Chapter XII - Larawan

37 2 0
                                    

Author: Thank you for MizzyFantasia for making a wonderful cover for this book. Might want to check her account for more great wattpad stories.

•°•°•°•

Clark's POV

Alam na ba niya?

Tanong ko sa isip ko habang hinihintay ang sasabihin ni Zero. Ngunit napatigil siya ng makita ang larawan ni Dr. Cale na kasama ang kanyang kasintahan sa board ko.

"Sino sila?"

Tanong niya habang halatang-halata ang pagkalito sa kanyang mga nakikita.

"Yan si Dr. Cale at ang kanyang kasintahan."

Sagot ko dito at kinuha niya ang picture na nakadikit sa board ko.

" Anong pangalan ng kasintahan niya?"

Tanong ni Zero sa akin.

Bakit ba gusto niyang malaman kung sino ang babaeng yan?

"Hindi ko alam eh, yan lang kasi ang naiwan na larawan ni Dr. Cale bago siya namatay. "

Sagot ko dito at hindi maalis sa larawan ang mata ni Zero.

"Ano nga palang sasabihin mo?"

Napatingin siya sa akin ng tanungin ko siya.

" Well kasi kilala mo naman ang Fallen 7 ng Power 10 diba? "

Tanong niya sa akin.

" Oo, pero paano mo nalaman ang tungkol sa kanila, kilala mo na sila?"

Seryoso kong tanong sa kanya na medyo ikinakaba niya.

"Kasi alam ko na ang lahat simula kay Dr. Cale, sa propesiya at tungkol sa abilidad ko."

Sabi niya na ikinabigla ko.

" Ibig-sabihin ang Fallen 7 ang nagsabi sayo ng tungkol sa lahat ng iyan?"

Tanong ko at nag-isip pa muna siya bago sumagot.

" Oo."

Tipid niyang sagot.

"Huwag kang mag-alala simula pa lang sa una ay alam ko na rin na bumuo sila ng grupo pagkatapos nilang mapatalsik sa Power 20."

Sabi ko dito dahil mukhang wala siyang tiwala sa akin at baka ipahamak ko pa ang Fallen 7.

"Pero Clark-"

Pinutol ko na agad ang sasabihin niya.

"Huwag kang mag-alala Zero, mapagkakatiwalaan mo ako. Pero wag kang magkakamaling sabihin ang lahat ng nalalaman mo sa iba pang mga nandito sa dorm."

Sabi ko sa kanya.

" Oo alam ko."

Tipid niyang sagot at hindi ko ba malaman kung bakit patuloy pa rin niyang tinitingnan ang larawan ni Dr. Cale at ng kasintahan nito.

"Zero kilala mo ba ang babaeng yan?"

Tanong ko sa kanya dahil kanina pa niya ito pinagmamasdan.

"Kamukha siya ng nanay ko. Hindi lang kamukha, kundi kamukhang-kamukha. Hindi ko nakita si mama sa personal dahil namatay siya pagkatapos niyang ipinanganak ako pero ganitong-ganito ang mukha niya sa larawan nila ng kaibigan niya."

Rise Of The Fallen [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon