[Adara]
I looked deeply into his eyes. Ito ang unang beses na may taong nagsabi sa 'kin na gusto akong protektahan. Ganito pala ang pakiramdam. Noon, tanging si Eli lang ang nag-iisang taong masasandalan ko maliban kay papa. Siya ang lagi kong hantungan tuwing nasasaktan ako. Ngunit nang kinailangan niyang mamili sa pagitan ko at ng kanyang pamilya, masakit pala na hindi niya ako nakayang protektahan kahit sa salita lang. At kahit ngayon na gusto niyang makipagbalikan, wala na 'yong kapanatagan sa puso ko. Masasaktan at masasaktan lang ulit ako sahil kailanman, hindi niya ako maipagtatanggol laban sa sarili niyang pamilya.
Pero bakit ganito si Christian? We barely knew each other pero handa niya 'kong protektahan. He could just let me die if he'd want to—dahil sino ba 'ko? Isang estudyanteng pakialemera lang na walang ibang ginawa kundi ang magdala ng gulo sa kanya.
Bakit, Christian? Bakit sa mga simpleng salita mong iyon, naramdaman kong ligtas ako?
"Salamat, Christian." Baka kung hindi ko siya kasama ngayon ay nabura na 'ko ni Don Franco sa mundong 'to. Palaki nang palaki ang utang na loob ko sa kanya. At hindi ko alam kung sa paanong paraan ako makakabawi.
"Just be safe, Adara. That's all I would ask you." Napatingin ako sa kanya. Nababasa niya ba ang nasa utak ko? Gano'n ba 'ko kadaling basahin?
I half smiled. "I will."
Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Sinigurado muna niyang nakapasok ako sa bahay nsng ligtas bago siya umalis. Pinanood ko ang papaalis niyang sasakyan mula sa bintana.
Be safe as well, Christian.
***
Kinabukasan, wala kaming schedule ni Pierre, pero nagulat ako nang makita ko siyang nasa labas na ng apartment paglabas ko. He didn't tell me he'd be here. Hindi rin siya bumusina para madaliin ako. Pero inalalayan pa rin niya ako papasok at palabas ng sasakyan. He just won't speak. Mula biyahe hanggang makarating kami sa tapat ng building ay hindi niya 'ko kinakausap. Pagkababa niya sa 'kin ay bumalik din siya agad sa sasakyan at umalis na.
"Pumunta lang ba siya para ihatid ako?" mahinang tanong ko sa sarili ko.
[Did Pierre send you to work?]
"Ay kabayo ka!" Napapikit ako at napahawak sa tapat ng dibdib ko. Kailan ba 'ko masasanay na may bigla-bigla na lang nagsasalita sa tainga ko. "O-Oo."
Pagdating ko sa opisina, pinaupo ako ni Ms. Dette sa isang mahabang lamesa ng aming departamento. Nasa labas lang ito ng kanyang opisina. Ibinaba niya sa harapan ko iyong mga folder na hawak niya.
"Since you're like this..." Tiningnan niya iyong paa kong naka-cast. "You can't do any fieldworks within your healing period. Para hindi masayang ang oras mo, you can do office works. This is a big consideration, Adara. Hindi lahat nabibigyan ng ganyang option."
"Maraming salamat po talaga, Ms. Dette," nahihiya kong sagot.
"Wag ka sa 'kin magpasalamat. It's Pierre who asked for this consideration. Kaunti na lang talaga, malapit na 'kong maniwala na may gusto sa 'yo ang lokong 'yon." Natatawa niya akong tinalikuran habang ako ay hindi mag-sink in sa utak ko 'yong sinabi niya. Si Pierre? Magkakagusto sa 'kin?
"Imposible," naiiling na bulong ko sa sarili ko. Binuklat ko ang mga folders at binasa. Iginugol ko ang buong oras ko sa pag-aayos ng mga files.
"Wala na ngang silbi, pabigat pa." Dinungaw ko si Elisse na nakapamaywang sa harapan ko. Ano na naman kaya ang problema niya sa 'kin ngayon?
"Umalis ka na lang kung wala kang sasabihing maganda," kalmadong wika ko. Ayoko ng gulo dahil masyado nang nakahihiya kay Ms. Dette at mas lalong kay Pierre kung may gagawin pa 'kong eksena rito sa opisina. And besides, hindi worth it pag-aksayahan ng oras ang mga pang-iinis ni Elisse.
BINABASA MO ANG
STS #1: Dauntless [COMPLETED]
Romance[Smith Twins Series #1] Top secret agent Christian Klein Smith and aspiring journalist Adara Olivia Alejo are determined to expose and bring Governor Almendras down. But as they dig deeper into his corrupt and illegal ways, they find themselves tang...