                                    

Elijah

"Gusto mo lang ng kiss ko, kaya ka nagagalit, eh." pang-aasar niya pa sa'kin kaya dahil sa inis ko'y tumayo ako para bumagsak ang ulo niya sa sofa.

Ganti lang 'yan! Buti nga sa'yo!

Agad naman siyang umupo at hindi pinansin ang ginawa ko.

Pinakyuhan ko siya at akmang aalis pero nagulat ako ng hilahin niya ako dahilan para matumba ako sa sofa't mapahiga.

Sobrang lapit na ng kaniyang mukha sa mukha ko. Rinig at ramdam ko na rin ang bawat paghinga niya. Bakit ganoon? Pakiramdam ko ay wala akong lakas para itulak siya palayo.

Nakatitig lang kami sa isa't isa ng ilang mga segundo bago niya dahan-dahang ilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Napapikit ako ng maramdaman kong dumampi ang kaniyang labi sa labi ko.

Bakit, Adi?

Napabalikwas ako sa kama dahil sa napanaginipan ko. Hinawakan ko ang ulo ko dahil medyo masakit ito. Siguro dahil sa hangover. Dumiretso ako sa rest room at naghilamos ng aking mukha. Hinawakan ko rin ang aking labi habang tulala kong tinititigan ang aking sarili sa salamin.

Panaginip lang pala lahat... mabuti na lang.

Wala ako sa sariling bumalik sa aking kama. Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa table na nasa tabi ng kama ko. Dumiretso ako sa messages para tingnan kung nag-reply ba sa'kin si Theo. Napangiti ako ng makita ang reply niya.

thetheo: Good night, Eli. Take care. :)

Umikot-ikot ako sa kama dahil sa sobrang kilig. Ang simple pa ng message niya na 'yan pero ang lakas na ng epekto sa'kin. Paano pa kaya kapag ang sweet niya na?

Chinarge ko ang cellphone ko't dumiretso sa banyo para maligo. Hindi kasi ako nakapaghilamos kagabi kaya gusto ko ng maglinis ng katawan ko.

Pagkatapos kong mag-asikaso ng aking sarili ay agad na akong bumaba upang magbreakfast. Nagtimpla lang ako ng kape at kumain ng tinapay. Hindi kasi talaga ako masyadong kumakain ng breakfast at dinner.

Sa sala na ako tumambay matapos kong kumain. Gusto kong panoorin 'yong movie na Encanto, balita ko kasi ay maganda. Agad ko itong sinimulan sa tv pero sa kalagitnaan ng pagkanta nila ng we don't talk about Bruno ay may tumakip ng dalawang mata ko.

Tsk, alam na alam ko na kung sino ang mahilig manakip ng mata.

"Bitawan mo nga ako, Adi." inis kong sabi. Inalis niya naman ito agad kaya tiningnan ko siya ng masama.

Umupo siya sa tabi ko't nakanguso habang nakatitig sa'kin "Ang sungit mo naman, ang aga-aga."

Hindi ko siya pinansin at tinuon ko ang atensiyon ko sa aking pinapanood.

Bigla siyang nagsalita "Ganito kasi nangyari diyan-------"

Dali-dali kong tinakpan ang bibig niya dahil alam ko na kung anong kagaguhan ang gagawin niya.

Kahit kailan talaga!

"Manahimik ka nga Adrian!" Singhal ko habang tinatakpan ang bibig niya gamit ang kanang kamay ko. Bahagya pa siyang tumawa bago tumango pero dahil wala akong tiwala sa kaniya ay hindi ko inalis ang kamay ko pero nagulat ako ng bigla niya itong dilaan dahilan para alisin ko.

Our Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon