Tadhana
Lucky Charles Historia"Hindi kita sinusundan, tadhana ang siyang dahilan ng lahat. Kaya naman hindi ko masasabi kung kailan kita lulubayan."
Unang-una, gusto kong pasalamatan ang Panginoon, sapagka't ipinagkaloob Niya sa akin ang ganitong uri ng talento.
Nais ko ring pasalamatan ang pamilya ko na very supportive. Kay Mama, Papa, Nanay at sa buo kong angkan. Haha!
Sa mga naging ka-pamilya ko na sa Dummy World, thank you sa suporta.
Special mention kay Ate Cy na todo-suporta, gano'n din sa 'Puth Familia'. Siyempre, nagpapasalamat din ako sa mga tunay kong kaibigan, sa Tropang Breezy: Grace, Mavi, Jhen, Celyn, at Mariel. Salamat sa pagpaparamdam sa akin na isa akong tao, (L.M.A.O).
Salamat din sa mga idol at kaibigan kong ang lulupit magbigay ng tips, kila Kuya Imma, Ate Maine, kay Queen, Fafa, sa mga anak ko at sa buong Scriptors (batch 1 at batch 2), salamat sa taos-pusong critiques!
And lastly, nagpapasalamat ako sa mga taong naging inspirasyon ko, lalong-lalo na sa crush ko.
-Lucky Charles Historia
"Kuya, talaga bang wala nang ibababa ang presyo nito? Sige na naman, kahit babaan mo lang ng bente pesos." Pagmamakaawa ko sa isang tindero.
Ngayo'y narito ako sa Divisoria upang makapamili ng mga pagkaing ihahain namin sa aming hapag-kainan sa eksaktong araw at oras ng kapaskuhan. Isinabay ko na rin ang pagbili ng mga dekorasyon sa pagbabaka-sakaling makamura ako rito.
"Kuya, last price na talaga 'yon. Kung gusto mo naman, sa iba ka na lang bumili." Sagot naman ng tindero.
"O siya, sige na nga kukuhanin ko na ito." Iniabot ko sa kaniya ang aking bayad para sa Christmas balls na 'to.
Iba't iba ang kulay nito at bawat isa ay may iba't ibang letra sa loob, kaya naman tila nagayuma ako nito. Kakaiba kasi ito sa aking paningin.
Habang naglalakad ako'y hindi ko mapigilan ang aking utak na kulitin ang katawan kong dukutin mula sa plastik ang binili kong Christmas balls.
"Titingnan mo lang naman, 'di ba?" Anang kanang bahagi ng aking utak.
"Oo nga. Sisilipin mo lang." Anang kabilang bahagi pa ng aking utak.
Madalian kong dinukot mula sa plastik ang aking binili. Talagang maganda nga ito.
Maya-maya'y hindi ko na namamalayan na unti-unti ko na pa lang binubukas ang balot nito.
"Green, letter L. Red, letter O. Violet, letter V. Blue, letter-OMG!" Huli na para masalo ko pa ang nalaglag na bola. Gumulong ito patungo sa kung saan. At dahil nga nasa Divisoria ako, maraming tao at siksikan. Patuloy kong sinusundan ang patuloy ring sinisipa na bola. Hanggang sa bigla itong mawala sa aking paningin.
"Saan na napunta 'yon?" Sabi ko.
"Miss, sa inyo po ba ito?" Mula sa aking likuran ay narinig ko ang isang tinig. "Letter E?" Dugtong pa niya.
"Levi?!" Gulat kong untag. Muling bumalik ang nakaraan sa aking diwa...
"Will you be my girlfriend?" Ang tanong sa akin ni Levi. Bitbit-bitbit niya ang isang box ng chocolates at isang kumpol ng bulaklak. Sa likod naman niya'y kumakanta ang tatlong lalaki. Kinikilig ako, aaminin ko, pero ewan ko ba sa sarili ko kung ano'ng naisip ko at ni-reject siya.
"Sorry Levi, p-pero ayaw ko." Matapos no'n ay nagmamadali akong tumakbo papunta sa kung saan.
"Jessy? Whoa! Grabe, hindi ko akalain na magkikita tayo rito. Long time no see, ha? Kumusta ka na? Ano'ng ginagawa mo rito? Grabe, ang laki na ng pinagbago mo... lalo kang gumanda, may sikreto ka 'no?" Magkakasunod niyang tanong.
YOU ARE READING
Jahric Lago Presents: Dreamlovers (Published under TBC Publications)
RomanceHighest Wattpad Rankings! 🏅🏆 #37 in Anthology (04-25-20) #196 in Short Story Collection (04-27-20) 10 stories. 10 authors. 10 dreamlovers. Ang librong ito ang magpapatunay na may forever basta maniwala ka lang. Sabi ko nga, to believe is to see. K...